[30] Black Knight

3.4K 91 13
                                    

Sofia's POV

"Sino ka ba talaga?" tanong ko kay Jonathan. Ramdam ko kasing hindi lang siya isang normal na estudyante. May tinatago din siyang pagkatao tulad ko.

"Dark Protector, at your service." natanga ako sa sinabi niya. Parang biglang tumigil ang takbo ng oras at nag-eecho sa utak ko yung sinabi niya. Di ko na tuloy namalayan na nakaalis a siya.

Crap! Siya yung dark protector?!

"Ano sinasabi nung hayop na yun?" napalingon ako kay bakulaw at kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka. Psh. Napaka-inosenteng bakulaw.

"Wala 'yon. Tara na nga." hinawakan ko yung braso niya tapos naglakad na kami pabalik sa kotse niya. Pfft. Gagamit kami ng kotse na basag ang salamin. Muntanga lang.

"B*llsht! Nabasag nga pala yung--Argh! Kailangan ko itong palitan!" natawa ako sa reaksyon ni bakulaw. Namumula yung mukha at pfft nanlalaki ang butas ng ilong. Hahahaha.

"Punta na tayo sa bahay mo at gabi na *yawn* inaantok na rin ako." sumakay ako sa kotse niya at pumikit. Sobrang inaantok ako at pagod na rin. Ang hirap kasing pigilan yung sarili ko na makipaglaban. Parang habang pinipigilan ko mas humihina ako. Ang weird diba?

_____

Joshua's POV

Tinignan ko si Sofia at mukhang natutulog na ng mahimbing. Aba naman. Mukhang di namin mauumpisahan yung project namin ngayon ah. Tch. Bwisit kasi yung mga lalaki kanina. Parang mga tanga lang. Sinira lang nila yung kotse ko eh. Tss.

"Baby ko andito na tayo." -__- okay mukhang tulog na talaga siya. Aish.

Lumabas ako ng kotse at pumunta sa may pwesto niya. No choice ako kundi buhatin ito. Psh. Pasalamat siya mahal ko siya kungdi sisipain ko na lang siya palabas. Hahaha.

"Ugh! Ang bigat mo." buhat ko si Sofia habang papasok sa bahay ko. Ang dami sigurong kinain na toblerone nito. Aish.

"P-papa..." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sofia. Tinignan ko siya at may tumulong luha sa mata niya. Sht. Anong meron sa papa niya? Bakit niya napapaniginipan? -__-

Pwede bang ako na lang ang paniginipan niya. Hahahaha. ^__^

Tumaas ako at hiniga ko siya sa kama ko. Dun na lang ako matutulog sa kabilang kwarto. Ayoko naman hindi maging kumportable ang tulog ng prinsesa ko. ^__^

*tsup*

"Good night baby ko." matapos ko siyang halikan sa noo lumabas na ako at pumunta na sa kabilang kwarto.

"Dark protector, at your service."


Tch. Anong dark protector?! Parang tanga lang. May paganun-ganun pa yung hayop na 'yun. Aish. Nakakakulo ng dugo talaga pagnaaalala ko yun.


Pero -___- tangna. Di ko makalimutan yung nangyari kanina. Ano kaya ang kailangan nung mga mokong na 'yun kay Sofia? Bakit nila kailangan kunin si baby ko? Hays. Bakit di ko na lang kaya itanong kay Sofia nuh? Nagmumukha na akong tanga dito.

"Sumali ka na sa gang Josh. Para din ito sa proteksyon mo."


P*ta! Naalala ko na naman yung sinabi ni papa sa'kin. Gusto niyang maging miyembro ako nung gang niya. Tss. Dark Guild ba yun? Baduy.


Pero..... pakshet!


Siguro kailangan ko sumali sa gang niya? Tulad na lang nung nangyari kanina. Wala akong nagawa para protektahan si Sofia dahil may mga armas silang dala at ako wala. -__-

Hays. Pag-iisipan ko nga muna ng mabuti.

_______


Sofia's POV


"Ito ang lagi niyong tatandaan pag kukuhanin niyo na ang isa pang angle. Im-minus niyo ang dalawang given angle sa 180° para makuha ang huling angle. Gets niyo ba?" I yawn. Gosh! Napaka-boring talaga ng trigonometry! Pero mas okay na din yan kesa sa physics. Ayoko nun eh. Kainis.

