Nichole's POV
"Uy Nics!" tawag sakin ni Kimberly
"Ano?"
"Sumama ka samin! Holdap to!" sigaw naman ni Yrbua
Baliw talaga to! Holdap! Mga baliw na babae tong mga to.
"Saan niyo ba ako dadalhin?" naguguluhan kong tanong sakanya
"Sa mundo kung saan may palasyo." baliw na ba mga kaibigan ko?!
Nilagyan naman nila ng panyo ang mata ko at ginuide ako kung saan nila ako dadalhin. Habang naglalakad kami naramdaman ko naman na may nadapa sa likod ko.
"Ano ba yan Kyra, ingat ingat din pag may time." pagpuna ni Yrbua sakanya
"Eh ang dulas ng lapag eh." sabi niya naman
Maya maya ay huminto kami sa isang place. Tinanggal ng isa sa mga kaibigan ko yung panyo sa mata ko.
May placard na nakalagay 'SORRY NICHOLE' then may mga balloons, cakes, flowers, chocolates. Sweet stuffs!
"Sino may gawa nito?" tanong ko sakanila pero walang nagsasalita
Maya maya ay may kumalabit sakin. Pag harap ko si Yuri pala. Teka, bat nagsosorry si Yuri sakin? Inabutan niya ako ng flowers at pagkatapos nun ay pumunta na sa tabi nila Kyra.
Lumabas din sila Adrian at Ace at ganun din ang ginawa. Ano bang meron?!
Nasaan si Lance? Siya lang wala ah!
Tumingin tingin ako sa paligid ko at nakita ko naman na lumabas na si Lance. Lumapit siya sakin.
"Sorry." bulong niya
So siya pala ang nagplano nito. Sweet naman!
"Okay."
"Sorry. Sorry. Sorry."
"Okay. Okay. Okay." niyakap naman niya ako ng mahigpit
"YIIIIIEEE! Next level na yan!" pang-aasar naman ni Adrian
"Baliw! Hindi pwede diba Nics? May iba yang gusto eh." ako may ibang gusto? Buti pa siya alam niya.
"Nichole, ito nga pala oh."
Pumunta siya sa likod ko at sinuot ang isang necklace sakin. Tinignan ko naman ang design.
"Ito yung gusto kong necklace ah. Bat mo ko binilhan? Kailan mo binili?"
"Nung magkasama tayo, tsaka ko binili." sabi niya naman
"Akala ko ba si Adrian nagpabili sayo nun?" tanong ko sakanya
"Hindi ako yun ah!" sabat naman ni Adrian
"Syempre, surprise nga. Eh di hindi ka masusurprise kung sinabi ko sayo diba? So I've decided na wag muna sabihin sayo."
"Sabagay." sabi ko naman
Niyakap niya ako ulit. Malandi na kung malandi. Kami nga pero fake lang. Pero para sakin okay lang kasi mas masaya naman eh. Feel ko pa rin naman na kami eh. Kahit na wala naman talaga akong pinanghahawakan.
---------
Yrbua's POV
Magkasama kami ngayon ni Adrian. Nagreready ulit kami for Mikaella.
"Buti pa sila Nichole at Lance bati na."
"Kung di ka sana nagloko diba?!"
"Oo na. Ang mabuti pa ayusin na natin to."
So yun, nagplano na ulit kami. Nakatingin lang ako sakanya nun, ewan ko ba pero parang namesmerized ako. What is happening to me?!
"Nakikinig ka ba?" nabalik naman ako sa katinuan ng tanungin niya ako
"Ha?"
"Sabi ko nakikinig ka ba? Nakatulala ka eh."
"Ahhh ehhh. May naisip lang ako."
"Baka pinagpapantasyahan mo na ako." ano raw?!
"Hoy! Ang kapal ng muka mo! Hindi kita pagpapantasyahan ah! Kapal nito! Landi!" hindi ko nga ba siya pinagpapantasyahan
"Ang defensive mo rin noh."
"Anong defensive ka diyan? Hindi ako defensive noh!"
"Hindi nga." natatawa niyang sagot
-------
Kyra's POV
"Wala na nga tayong practice diba? Bat nandito ka pa?" tanong ko sakanya
"Eh kasi gusto kita kulitin." bigla siyang pumasok sa loob ng bahay at umupo sa may garden
"Hoy! Baliw ka rin ah!" sigaw ko naman sakanya at sinipa siya
"Aray!" sigaw niya sabay tingin ng masama
"Layas!" sigaw ko
"Ayoko nga!" sigaw niya naman
"Ano yan?" OMG! Si Kuya Jayson!
"Kuya."
"Sino to? Panu siya nakapasok?!" tanong ni Kuya
"Kuya, kaibigan ko po pero po kasi akala niya may practice kami. Gusto niya pa magstay."
"Manliligaw niya po kasi ako." singit naman ng isang to. Pero teka! Ano raw?!
"H-hindi kuya!" pagtanggi ko naman
"Wag ka ng mahiya Bebe. May nanliligaw na pala sayo ayaw mo lang sabihin sa kuya mo eh. Tara tuloy sa loob." ano?! Yun na yun?! Naniwala siya kay Yuri?!
Sumunod naman ako sakanila sa loob. Lumapit ako kay Yuri habang may inaayos si kuya.
"Bat mo sinabi yun?! Ha?" galit na bulong ko sakanya
"Syempre trip kita."
"Trip mo ko? Upakan kita."
"Anong pinagbubulungan niyo diyan? Kumain na kayong dalawa rito."
"Kuya, hindi ko naman to manliligaw. Paalisin mo na!" sigaw ko naman kay Kuya
"Uy umayos ka Kyra, wag mo bastusin manliligaw mo." sabi naman ni Kuya
"Wag mo na akong bastusin." pagko-comment naman nitong si Yuri
"Comment pa. Uupakan na talaga kitaaaaaaa!" sigaw ko sabay amba sakanya
==========
"Ano?! Nagpakilalang manliligaw mo si Yuri?!" sigaw ni Nichole
"Uy, tumahimik ka nga diyan! Wag ka maingay. Sugurin ako ng mga fans nun eh." sabi ko naman
"Pero bat naman siya nagpakilala bilang manliligaw mo?" tanong ni Yrbua
"Kasi ayaw ko papasukin eh nakita ni Kuya na nasa loob na siya ayun sinabi bigla. Mga trip talaga nun eh!" naiirita kong saad
"Aga aga iritang irita ka."
"Panung di ako miirita sayo?! Bat mo ba sinabi na manliligaw kita?!" sigaw ko. Ooooopppsssss! Did I say it too loud?!
"Naiinis ka ba kasi hindi totoo?" nakasmirk niyang tanong
"A-ano? Baliw ka ba?! Hindi ako naiinis kasi hindi totoo." sigaw ko naman sakanya
"Wew! Eh di tototohanin. Madali ako kausap." nakasmirk niyang saad at pumunta na sa upuan niya.
Pagtingin ko sa paligid ko ay nakatingin sakin lahat ng babae ng masama. What the?! Whoah!
"Chill." bulong ko sa sarili ko
"Dudumugin ka na ng haters." bulong ni Kimberly
"Ha? Ano ba ginawa ko?" tanong ko naman
"Anong ginawa mo? Ikaw lang naman ang liligawan na ng lalaking pinagpapantasyahan nila." sabi ni Yrbua
-----------
Okay! Sabaw! Hahahaha.
Okay ba? Nakakakilig ba?!
Papagandahin ko pa! Don't worry.
Sorry kung maikli yung update. Mamaya bawi ako. Hahaha.
Don't forget to leave comment and vote for my story.
Si Lance yung nasa gilid ------------>
BINABASA MO ANG
The Secret Heirs
Teen FictionApat na lalaking mayayaman nagpanggap na ordinaryong tao. Hanggang sa nameet nila ang apat na babaeng ubod ng kulit. Ano kayang mangyayari sakanilang walo? Will love conquer them?