Sofia's POV
Damn it! Muntikan na ako dun ah! Buti na lang at mabilis ako kaya nakatalon agad ako kasi natamaan niya yung gulong ng motor ko.
Tumigil siya sa harapan ko.
"Magpasalamat ka at mabait pa ako kasi ayaw pa kitang patayin ngayon"
Sa sobrang galit ko lumapit ako sa kanya tapos hinila ko siya pababa ng motor niya. Hiniga ko siya sa kalsada tapos pumaibabaw ako sa kanya tsaka ko siya sinakal.
"Gago ka! Wag mong idadamay ang nanay ko! Wag na wag mo siyang banggitin kung ayaw mong dumeretso ka na sa sementeryo at hindi ka na dadaan pa sa ospital" binitawan ko na siya kasi mukhang di na siya makahinga. Tumayo ako habang siya nakaupo pa din tapos hawak niya ang leeg niya.
"Tandaan mo! CELESTIAL PRINCESS, kayang-kaya kitang patayin kung gugustuhin ko kaya dapat ikaw ang magpasalamat dahil mabait pa ako"
Bago pa man siya makapagsalita ulet sumakay na ako sa motor niya tapos pinaandar ko na yun ng mabilis.
Galit ako ngayon. Galit na galit, dahil ayoko sa lahat ang kinukumpara kami ng nanay ko. Di ko alam kung bakit pero sa tuwing ikukumpara ako sa sarili kong nanay umiinit ang dugo ko.
'Tch. Pasalamat ka talaga Yana dahil may pinagsamahan pa tayo kahit papano kaya hindi kita magawang patayin'
- - -
Nung makarating na ako sa finish line, kitang-kita sa mukha ng mga tao na gulat sila. Syempre magugulat sila dahil nakasakay ako sa motor nung kalaban ko.
"what's with the look guys?" Tanong ko sa kanila nung makababa na ako sa motor.
"Grabe pala talaga siya"
"Ang cool niya talaga!"
"Crush ko na siya!"
"Waaah! Idol ko na si black princess!"
Napangisi ako sa mga compliments na naririnig ko.
Lumapit ako kanila Robert at Ate Frances na nakatulala. So, sila din pala? Haha! Mukha ba akong mahina at talaga nagulat pa sila na ligtas akong nakabalik?
Well, NEVER. EVER. MESS. with me dahil walang kasiguraduhan ang buhay mo kapag kinalaban mo ako.
"Uy! okay na ba kayo?" kinaway-kaway ko yung kamay ko sa harapan ng mukha nila Robert.
"A-ang cool mo" mukhang na-amaze talaga si Robert. Ahaha!
"Syempre ako ang black princess kaya cool ako" nakataas-noong sabi ko. I'm just proud of myself.
Magsasalita sana si Ate Frances pero naputol dahil nakarinig kami ng malakas na sampal. Napalingon ako kung saan nanggaling yun.
"Napaka-tanga mo! anong klase ka?! B-llshit!" May babaeng nakatalikod samin. Sa tindig at shape ng katawan niya masasabi ko na si Yana yun.
"I'm sorry boss" nag-bow pa si Yana sa boss niya tapos sinuot na niya yung hood niya kasi naka-jacket siya tapos umalis na.
Hmp! That's what you get if you mess with the black princess.
"Tara na, uwi na tayo" pagyaya ni Robert. Tumango naman kami ni Ate Frances.
Habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Robert napansin ko na may parang nakatingin sa'kin. Lumingon-lingon ako para hanapin yung matang nakatitig sa'kin para tusukin sana pero mukhang wala na.
Aish! Siguro secret admirer ko lang yun -.-
- - -
Intrams (second day)

BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl is a Gangster
AçãoSi Sofia Quennie Lopez ay isang babaeng lumaki sa mundo ng mga gangster. Walang may alam na isa siyang gangster maliban sa kanya at sa kanyang grupo. Siya ang tipo ng babae na walang kinakatakutan, hindi mahina, at kayang protektahan ang sarili. Pe...