"Pst!" napalingon ako dun sa bakulaw kong katabi. Sakton pagkalingon ko biglang may tumamang papel sa mukha ko. P*tangna! Muntikan na akong mapasigaw sa galit. Buti na lang at napakalma ko agad ang sarili ko.

"Ano ba problema mong bakulaw ka huh? Leche to, talagang tinama pa sa mukha ko." imbes na mag-sorry siya sa ginawa niya, tumawa pa ang gago.

"MR. XAVIER! WHAT'S FUNNY?!" napataas naman ang kilay ko sa teacher namin. Kung ako siguroang tatanungin niya sasabihin ko sa kanya na natatawa ako sa pagmumukha niya. Mukha kasi siyang clown.


"Nothing miss." biglang sumeryoso yung mukha ni Joshua. Naglakad palapit sa kanya yung clown este yung teacher namin.

"Bagsak na nga yung first long test mo tapos di ka pa nakikinig?!" kung pwede lang sana tumawa ginawa ko na, kaso kawawa naman si bakulaw. Napahiya na nga eh. Wahahahaha.

"Kung ayaw mong makinig, get out of this room. NOW!" dugtong pa nung teacher namin habang nanlalaki ang mata pati yung butas ng ilong. Shet! Natatawa na talaga ako. Wahahaha.

"Tss." padabog na lumabas si Joshua sa classroom. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Luh? Saan kaya yun pupunta?

"Ms. Lopez! Gusto mo bang sundan si Mr. Xavier?!" umiling na lang ako bilang sagot. Ayoko nga sundan yung si bakulaw. Badtrip ako sa kanya dahil sa pagtapon niya ng papel sa mukha ko.

Ilang oras pa ang lumipas at uwian na. Di na nga bumalik si bakulaw dito eh. Hays, saan kaya yun pumunta?

Phone ringing

"What?"

["Pumunta ka dito sa guild."] napakunot bigla yung noo ko sa sinabi niya.

"At sino ka para utusan ako ha?!"

["Tss! Mukhang ayaw mo naman makita yung bakulaw mo eh."]

"Anong--sht! Bastos yun ah!" napatingin ako sa phone ko at in-end na nga talaga ni Robert ang tawag. Leche.

Sinubukan kong tawagan siya pero ilang beses na nagri-ring di pa rin niya sinasagot. Langya!

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot ito papunta sa headquarter ng dark guild.

Sht, anong ginagawa dun ni bakulaw?

________

Joshua's POV

"I'm so proud of you anak! Buti napag-isipan mong sumali na sa gang ko." seryoso lang ako nakipagtitigan sa kanya. Tangna kasi. Nakakakilabot dito sa pinuntahan ko. Yung mga tao dito parang may kakaibang aura eh. Tss.

"Di ako sasali dito kung di ko naman talaga kailangan." napataas ang isa niyang kilay sa sinabi ko kasabay pa nun ang paghawak niya sa baba niya.

"Bakit mo kailangan sumali dito?"

"Kailangan kong sumali dito para matutunan kong ipagtanggol ang sarili ko at si Sofia Lopez." para naman siyang nabigla sa sinabi ko. May nakakagulat ba sa sinabi ko?

Umiling siya at nagsindi ng sigarilyo. "Kaya ka sumali para protektahan ang Sofia Lopez na 'yon?" medyo natatawa pa siya habang nagsasalita kaya napakunot ang noo ko. May nakakatawa ba kasi?

"Oo, bakit masama?" ngumiti muna siya nang malapad at lumapit sa'kin sabay tapik sa balikat ko.

"Walang masama anak. Sige kung 'yan ang gusto mo makakasali ka sa grupong ito PERO--" lumayo siya sa'kin at may kinuha na... sht! Isang samurai sword?!

"--kailangan mo munang malampasan ang misyong ibibigay ko sa'yo. Kung malalampasan mo 'yon, ikaw na ang ituturing naming 'black knight'"

#TBBGIAG
SABAW! SABAW! SABAW! WAHAHAHA!
WAG NIYO KONG TANUNGIN KO KAILAN ANG UPDATE! GRADUATING STUDENT AKO AT MARAMING REQUIREMENTS ANG KAILANGAN TAPUSIN.


The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon