[19.1] Camping pt. 1

5.2K 108 5
                                    

A/N: Sorry Cuties sa super late UD ko. Lapi na kasi ang pasukan kaya limited time na lang ang pagiinternet ko.

ANYWAYS, malapit na birthday ni author. Ano regalo niyo sa'kin? ^____^

____________

Sofia's POV

       ....After a week....

Isang linggo ng hindi nagpaparamdam si Joshua sa'kin. Hindi na niya ako kinukulit at di ko alam kung bakit. Siguro sumuko na siya.

5:00 am pa lang andito na ako sa school. May camping kami ngayon at puro lang mga 4th year highschool.

"Class 4-A! Lumapit kayo sa'kin at magbubunutan tayo ng seats niyo sa loob ng bus." sabi ng teacher namin na agad naman sinundan ng mga bulong-bulungan ng mga estudyante.

"Ano ma'am?! May sitting arrangement din sa bus?"

"enebeyen mam! gusto ko makatabi si bespren!"

"mam! gusto ko makatabi ko ang girlfriend ko!"

Yan ang mga naririnig ko at yung iba naman ay di ko na maintindihan. Sabay-sabay kasi silang nagsasalita. =___=

Sinalampak ko ang earphones ko sa tenga ko. Umagang-umaga umiinit agad ang ulo ko. >__<

*poke*

Lumingon ako dun sa kumalabit sa'kin.

"Beshie! Hindi ka pa bumubunot? Tara sabay na tayo ^__^" Isa pa ito eh! Aga-aga ang plastik! Tsk!

Tumango na lang ako at sabay kaming pumunta kay ma'am. Pagbunot ko agad ko yun tinignan at ang nakalagay ay '4r-L' ang ibig sabihin niyan ay pang-apat na row sa left side ng bus.

"Saan ang pwesto mo beshie?" tanong sa'kin ni Yana.

"Tignan mo" inabot ko sa kanya yung papel. Wala kasi ako sa mood makipag-plastikan sa kanya eh.

Makalipas ng ilang minuto pinasakay na kami sa bus. Agad akong pumwesto sa naka-assign na upuan sa'kin. Dun ako sa katabi ng bintana.

Pinalakasan ko ng konti ang volume ng pinapakinggan kong music para makatulog na ako. Inaantok pa kasi ako eh, kung hindi lang required na sumama hindi talaga ako sasama kaso kailangan kasi eh!

Maya-maya pa naramdaman ko na may umupo na sa katabi ko. Nakapikit ako kaya hindi ko pa alam kung sino. Atsaka wala naman akong pake. Inaantok ako!

-_____- zZzZz

- - -

Naramdaman ko na nauuntog na ako sa bintana, kaso masyado pa akong inaantok para pigilan ang ulo ko sa paggalaw.

Maya-maya pa ay naramdaman kong hinawakan ng katabi ko ang ulo ko tapos pinatong sa balikat niya.

*sniff*

Teka... Bakit parang alam ko itong amoy na ito? Parang pamilyar ang amoy niya. Yung pabango niya parang naamoy ko na.

Hindi kaya.......

Agad kong minulat ang aking mata at tinignan ang katabi ko.

O________O

"hi" bati niya sa'kin. Tang*na! Anong ginagawa nito dito? Bakit ko siya katabi?!?

"Umalis ka nga dito! Bakit ka ba tumabi sa'kin?" asar na sabi ko sa kanya.

"Alam mo, hindi ko rin gusto na makatabi ka. Ito lang talaga ang pwestong nabunot ko kaya wala din akong choice" inirapan ko na lang siya sa sinabi niya at humarap ako sa bintana.

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon