[22] Her Strength

4.8K 114 8
                                    

A/N:*PAKIBASA! BAGO UMPISAHAN ANG CHAPTER 22*

PLEASE! KUNG MAGKO-COMMENT KAYO WAG PURO "UD PLEASE" "BITIN PO" ALAM NIYO KASI YUNG FEELING NA LALO AKONG NATETENSE? KUNG PWEDE PO YUNG MGA COMMENT NAMAN NA MA-APPRECIATE KO. SA TOTOO LANG KASI SA LAHAT NG ON-GOING KO ITONG TBBGIAG ANG PINAG-IISIPAN KO NG MABUTI. SANA KUNG MAGKO-COMMENT KAYO YUNG MAS GAGANAHAN AKONG MAG UD..

KUNG NATATAGALAN ANG MGA UPDATE KO PAGPASENSYAHAN NIYO NA PO. GRADUATING STUDENT PO AKO AT HINDI LANG SA WATTPAD UMIIKOT ANG MUNDO KO.

KAYA SANA NAMAN PAKIUNAWA NAMAN PO KUNG MATATAGALAN ANG BAWAT UPDATE KO.

*naka-capslock para intense kasi na-tense ako! hahahaha joke! hindi ako galit mga cuties ah!*

___________________________________

(click the external link for TBBGIAG's Group on FB)

Yana's POV

"Argh! asan na ba kasi yun?!" Yumuko ako para hanapin yung susi ng kotse ko sa ilalim ng kama.

Hanap lang ako ng hanap hanggang sa may makita akong isang scrapbook.

Kinuha ko yun at umupo ako sa kama. "Sofia..." I said her name unconsciously. Itong scrapbook kasi ay naglalaman ng mga pictures naming tatlo. Maraming memories ito at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon mahalaga pa rin ito sa'kin.

Binuksan ko iyon at nakita ko ang larawan namin na kumakain ng cotton candy. Ito yung araw na, nagalit samin si Sofia dahil hindi namin siya nasamahan ni Katrina sa canteen. Elementary palang kami dito kaya siguro napaka-simple ng dahilan ni Sofia para magalit. Kaya nilibre namin siya ng cotton candy at viola! Nagkabati-bati na kami.

Nilipat ko yung page at sumunod na nakita ko ay yung graduation day namin nung elementary. Magkakayakap kaming tatlo dito. Naalala ko pa nung nangako kami sa isa't-isa na walang iwanan at forever kaming magbe-bestfriends pero ngayon, wala na. Tapos na ang lahat sa aming tatlo.

Di ko namalayan na unti-unting namumuo ang luha sa aking mga mata.

Kahit pala ituring ko na kaaway si Sofia meron pa ring parte ko na tinuturing siyang kaibigan/kapatid.

Sinarado ko yung scrapbook para iwasan ang aking nararamdaman. Hindi pwede ito. Hindi pwedeng kalimutan ko ang mission kong patayin si Sofia.

Masyado na siyang maraming napatay na tao at hindi ko hahayaan na hindi siya singilin.

Lalo pa't siya rin ang pumatay sa aking mga magulang.

Sobra akong nasaktan noon nung nalaman kong siya ang black princess na hinahanap ko.

Nalaman ko iyon nung nakita ko yung tattoo niya sa may tabi ng pusod. Yun yung panahon na nagp-PE kami at nung nagbend siya medyo nataas yung t-shirt niya at nakita ko ang tattoo ng Dark Guild.

Sobra akong nalungkot dahil ang kaibigan ko ang pumatay sa magulang ko. Hindi ko alam kung paano niya sila pinatay, dahil sinabi lang sa aking ng Red Hood na ang black princess nga daw ang pumatay sa mga importanteng tao sa buhay ko.

At nagalit din ako. Sobra akong nagalit dahil kinaibigan ko ang taong pumatay sa mga magulang ko. Nagsisisi ako na tinuring ko siyang kapatid. Tinuring kong kapatid ang isang mamamatay tao.

*

Sofia's POV

"Sa oras na galawin niyo pa ulet si Joshua hindi na ako magdadalawang-isip na patayin kayo. Alam ko at alam niyo na marami na akong napatay at kung tutuusin kayang-kaya ko din kayong patayin"

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon