Yrbua's POV
Adrian Calling....
"Hello?"
[Uy, bangon na! Marami pa tayong gagawin]
So tutulungan ko nanaman siya kay Mikaella! Pwede bang pass muna?
"Pass na muna ako Adrian. Masakit ang ulo ko." pati na rin puso.
[Why? Pupuntahan nalang kita. Bye.]
Binaba na niya yung phone bago ko pa masabi na wag na. Napahawak naman ako sa ulo ko. Pag bagong gising ako ganto talaga ako.
Ayoko na talaga. Pass na ako! Naiinis lang ako pag tinutulungan ko siya. Bad trip kaya! Bahala na siya diyan na makipagbati kay Mikaella but I'm not going to help him.
Hindi ko alam pero parang nasasaktan na ako sa tuwing tutulungan ko siya kay Mikaella. Nung una wala lang eh pero nung tumagal tagal na ng almost 2 months may iba na akong nafeel. Pag nagpapractice siya ng kanta for Mikaella feeling ko para sakin yung kanta.
"Hoy! Okay ka lang ba?" ay putakte! Bigla biglang pumapasok!
"Ano ba yan! Nagulat ako sayo!" sigaw ko naman
"Ano ba nangyari? May brain tumor ka na rin?"
"Baliw ka ba? Brain tumor? OA!"
"Ayyy oo nga pala. May kanta na ako para kay Mikaella. Papakitaan kita ng teaser."
Kinuha niya ang dala dala niyang gitara at nagstrum.
*Ngiti
'Sa iyong ngiti
Ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo ang awit ng aking puso
Sanay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin'
"Bakit yan ang kakantahin mo? Eh alam naman niya na may pagtingin ka sakanya?" tae naman! Mas lalo akong naiinlove Adrian! That feels!
"Anong kakantahin ko?"
"Eh di ito. Papakitaan kita ng teaser."
Kinuha ko yung gitara ko then nagstrum.
'Sige na Miss, wag ng mainis
Bumalik ka na sakin
Sorry mahal ika'y nasaktan
Bumalik ka na sakin.'
"Yan ang dapat kantahin mo."
"Ayoko. Okay na yung ngiti." pagtanggi niya naman at kinanta pa ulit yung chorus
*bzzzt bzzzzt
1 messaged received
From: Mikaella
'What do you mean na pumunta ako sa lugar na yun? Anong meron dun?'
To: Mikaella
'Just go there on friday by 6 pm. Okay?'
"Sino ba yang katext mo?" sinilip silip naman niya ang phone ko
"Ano ba! Wala kang pake! Tsupi!" sigaw ko naman at tinago ang cellphone ko
"Boyfriend mo yun noh?"
"Baliw! Wala akong boyfriend noh!"
--------
BINABASA MO ANG
The Secret Heirs
Teen FictionApat na lalaking mayayaman nagpanggap na ordinaryong tao. Hanggang sa nameet nila ang apat na babaeng ubod ng kulit. Ano kayang mangyayari sakanilang walo? Will love conquer them?