Nichole's POV
Anong pinagsasabi nila? Kami na for real? Hindi nga eh!
"Bat di niyo pa totohanin?" tanong ni Yuri
"Alam niyo di naman namin mahal ang isa't isa." sabi ko naman sakanila
"Pero nanunuod or nagbabasa ka ng romance na about diyan diba? Yung nagpapanggap tas maiinlove sila sa isa't isa then happy ending." sabi naman ni Kyra
"Baliw ka talaga. Imposible!" yep! Imposible.
"Bat dumalaw kayo?" tanong ni Kyra
"Wala lang." sagot naman ni Lance
"Nandito ka pa ring Yuri ka! Umuwi ka na nga! Layas!" sigaw ni Kyra at pinagpapalong pinaalis si Yuri
"Ang sweet niyo." komento ko naman sakanila
"Sweet kami? As in duh! Malaking DUH!" sigaw niya naman. Feeling ko magkakadevelopan tong dalawa na to.
"Dinalaw ka lang namin. Aalis na kami may pupuntahan pa kami eh." sabi ko naman at nagbeso na sakanya
Sumakay na kami sa kotse ni Lance at tahimik lang kami sa byahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero okay lang. Sabi niya magbobonding silang magkakaibigan. Game na lang din ako.
Pumunta kami sa isang night club. Pumupunta pala siya sa gantong lugar. Kaya pala pinagsuot niya ako ng dress. Now I know.
"Let's go." sabi niya sakin. Nagcling naman ako sa braso niya. Natural na yun samin eh. Pero alam niyo minsan pag ginagawa ko yun may ibang feeling na eh. Promise!
Umakyat kami sa may 2nd floor ng bar pero kita mo pa rin mula sa taas ang dance floor at maingay pa rin.
"Yo!!" bati ni Adrian kay Lance
"Hey bro! Nagkita ulit tayo!" sigaw naman ni Lance. Diba nga kanina nandun siya sa bahay ni Kyra.
Nakita ko naman si Ace na nakaupo lang dun sa pwesto nila at tahimik lang. Pumunta na kami sa pwesto nila at umupo lang ako.
"Darating pala si Wendy." sino nama yun?!
"Oh I see." sagot naman ni Lance
"Miss ko na rin yung babaeng yun ah!" sigaw naman ni Yuri. Ang napakaingay nilang barkada.
"Hey guys!"
"Whoah! Wendy!" sigaw ni Adrian at niyakap siya.
"Miss mo ko noh?" tanong niya kay Adrian
"Hey Wendy!" bati naman ni Lance at ngumiti
Lumapit si Wendy kay Lance at umupo sa gitna namin. Yung tipong siniksik niya talaga yung sarili niya sa gitna namin. So syempre napilitan akong umurong.
"Hey guys!" sigaw naman ng isa pang babae. Sino nanaman to?!
"Nga pala. Janice, ito nga pala si Nichole and Nichole she's Janice our childhood friend." pagpapakilala ni Adrian kay Janice sakin. Ngumiti naman ako sakanya at ganun din siya. Mukang mabait naman siya at maganda pa. Di tulad ng babaeng katabi ko ngayon, ang landi.
"Wendy, si Nichole nga pala GIRLFRIEND ni Lance." inemphasize ni Ace yung word na girlfriend ah. Tignan lang natin kung di ka mapahiya.
"Ahh. Hi Nichole." sabi niya at bumalik ulit sa pagsandal sa balikat ni Lance.
Napatingin naman ako kay Ace at parang sinasabi niya 'Hayaan mo nalang. Ganyan talaga siya.'
Ngumiti naman ako.
"Kung alam ko lang sana na ipagpapalit mo ko pag umalis ako de sana hindi na ako umalis." anong pinagsasabi ng babaeng to? Kinkonsensya niya ba si Lance.
BINABASA MO ANG
The Secret Heirs
Novela JuvenilApat na lalaking mayayaman nagpanggap na ordinaryong tao. Hanggang sa nameet nila ang apat na babaeng ubod ng kulit. Ano kayang mangyayari sakanilang walo? Will love conquer them?