Chapter 22

2.7K 86 1
                                    

Kimberly's POV

"Hoy lalaki ka! Hindi mo ba nakikita na ang bigat bigat ng dala ko?" tanong ko sakanya. Note the sarcasm!

"Pasensya na, hindi eh. Mabigat ba?" he asked

"Aisshhh! Salamat sa tulong."

Pinadala kasi ni Maam sakin ang mga books sa faculty. Saya diba? Sa babae pinadala. Ako kasi yung dumaan sa harap niya kaya saktong ako ang nautusan.

Eh papunta rin naman si Ace sa faculty. May inutos din kasi sakanya. Pero hindi niya ako tinutulungan. Bad trip!

"Uy, mukang nahihirapan ka sa mga dala mo ah. Let me help you." kukunin na sana niya

"Wag na. Ako na. May ginawa lang ako kaya hindi ko siya agad natulungan. Nakakahiya naman sayo. Balik ka na sa room mo." oh? Problema nito? Kanina ayaw lang ako tulungan tas ngayon tutulungan ako.

Kinuha niya naman lahat ng libro sakin at nauna ng maglakad. Hinabol ko naman siya.

"Uy! Problema mo? Bigla kang tumulong?" tanong ko sakanya

"Gulo mo rin, nagpapatulong ka tas nung tinulungan ka ayaw mo. Ano ba talaga?"

"Eh kasi ayaw mo diba?"

"Sabihin mo na kasing gusto mo lang na si Yuan ang tumulong sayo." cold niyang sabi

"Hindi ah. Baliw ka ba?"

"Sus! Diyan ka na nga." sabi niya at pinuntahan na si Maam

Hindi naman kasi talaga eh. Wala lang talaga para saakin ang lalaking yun. Haist! Isa lang siyang kaibigan na importante. Kaya wag na bigyan ng meaning.

Umalis na ako at bumalik na sa classroom.

Nakita ko naman na malungkot pa rin si Nichole. Hay naku! Kung sana walang Wendy sa buhay namin diba? Kung walang mga panira.

"Okay ka lang? Hindi pa rin ba kayo bati?" I asked

"Hindi pa eh." she replied "At baka malabo na rin."

"Wag ka nga magsalita ng ganyan. Think positive naman teh!" sabi ko

"Ikaw din bat problemado ka?! Lahat ba ng tao problemado?!" sigaw ko. Kasi naman nakatunganga si Yrbua sa kung saan

"Pasensya na. Nasasaktan lang talaga ako." sabi naman ni Nichole

"Pasensya na hindi ko lang matake ang lahat ng sinabi niya." isa pa tong si Yrbua eh. Buti pa si Kyra happy happy na!

"You know what magsaya nalang tayo. Kalimutan niyo yang mga lalaking iniiwan kayo at pinapaiyak. Lalo na.yung iyo Nichole. Nakakainis siya. Sana man lang ikaw ang pinaniwalaan diba?!" naiinis kong saad

"Masisisi niyo ba ako? Tao lang din ako nagkakamali." sabat ni Lance. Napatingin naman kami with a surprised face

---

Nichole's POV

Miss ko na tong lalaking to. Wala na kaming naging communication after eh.

Umalis naman si Yrbua at Kim. Iniwan talaga kami! Kainis!

"What do you need?" cold kong tanong

"It's just that I want to say sorry."

"Sorry for choosing Wendy over me? Oh! Okay lang. Ako naman talaga ang mali." sarcastic kong sabi

Kinuha ko na ang saklay ko. Tatayi na dapat ako ng bigla akong madapa.

"Ouch." bulong ko sa sarili ko

"Okay ka lang ba?" he asked

"Okay lang ako. Wag mo ko tulungan." hinawakan niya pa rin naman ako. "I don't need your effin help! Just get lost! I hate you." sabi ko at tuluyan ng umalis pero napatigil ako

"I'm sorry. Please give me another chance." he pleaded

"Then what? Papaiyakin mo ko ulit? Then paniniwalaan mo pa rin siya?! Ha?! Ganun diba? And tama na Lance. Ayaw mo sa tulad kong masama! Sa tulad kong nananakit."

"I'm sorry Nichole. Hindi ko naman inakala na siya ang nagsisinungaling eh. Hindi ko talaga alam! Nadala ako ng emosyon that time and I'm sorry for what I've done."

"Yan ang problema sayo eh! Nadala ka ng emosyon mo. Sa tingin mo ba ganun akong klase ng tao?! Ha?! Pero mas pinaniwalaan mo ang taong totoong nanakit sakin! Hindi mo pa nga ata talaga ako kilala." hindi ko na napigilan ang hindi mapaiyak

Hinawakan niya naman ang braso ko at siya rin halatang nasasaktan na sa nakikita niya.

"I'm sorry. I didn't mean to." he said while sobbing

"Let's just forget each other. That's what best I think."

"No Nichole. I'll definetly court you and you'll be mine again."

And I was left there dumbfounded!

----

Yrbua's POV

That's it! Alam niyo ba yung nangyari samin that day?! It was damn frustrating!

*flashback

"Balak kong sirain kasi gusto kong maging in a relationship na sayo."

"Are you crazy Mr. Playboy?! Don't you dare play with me! With my stupid feelings! Hindi ako kailanman makakasama sa listahan ng mga babaeng pinaiyak at niloko mo."

"Hindi talaga. Hindi ka makakasama dun."

Pinamuka niya pa talaga. I told you guys! Trip lang ako ng lalaking to. Naiiyak na tuloy ako!

"I know right! Just leave!" naiiyak kong sigaw

"Hindi ka makakasama dun kasi ikaw seseryosohin ko."

And I was dumbfounded.

*end of flashback

Hindi ako sumagot nun. Tumakbo lang ako paalis. Nakakainis kasi eh! Alam niyo ba yun?! Asa siya! Di niya ako maloloko noh!

"Yrbua!"

Ayokong tumingin. Hindi ako tumitingin sa mga playboy.

I tried to walk as fast as I could and I also tried to hide my face but I guess I was too late to do that.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Ano ba! Let go of me."

Imbis na bitawan ako kay tinitigan.niya ako at unti unting hinalikan sa labi. It was only a smack. Pero kahit na! Magnanakaw ng halik!

"Diba sinabi ko na sayong wag mo ko itulad sa ibang babaeng pinaglalaruan mo!" iyak ko

"Bakit? Hindi naman talaga kita tinutulad sakanila kasi iba ka sakanila. Ikaw yung babaeng nagbibigay ng saya at kaba sakin tuwing kasama kita."

------------------

Yey! Nakapag-update rin! Sorry natagalan ako!

Nabusy kasi ako eh. Sana worth it yung pagiintay niyo. Hahaha!

Kinikilig ba kayo?!

Please leave a comment and don't forget to vote for my lovely story. Joke! Salamat talaga sa mga readers and sa mga taong nag-add ng story ko sa reading list nila. Yun lang!

Mwaaa :*

The Secret HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon