Sofia's POV
"oo na, suko na ako.. Kung gusto mo akong bantayan edi go, hindi naman ako ang mapapagod eh" sabi ko kay Robert. Andito kami ngayon sa cafeteria. Nagpalibre ako ^___^
"Hayy salamat pumayag ka na"
"Ang kulit mo kasi eh"
"Utos kasi ni master eh" oo na, alam ko naman na utos yun ni master. Feeling naman niya kasi hindi ko kayang protektahan ang sarili ko. Psh.
"Sofia kailangan ka namin!" may biglang lumapit saming babae. Siguro ka-klase ko ito. Hindi ko naman kasi kilala yung mga classmate ko eh -___-
"bakit?"
"Basta sumama ka na lang" hindi ko pa nauubos yung kinakain kong cake nang hilain niya ako. Si Robert naman hinayaan na lang akong hilain, tumatawa pa nga siya eh. -.-
Dinala ako nung weird na humila sa'kin sa auditorium. Pagpasok namin dun may 7 babae ang naghihintay.
"Buti naman napilit mo siya!" sabi nung babae sa weird na kasama ko.
"hehe, sapilitan lang ito" sabi ni weird.
Teka nga... Ano ba ang meron? Nao-OP ako eh!
"Ah teka... Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko dun kay weird.
"Ano kasi Sofia... Kailangan ka namin dahil gusto namin manalo bukas"
?___?
"Ganito kasi yun... Kanina lang namin nalaman na may dance contest or rather isang cheering dance para sa mga classmate nating boys na maglalaro ng basketball bukas.. Kaya ka namin kinuha kasi mukhang madali ka lang turuan ng mga steps"
O___O
Ako sasayaw?! Tang*na! Kahit nga kumanta sa harapan ng iba hindi ko magawa, ang sumayaw pa kaya? Tsk.
"Ayoko" madiin kong sabi.
"Kailangan ka namin Sofia.. Please nagmamakaawa kami.. Sumali ka na.. Nakasalalay ang pangalan ng grupo namin dito.. Please" sabi ni weird na nagpa-puppy eyes pa.
"A.YO.KO" lalabas na sana ako pero nakarinig ako ng mga hikbi.
"Pa-pano na yan Bella? Matatalo na tayo... Kung di lang namatay si Kat paniguradong may ipe-perform tayo bukas" sabi ng isang babae kay weird.
Lumapit ako sa kanila. "Anong kinalaman ni Kat dito?"
"Siya kasi yung isa pa naming miyembro. Pero dahil sa wala na siya kailangan namin ng bago at ikaw yun Sofia" sabi ni Weird na may luha na ang mata. Psh, nagpapaawa pa.
=____=
Ano pa ba ang magagawa ko? Masyado na akong kino-konsyensya ni weird eh.
"Oo na.. Sasali na ako" biglang lumiwanag yung mukha ni weird. Tapos nagpakilala na sila sa'kin isa-isa. Si Bella yung weird na babae.
- - -
Buong maghapon kaming nagpractive ng sayaw sa auditorium. Ang sasayawin pala namin ay ang dalawang kanta ng girl's generation.
'Oh!' at 'Gee' daw ang sasayawin namin. Ugh! Nakakailang sumayaw promise!
"Magaling ka naman pala Sofia eh!" pambobola sa'kin ni Bella. Paano kaya ako magiging magaling feeling ko ang tigas ng bewang ko.
Hindi ko siya pinansin kasi nagfo-focus ako sa sayaw. Nakakatuwa naman palang sumayaw eh. Hehe.
"Girls, payag ba kayo na hanggang gabi tayo? Bukas na kasi ito eh kaya kailangan natin talagang magpractice lalo pa na dalawang kanta ang sasayawin natin" sabi ni Bella.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl is a Gangster
AcciónSi Sofia Quennie Lopez ay isang babaeng lumaki sa mundo ng mga gangster. Walang may alam na isa siyang gangster maliban sa kanya at sa kanyang grupo. Siya ang tipo ng babae na walang kinakatakutan, hindi mahina, at kayang protektahan ang sarili. Pe...