Happy 35k+ reads cuties! *sabog confetti*
Dedicated to seoulpancake_ for the awesome book cover!
_____________
Sofia's POV
"Psst, bakulaw. Ayusin mo nga 'yang mukha mo" tumingin siya sa'kin at nakasimangot pa rin ang mukha niya. Kanina pa yan eh, bago pa kami pumasok dito sa NBR nakabusangot na siya. Masyado kasing big deal sa kanya yung pagtingin sa'kin ni Jonathan.
Kung nagtataka kayo bakit kami andito sa Naughty Boy's Room eh dahil ayaw ni Joshua na makita ang pagmumukha ni Jonathan. Di ko lang alam kung bakit niya ako sinama dito..
"Badtrip kasi yung unggoy na 'yon"
"Sinong unggoy, tol?" Napasinghap ako nang biglang dumating si Luis kasama si Ivan at Patrick. Teka... asan si Stephen?
"Ikaw" natawa kaming lahat sa sinabi ni Joshua pwera kay Luis. Siya kasi yung sinabihang unggoy ni Joshua. Hahaha.
"Ouch, grabe naman kayo. Ang bait-bait ko sa inyo tapos ginaganyan niyo ako? I hate you" pagmamaktol ni Luis tapos umupo sa tabi ng isang....babae, as usual. He's the playboy.
"Gago! Ang bakla mo!"
"Tang*na! Ang drama!"
"Tss" inakbayan ni Luis yung babae at syempre naglandian na sila. Tss, I hate flirts and sl-uts.
Yung ibang lalaki naman ay may kanya-kanyang mundo na.
Si Ivan, kumakain lang ng siopao kaya ayun katulad na ng pisngi niya ang siopao. Tch.
Si Patrick, naka-earphone lang at natutulog. Tamad.
At si Joshua ay... na..nakapatong yung ulo niya sa balikat ko at nilalaro yung daliri ko. Err..
"Bakulaw..."
"Yes baby ko?"
"Ayiiiii~" biglang sigawan nung mga lalaki sa kwarto, except patrick.
"P*tang*na! Wag nga kayong maingay. Mga bwisit" natawa naman sila sa sinabi ni Joshua. Grabeng hard kasi nito, well parang ganyan din ako kaso pag tinotopak lang. Close ko na sila kaya mabait na din ako sa Naughty boys, although I hate Luis for being a playboy.
"Baby ko ano nga pala ulet yun?"
"Bakit mo ba ako sinama dito? Gusto ko sanang kumain eh" bigla siyang natawa sa sinabi ko. Gago talaga. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tch.
"Ayoko kasing makita ka ni Jonathan kaya dinala kita dito. Atsaka gusto kitang masolo" sabi niya at syempre inasar na naman kami ng mga kaibigan niya. Hay nako.. pare-parehong gago.
"Tss, arte nito. Eh ano naman kung makita niya ako? Hindi naman niya ako inaangkin ah"
"Yun na nga eh, di ka nga niya inaangkin pero kung makatitig sayo wagas. Kulang na lang matunaw ka na. Tss" binitawan niya yung kamay ko at tumingin sa ibang direksyon. *sigh* Hindi din pala siya gago, isip-bata din.
"Tss, so noisy" tinignan ko lang si Patrick na lumabas sa NBR. As usual, short tempered lang yang cold guy na yan kaya umalis na. Tss.
Tumayo ako at inayos ko yung palda ko. Nagugutom kasi ako at gusto kong kumain. Wala kasing matinong pagkain dito sa loob. Puro alak lang ang makikita. =___=
"Aalis lang---sht" napahawak agad sa'kin si Joshua para alalayan ako. Muntikan na kasi akong matumba. Fck!
"Baby ko okay ka lang" hinawakan niya yun noo ko. "You're hot"
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl is a Gangster
ActionSi Sofia Quennie Lopez ay isang babaeng lumaki sa mundo ng mga gangster. Walang may alam na isa siyang gangster maliban sa kanya at sa kanyang grupo. Siya ang tipo ng babae na walang kinakatakutan, hindi mahina, at kayang protektahan ang sarili. Pe...