3- Destiny?

9K 204 14
                                    

Sofia's POV

"Babae ka ba talaga?"

Hindi ko na kailangan pa lingunin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Boses palang niya alam ko na agad sinong walang hiyang nagsalita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Akala ko titigilan na niya ako dahil wala siyang sagot na nakuha mula sa'kin pero nagkamali pala ako. Ngayon ay kasabay ko na siya sa paglalakad. Kapag titigil ako ay titigil din siya. Kapag magpapatuloy ako sa lakad ay ganon din siya.

The nerve of this guy!

Hingang malalim, Sofia. Hindi mo pwedeng patayin ang isang 'to nang walang nakukuhang order mula sa DG. Pero kung tutuusin hindi ko naman talaga siya kayang patayin.

"Anong kailangan mo?" panandalian akong tumigil para tanungin siya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang lumilingon siya sa paligid na parang naghahanap ng ibang tao. Nang wala siyang makita, tinuro niya ang sarili niya.

"Ako ba?"

"Tanga ka ba o tanga ka talaga?" hindi ko mapigilan ang pag-irap at pagtaas ng kilay. Ito ang nakaugalian kong expression kapag inis na talaga ako. Hindi alam ng lalaking nasa harap ko kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kung sakaling mapuno na ako sa kanya.

Sobra sobra na ang pagtitimpi ko sa totoo lang. Kanina ko pa gustong basagin ang ulo niya. Ihahampas ko ito ng ilang beses sa pader na nasa gilid habang nagmamakaawa siya na itigil ko na dahil sa hindi pagtigil ng dugo na dumadaloy na sa kanyang mukha. I like that.

"Sinisigurado ko lang kung ako ba talaga kausap mo. Mamaya may nakikita ka pala na iba."

Tanga nga siya.

"Uulitin ko. Ano ang kailangan mo? Bakit mo ako sinusundan?" I crossed my arms. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nang matapos ay ngumisi siya. Manyak pa ata itong tanga na 'to.

"Baka nagkakalimutan tayo," bahagya siyang lumapit sa'kin pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Tinitigan ko lang siya habang papalapit. "Ikaw ang sumusunod sa'kin."

Ang kapal nga talaga ng mukha ng lalaking ito.

"Ngayon, ako naman ang sagutin mo. Babae ka ba?" pahabol niya.

I didn't know how to react. Gusto ko na talaga siya ihampas sa pader para matapos itong paguusap namin. In the first place, bakit ko ba siya pinapatulan? He doesn't deserve my time.

Ayoko ng tumagal pa ang pag-uusap namin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Teka lang wag kang bastos bakla!" sigaw niya.

I raised my middle finger to shut him up. Imbes na manahimik ay lalo pa niya akong ininis. Tumawa siya ng sobrang lakas at hinabol ako. Damn this guy! How to get rid of him?!

"Tara bakla samahan na kita palabas dito. Baka may masapak ka na naman," sabi niya na may kasamang tawa pa.

I smirked because something popped in my head. Ayaw niya rin naman akong tigilan kaya mas mabuti pa na ibalik ko na lang din lahat ng inis na nararamdaman ko sa kanya. Let's be fair.

"Takot ka siguro lumabas mag-isa. Baka ikaw ang bakla?"

Natigilan siya sa sinabi ko at ngayon naman ay siya ang nagtaas ng bad finger. That's what you get for annoying me. Dudurugin ko ang ego mo.

"Don't worry your secret is safe with me," I winked.

"Gago ka ah! Sinong nagsabing bakla ako?!" nakasigaw na siya ngayon.

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon