Lance's POV
Pauwi na sana ako. Well, nagcocommute lang ako. Ayoko naman kasi talagang sinusundo or whatever. Ang laki laki ko na at lalaki ako kaya bat kailangan ko pang sunduin diba?
Nauna na kasi yung tatlo sakin may kailangan kasi sila gawin sa mga bahay nila.
Well, ayaw kasi talaga namin ipaalam sa lahat ng tao na mga anak kami ng mayayaman. Gusto lang naming apat mabuhay ng tahimik at payapa. Akala niyo ba masaya maging mayaman? Di rin kaya noh. Ayoko ng pinagsisilbihan ako. May kamay at paa ako, hindi rin naman ako tamad. At kapag nalaman nilang mayaman ka nagiging mabait sila sayo. Oo, tama kayo. Nagiging mabait sila sayo, dahil lang mayaman ka. Natatakot kasi sila sayo. Pero ang totoo naman di naman kami katulad nung napapanuod niyo na 'boys over flowers' hindi naman kami ganun kasama. Makulit lang pero di naman ganun kasama. HAHAHAHAHAH!
"Lance!" napalingon naman ako sa babaeng biglang tumawag sa pangalan ko
Oh anong pinunta punta dito ni Nichole?
"Bakit?" tanong ko sakanya
"Ummm, kasi ano. Sorry kasi sinuntok kita. Di ko naman alam na anak ka ng mayaman eh. Pasensya na talaga. Hindi ko na uulitin." sabi niya sabay bow. Panu niya nalaman na anak ako ng mayaman? Tae!
*riiiiing
Yuri Calling.....
"Hello?" sagot ko
"Bro! Napanuod ka namin. Pinakita ng nanay mo picture mo sa tv. May interview ka ngayon kasama parents mo!" sigaw niya sa kabilang linya
Tae! Alam naman nilang ayaw ko maging tagapagmana nila! Gusto ko lang mabuhay ng normal!
"Sige bye na." sabi ko sabay baba ng phone
"Uy, sabi ko sorry na." pag-ulit ni Nichole. Tinignan ko lang siya pero di ako nagsalita.
*riiiiing
Mom Calling.....
"Hello?" walang gana kong sagot
"Where are you? Susunduin ka namin. May pupuntahan tayo."
"Ayoko sumama sa interview na yan." binaba ko na ang phone pagkatapos kong sabihin yun. Kahit kailan talaga walang alam na matinong bagay yan sila mama at papa eh. Alam nilang ayaw ko pero pinipilit nila ako ang magmana ng kompanya nila.
Porket ba ako lang ang lalaki sa pamilya? Nandiyan naman si ate ahh?! Magaling din naman siya at gusto niyang manahin yung kompanya di tulad ko.
"Uy, sorry na nga." sabi ulit niya habang nakayuko
Brilliant idea!
"Hindi kita ipapakulong sa pambubugbog mo in one condition."
"Ano naman yun?"
"Be my girlfriend." alam kong di siya makakatanggi. Pero naisip ko lang bigla, kasi may babaeng gustong ipakasal si Papa sakin pero ayaw ko. Kasi ayaw ko. Di ko type. Siguro kung malaman nilang may GF na ako eh hindi na nila ipilit sakin yung babaeng yun.
"What?! Ayoko! No way! Di nga kita ganun kakilala tas girlfriend mo agad ako! Manligaw ka muna!"
"Tangek! Magpapanggap ka lang! Ayaw mo? Madali lang naman ako kausap." kinuha ko ang phone sa bulsa ko at akmang ida-dial na ang number ng pulis.
"Teka lang! Oi! Wag!"
"Choose!"
"Oo na! Wag mo ko ipakulong ah!" akmang aalis na siya pero hinawakan ko siya agad
"Ano nanaman?" naiinis na niyang tanong
"Naiinis ka ata eh." pang-aasar ko pa
"Ayy, hindi ahhh. Ano po yun?" at nilambingan niya ang boses niya. Mas bagay sakanya. Mas gumaganda siya. Okay! Gay!
"Where do you think you're going?" tanong ko sakanya kaya nagtaka naman siya
"Uuwi na. Pumayag na ako na ako diba?"
"No! Hindi ka pa uuwi. May pupuntahan pa tayo."
"Date?"
"Pwede."
Nagpasundo na ako sa driver namin. Isa na rin tong way noh.
Mabilis lang naman kaming nakarating dun sa destination namin.
"Bat nandito tayo? May guesting ka ba?" dinala ko kasi siya rito sa studio kung saan gaganapin ang interview ko. Gusto ko lang na ipakilala siya sa lahat para na rin tumigil na sila Mama at Papa sa pangarap nila sakin.
"Wag ka ng maingay, basta sumunod ka nalang." at patuloy ko siyang hinila hanggang sa makapasok kami sa isang studio room.
"Anak, buti dumating ka!" sigaw ni mama at akmang yayakapin ako pero umiwas ako
"Ma, girlfriend ko po si Nichole."
"What?" mahinahon lang naman si Mama. Si mama hindi naman siya type ng tao na nang-aapi eh. Mabait si Mama kahit sa mga taong di mayayaman.
"Yes, girlfriend ko po siya." tinignan ko si Nichole na gulat na gulat naman sa nangyayari
Sorry kailangan lang talaga!!
----------
Lance's Photo ---------->
Yey! Sana nag-enjoy kayo sa update ko. Ito lang po ang nakayanan.
Hindi naman ako ganun kagaling sa pagsusulat.
Sino pala gusto magpadedicate? Tumatanggap ako!
Love lots guys!
Sana patuloy niyong basahin at sana nagustuhan niyo. Yun lang!
Comment din kayo :)
Thanks! Promise papagandahin ko pa! Lalo na yung mga casts ko!
Mag-abang lang kayo. Dun sa mga hindi pa lumalabas. Sorry. Intindihin niyo nalang po :) May flow po kasi yung story so yun. Sana maintindihan niyo kung hindi ko pa kayo nilalabas sa kwento :)
Pero wag kayong mag-alala. Sa mga susunod na chapter lahat palalabasin ko na kayo para hindi naman kayo mapagod sa kakaintay! Yun lang! Sana talaga guys naiintindihan niyo.
Baka bukas di na ako maging active masyado. Pero I'll try na mag-update pa rin ng mag-update para sainyo.
Paspread naman ng story ko. Please :) I love you guysssssssssss!!!!!
Sorry ang haba ng speech! HAHAHAHAHA! Oh basta ito na talaga! Salamat guys sa pagbabasa ng story ko at sa matyagang pag-iintay!
BINABASA MO ANG
The Secret Heirs
Teen FictionApat na lalaking mayayaman nagpanggap na ordinaryong tao. Hanggang sa nameet nila ang apat na babaeng ubod ng kulit. Ano kayang mangyayari sakanilang walo? Will love conquer them?