April 29, 2016
Frances' POV
"Hindi na namin alam kung ano pa ang pwedeng gawin para lang mahanap ang bangkay ng black princess!"
"Boss, kailangan daw po natin kuhanan ulit lahat ng mga nakuhang bangkay ng DNA test kasi masyadong malubha ang sunog sa nga mukha nila."
"Lumubog na ng tuluyan yung barko, boss. Mas lalo ng mahirap ang paghahanap."
Nagpulong lahat ng kasapi sa aming guild upang pag-usapan ulit ang paghahanap sa nawawalang bangkay ni Sofia.
Sa tabi ng aming boss ay si Joshua na nakatingin lang sa kanyang kamay. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon dahil hindi niya man lang nasabi kay Sofia ang lahat tungkol sa kanyang mission.
Isa ako sa mga miyembro na kasama sa mission niya. Alam ko lahat ng nangyari sa kanila ni Sofia. Sa relasyon nila hanggang sa paghihiwalay kaya alam ko rin kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon.
"Hindi tayo titigil hangga't hindi napapatunayang patay na ang ating alas!" sigaw ni boss.
Nanlilisik ang mata niya nang pasadahan kami lahat ng tingin. He's like a devil in human form. Minsan lang namin makita ang boss pero tuwing makikita namin siya ay lagi namang galit. Parang laging pasan ang mundo.
"Pero mismong mga pulis na ang nagsabing imposibleng mahanap pa natin ang bangkay niya. Halos hindi na makilala ang mga mukha ng bangkay dahil sa pagsabog."
Tumayo ang boss at tinuro ang nagsalita. Nanatiling tahimik lang si Joshua sa tabi niya na para ba walang naririnig.
"Kung kinakailangan na kuhanan ng DNA test lahat ng bangkay na makukuha ay gagawin ko!" hinilot niya ang kanyang sentido at napaupo. "Hindi natin maaaring isawalang-bahala ito. Siya ang dahilan kung bakit naging tanyag ang grupo. Naging matatag tayo dahil siya ang ating naging alas."
Nag-umpisang magbulungan ang mga katabi ko. Napuno ng ingay ang buong lugar. Buo na ang desisyon nila na hanapin ang nawawalang alas ng grupo. Hindi nila hahayaang malugmok ulit sa putikan ang grupong ipinaglaban ni Sofia ng matagal na panahon.
She's not just a princess for us. She's our Ace.
Tulad ng sinabi ni boss. Kinuhanan lahat ng miyembro ng DG ng dugo ang mga bangkay na nakikita. Palihim lang ang mga pagkuha dahil hindi pwedeng malaman ng mga awtoridad ang dahilan sa paghahanap namin kay Sofia. Hindi nila pwedeng malaman na kasapi kami sa maduming mundo na kanilang pinupuntirya ngayon.
Araw-araw kaming nabibigo tuwing makikita namin ang negative result ng mga bangkay na nakukuhanan, pero hindi kami nawawalan ng pag-asa. Hangga't walang bangkay ay maaari rin na buhay pa siya.
Gabi nang bumalik ulit ako sa headquarters. Makikibalita kung may mga resulta na ulit ang mga bangkay na kinuhanan ng dugo noong isang linggo.
Madilim na ang pasilyo papunta sa silid kung saan naroon ang mga nagtetest ng dugo. Habang naglalakad ay may nakasalubong akong nakaitim na jacket na suot ang hood. Sandali akong napatingin sa mukha niya. Nakatulong ang konting liwanag ng ilaw para makita ko ang kalahati ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl is a Gangster
AçãoSi Sofia Quennie Lopez ay isang babaeng lumaki sa mundo ng mga gangster. Walang may alam na isa siyang gangster maliban sa kanya at sa kanyang grupo. Siya ang tipo ng babae na walang kinakatakutan, hindi mahina, at kayang protektahan ang sarili. Pe...