43- Target

846 14 7
                                    

Reign's POV

"Help me please!"

Ramdam ko ang walang tigil na pagtulo ng luha ko. Pagod na din ako kakatakbo pero hindi ko maalala bakit kailangan ko tumakbo.

Saan? Kanino? Bakit?

"Someone please!" I heard a gunshot. Hindi lang isang beses kung di dalawa.

Lumiko ako sa isang pasilyo at habol hiningang sumandal.

Wala akong maalala kung paano ako napunta sa lugar na ito. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong makatakas ng buhay.

"Asan na ang bata?! Hindi siya pwedeng mabuhay! Hanapin niyo siya!"

Napasinghap ako sa narinig. Dumoble ang kabang nararamdaman dahil sa takot na baka makita nila ako. Anong gagawin nila kapag nakita ako?

Malamang ay papatayin din!

Nilakasan ko ang loob ko at nagpatuloy sa pagtakbo kahit alam kong maaari nila akong mahabol. Mas mabuti na mamatay ng sumusubok.

"Ayun siya! Habulin niyo!"

Hindi ako lumingon. Deretso lang ang tingin ko sa madilim na lugar na tinatakbuhan ko. Kahit wala akong makita ay alam ng mga paa ko kung saan ako dapat tumakbo. Weird.

Isang putok ang nagpatigil sa'kin sa pagtakbo. Akala ko ay galing sa malayo ngunit nakaramdam ako ng kirot sa binti ko at doon ko napagtantong tinamaan ako sa binti!

"O-ouch..."

Nanlambot ang aking mga tuhod kaya napatigil ako sa pagtakbo.

"Please don't kill me!" pakiusap ko sa mga taong ngayon ay nakapaligid na sa'kin. "I'm begging you!"

"Shoot her," utos ng isang babae.

"No please!" iyak ko.

Ngunit parang wala silang narinig dahil unti-unti nilang tinutok sa'kin ang baril at—

"No!"

"Reign, are you okay?"

Hinihingal akong tumingin sa kanya. Ano ba iyong panaginip na 'yun? Lagi ko na lang nakikita ang kadiliman na yun at ang mga taong laging hinahabol ako.

Tinignan ko si Yno. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng kama na sa pagkakaalala ko bago ako matulog ay nasa sofa lamang siya.

"Napanaginipan ko na naman 'yun."

"Wala ka ba talagang maalala sa pagkatao mo bago ka napadpad sa Grimoire Guild?"

Lumapit siya sa'kin at marahang hinaplos ang braso ko. I smiled at him.

"Ang sabi ng mga nakakataas na hindi ko na dapat pa alalahanin ang nakaraan. Hindi ko sila maintindihan kung bakit pero ikasisira ko lang daw iyon. Malakas ang kutob ko na tungkol sa pagkatao ko iyong panaginip na 'yun."

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Kahit naman ako ay naguguluhan sa gustong mangyari ng mga pinuno ng Grimoire Guild. Wala silang nababanggit kung saan nila ako nakuha o kung saan ako galing.

"Susubukan kong tignan ang profile mo sa headquarters," suhestiyon niya na agad kong inilingan.

"Sira ka ba?! Gusto mo ba mamatay ha? Sabihin mo lang ako na papatay sa'yo!"

Tumaas ang boses ko dahil sa galit pero hindi siya natinag bagkus ay nginitian pa ko. Napaka talaga nitong lalaking to! Nagagalit na nga ako nagawa pa niya akong pagtawanan.

"Nag-aalala ka ba para sa'kin?" he softly asked.

Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa leeg ko. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa mainit niyang paghinga na humahaplos sa aking leeg.

The Bad Boy's Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon