Chapter 9

3.5K 100 1
                                    

Kyra's POV

"Takteng script to! Ano ba to?!" reklamo ko

"Alam mo ang ingay mong babae ka! Pwede bang manahimik ka nalang at sundin ang script? Please? Please?" naiinis na tanong ni Yuri

Nasa bahay kami ngayon. Nasa garden kami nagpapractice para peaceful.

"Okay! Game na ah! Ulitin natin ang acting natin. With good feelings naman ng matapos na tayo." sabi niya

So yun umayos na ako.

LIGHTS. CAMERA. ACTION

"Monique, wag mo naman ako iwan. Mahal na mahal kita." pag-arte ni Yuri

"Rev, wag kang mag-alala kahit wala na ako rito sa mundo mahal parin kita. Mahal na mahal." sabi ko naman

"Monique wag mo naman sabihin yan. Gagaling ka pa eh."

"Hindi na. Malala na. Stage 4 na nga eh."

"Ano ka ba! Wag mo ako iwan!" sigaw niya naman at biglang tumulo na ang luha niya

So dun after nun mamamatay na ako. Ganun! Basta marami pang part pero nauna na namin practice-in kanina pa. Kanina nandito rin yung ibang members pero ngayon wala na sila. Kami nalang natira. Kami may pinakamahabang role eh.

"Oh tapos na tayo sa practice." sabi niya

"May pinanghuhugutan ka ah. Iyak talaga yun ah."

"Wala naman. Naalala ko lang yung pinanuod kong movie dati. Jap drama siya eh. 1 liter of tears,"

"Ang bakla mo talaga!"

"Sinong bakla? Hindi ako bakla ah! Halikan pa kita diyan!" sigaw niya at nilapit ang muka niya sakin

"Ano ba! Bastos kang bata ka! Bakla ka lang. Umalis ka na nga rito!" sigaw ko sabay taboy sakanya palabas ng bahay

----------

Kimberly's POV

Wala akong magawa. Nakapagpractice na yung grupo namin for the play. Walang pasok ngayon kasi saturday.

Ang boring lang sa bahay. Walang magawa.

Makapunta nga ng school. Sa school kasi namin pwede ka pumunta kahit walang pasok. Pwede ka kasing gumawa ng research sa school namin.

Nag-ayos muna ako bago pumunta ng school. Nag blouse na blue lang ako then shorts na maong then vans.

Pumunta na ako sa school. Pagdating ko ay dumiretso na agad ako sa library. Masaya kasi kapag tumambay sa library. Marami kang malalaman.

Naghanap na ako ng mga libro. Nahawakan ko na yung isang libro pero may nakasabay nanaman ako ulit na humawak nito. Tinignan ko naman kung sino.

Bat si Ace parin? Sa lahat naman ng pwede kong makasabay eh! Pero hindi na ako tutulala ngayon. Kasi lalaban na ako.

"Akin na! Nauna ako!"

"Nope! Akin to." pagmamatigas niya

"Babae ako! Ladies first!"

"Hindi na uso yun ngayon." 

No choice! Sinipa ko siya sa private part niya. Eh di nabitawan niya yung libro. Ayaw mo makinig eh! Sorry!

"Hindi pa tayo tapos."

"And so?" nagsimula na akong malakad. Medyo nakakalayo na ako sa lugar kung saan ko siya sinipa ng biglang may humila sakin

"Ano ba, bitawan mo nga ako." pagpiglas ko

"Papatayin mo ba ako?! Tae ka!"

"Eh ang bakla mo eh!"

The Secret HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon