Chapter 3: Black Blood History

2K 52 5
                                    

~*~*~*~*~*~
so kahit may pasok, pinupwersa ko tong ginagawa. So yeah. 😍 사랑해!~ ♥️
~*~*~*~*~*~

 😍 사랑해!~ ♥️~*~*~*~*~*~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALEXA POV

Hindi ko pa rin talaga matagal sa utak ko yung sinabi sakin ni Lily, na Black Blood ang tawag sa gang nila Alec, at connected siguro ako doon. Maiiyak na ko. Ang malas ko.

Tulala lang ako dito sa lamesa habang tahimik lang din si Alec pero ang ingay ng mga ibang black blood. This is not good

"Hey, Alec, kailan ulit tayo bibisita kay tito Ray?" nanlaki ang mga mata ko ng narinig kong tinawag niyang tito ang tatay ko!!!! OSBDHUDDNDJDHDJDHDU! sinasabi ko na nga ba! Ayokoooong sumama sakanila, hindi pwede, kailangan secret lang 'to, sana hindi nila alam.

"Pwede niyo ba kong kwentohan about sa Black Blood noon?" ang bobo ng tanong ko kung hindi ko sana sinabi yung salitang noon edi sana hindi nag si kunot ang noo nitong mga 'to pero nawala naman yun at nag kwento pa din sila.

"Dati, may isang gang na nabubuo, gang ng tatay ko pero si Ray Quilos ang leader nila, ka surname mo pa nga, then pito lang talaga dapat sila hanggang sa makilala nila ang isang babae na si Amanda. Napasama 'to sa gang nila dahil palaban to tulad mo." pag hinto ni Matthew, hindi kaya mahalata na nila? hindi na nga lang ako mag sasalita. Bahala sila, mamatay na sila kakaalam kung anak ba talaga ko ni Ray at Amanda Quilos. Hehe.

"Sila ang kinakatakutan ng lahat ng estudiyante dito dati sa paaralan na ito. Dahil dito din sila nag aral noon." Oo jusko alam ko na yon, hindi nalang ako umimik at nag patuloy sa pakikinig.

"Gusto na sana naming makita yung Anak ni Tito Ray." napakunot noo nalang ako. Thankful talaga ako at hindi nila alam.

"Bakit naman?" wala sa sariling tanong ko.

"Kailangan namin siyang protektahan." kinabahan ako sa sinabi nito. Bakit parang hindi ko 'to alam?

"Dahil nasakaniya lang ang susi sa isang organisayon na gustong mag patumba sa Black Blood dati. Sabi nila na kay tita Amanda daw yung susi pero binigay daw niya yun sa anak niya pero di namin alam kung sino." seryosong pag singit ni Jack. susi? So delikado buhay ko?

"Anong itsura nung susi?" takang tanong ko.

"Kwintas ito na silver na may maliit na pendat na susi." nasa kwarto ko yon, pinatabi yon sakin ni mama. Kailangan kong umuwi sa sabado. Kailangan ko din silang ma contact pero ang bilis talaga ng pang yayari. Bakit ganito?

Nag bell na kaya sumabay nalang ako sa Black Blood pabalik sa room. Wala din naman akong ibang kasabay.

Naupo nalang ako sa upuan ko at nakinig ako sa prof namin.

Nawala ang attention ko dahil kinalabit ako ni Claud. Wow for the first time. Napapansin ko siya lang matalino sakanila, kasama na si Jack at Matthew.

"Usap tayo mamaya." tumango nalang ako sakaniya.

Natapos ang klase namin kaya hinatak ako ni Claud palabas ng classroom at sa hallway lang kami nag usap dahil wala namang tao.

"Umamin ka na, tatay mo si Ray Quilos diba?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Kitang kita ko na sa mata mo kanina nung nag kwento sila Matthew tungkol sa Black Blood, hindi ko sasabihin sakanila. Bahala kang mag sikreto nito." walang emosyon na sabi niya sakin at bumalik sa classroom. Tahimik lang ako, nawala nanaman ako sa mood. Ayoko ng gulo ngayon.

"Sis, tinakot ka ba ni Claud?" tanong sakin ni Jack, umiling nalang ako. Tama siya dapat hindi ko muna to ipag sabi sakanila. Dapat matago ko 'to dapat ako lang nakakaalam.. para hindi na sila madamay.

My life is at risk. What the hell.

FASTFORWARD (HEHE)

Natapos ang school hours at pabalik na kami nila Lily sa loob ng dorm namin, ng makarinig ako ng text na galing sa cellphone ko.

"Hoy, pumunta ka sa rooftop." mukhang alam ko na kung sino 'to. I just rolled my eyes and nag paalam kay Lily na pupunta ako sa rooftop. Don't  play dumb with me, Alec. Pabebe.

Nakarating ako sa rooftop at nakita ko si Alec na pinag mamasdan ang mga langit. Wow, may sapak yata tong lalaking 'to biglang bumabait.

"Ano bang kailangan mo?" sungit na tanong ko sakaniya.

"Hindi porket binantayan kita sa clinic bumabait na ko, ginawa ko lang yon dahil naawa ako, pasalamat ka dahil minsan lang 'to." tinaasan ko lang siya ng kilay at umalis nadin siya, pinauna ko muna siya bago ako bumaba, baka ihulog pa ko nito sa hagdanan ng wala sa oras.

Hindi ko alam kung mag titiwala pa ba ko sa iba. Mukhang Black Blood lang talaga ang mapag kakatiwalaan ko dito. Siyempre pati na din si Lily.

SOMEONES POV

Napatingin nalang ako sa cellphone ko ng bigla itong mag ring.

"Hello anak?" sabi ni mama.

"Bakit ma?" pag tanong ko.

"Kaklase mo ba yung Alexa Quilos?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya napaoo nalang ako.

"Kailangan natin siya. Kunin mo ang loob niya." nabagsak ko ang cellphone ko at kusang nababa yung tawag. Bakit kailangan siya pa? Bahala na, para din naman makaganti ang organization namin.

~*~*~*~*~*~

A Gangster's Love 『COMPLETE』 #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon