Chapter 15: Suspicious

920 37 0
                                    

~*~*~*~*~*~
may ginagawa po akong fanfic na book. Tatlo sila pero inuna ko po muna yung kay jungkook. It's called 'The Unexpected Girl' Yun and sana masupportahan niyo yun kapag na publish na. Hehe okay read na kayo. Sana masuportahan niyo na iteey. Namumulubi na ko. 🤣 미안해 🤗
~*~*~*~*~*~

 🤣 미안해 🤗~*~*~*~*~*~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALEXA POV

Walang pasok ngayon dahil sa incident na nangyari kahapon. Isa ang namatay, at si Alec ang pumatay don. The rest nakatakas bago pa man makarating ang pulis. Gusto sana naming tignan kung sino ang napatay ni Alec kahapon. Pero hindi namin matanggal yung buhol sa maskara niya. Nakakainis. We almost had it. War starts now.

Kasalukuyang nakatambay kami ni Aira dito sa dorm. Sabi nina Alec na mag stay kami dito, lalabas lang daw kami pag lalabas lang din sila. Para sigurado na safe kami.

"Girl." napatingin ako dahil tinawag ako ni Aira.

"Ano ba talagang nangyayari?" tanging tanong niya. Hindi ako nakasagot at napayuko nalang. Ayokong sabihin sakaniya dahil hanggang ngayon bago pa lang din sakin lahat ng nangyayari.

"Let Claud and Alec explain it to you." yun lang ang sinabi ko at tumingin sa bintana. Nilibot ko lang ang paningin ka sa isang open field. Yun yung lugar kung san umamin sakin si Alec. Bigla nalang akong napangiti. That place was so memorable. I can't help but to smile. Napatingin nalang ako sa phone ko dahil may nag text.

From Alec ugok

Labas kayo ni Aira, kakain tayo sa labas.

To Alec ugok

Ano bayan nakakatamad

From Alec ugok

sumunod ka nalang

yun ang huli niyang text. Napangiti ako dahil naalala ko yung mga panahon na naging alalay niya pa ko, wala na siyang alam sabihin kundi puro 'sumunod ka nalang' pinag ayos ko si Aira kaya naman nag ayos kami at sabay bumaba para kitain sina Alec malapit sa gate ng Academy. Nakita namin ang buong Black blood na kumakaway samin kaya naman pumunta kami agad don.

Sumakay kami sa kotse ni Alec pero si matthew ang nag drive.

"Malayo layo yung kakainan kaya matulog muna kayo." yun lang ang sabi ni Matthew. Katabi ko si Alec ngayon pero hindi kami nag papansinan. Unti unti kong ipinikit ang mata ko pero hindi pa din ako nakakatulog.

Akala ni Alec na nakatulog na ako kaya naman sinandal niya ang ulo ko sa kanang balikat niya. Nakaramdam ako ng kilig pero hindi ko pinahalata. Hindi ko namalayan na unti unti na pala kong nakatulog.

A Gangster's Love 『COMPLETE』 #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon