Kyra's POV
Papasok na ulit ako sa school. Bawal nga lang ako masyadong mastress kaya yun onting ingat lang din sakin.
"Kaya mo ba? Bubuhatin nalang kita hanggang sa room." pag-volunteer naman ni Yuri
"I'm fine! Totally fine!" sabi ko naman and nagsimula ng umakyat papunta sa classroom
Bawat hakbang ko inaalalayan ni Yuri. Nakakatuwa, dati lagi lang akong inaasar nito tas ngayon hindi na, lagi nalang niya akong dinadalaw at tinutulungan.
Pagpasok ko ng room nagulat lahat ng kaklase namin.
"Bat pumasok ka na?!" nagtatakang tanong ni Yrbua
"Eh kasi ang boring sa bahay." sabi ko naman
"Hindi ka pa rin nagbabago. Tigas pa rin ng ulo mo." sabi naman ni Kimberly
"Ganun talaga. Matagal na tong matigas!" pagloloko ko naman
=======
Break time na namin. Nakapila kami ni Yuri ngayon sa canteen. Ang haba nga ng pila kasi may ibang sumisingit. Sakto namang may sumingit sa harap ko kaya natulak ako patalikod, buti nalang nasalo ako ni Yuri.
"Pare, dahan dahan naman. Nabangga mo yung babae oh." seryosong saad ni Yuri habang nakaakbay sakin
Tumingin naman yung lalaki ng maangas kay Yuri.
"Natulak lang eh." maangas na saad nung lalaki
Naging seryoso na rin ang muka ni Yuri. Parang anytime mananapak siya.
"Tama na yan." bulong ko kay Yuri "Pasensya na po." sabi ko naman dun sa lalaki at nagbow
"Dapat tinuturuan yan ng leksyon eh." bulong ni Yuri
"Tama na iyan. Malapit na ako mastress." sabi ko naman kaya nanahimik na siya
Nakakuha na rin naman kami ng pagkain ni Yuri.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Yuri
"Ang OA mo. Okay lang ako at di ako pagod. Kumain ka na." sagot ko naman
Ewan ko ba kung bat ganto to umarte. Hahahaha! Pero nakakatuwa naman na concern siya sakin eh.
"May session ka pala ng therapy ngayon diba? Tinext ko na si Kuya Jayson, ako ng sasama sayo."
Tumango naman ako. Ang alam pa rin ni kuya jayson, manliligaw ko talaga siya. Hindi pa rin siya naniniwala na hindi totoo yun. Lagi niyang sinasabi...
"Ang swerte mo sa manliligaw mo."
Hay naku! Botong boto ata kay Yuri eh.
Napatitig naman ako kay Yuri na kumakain ng tahimik.
dug.dug.dug
What the?! Ano to?! Wag mo sabihing nagkagusto ka kay Yuri ah!
Kyra naman! Nung una nainis ka kasi si Nikka tas ngayon nagkakaroon ka na ng fast heartbeat!
"Okay ka lang?" pumitik pitik pa siya sa harap ko
"H-ha? Okay lang ako."
"Bilisan mo kumain at malapit na magtime." sabi niya naman
"Busog na ako eh."
"Ubusin mo yan para lumakas ka. Kaya ka pumapayat eh."
Sinubuan niya ako para mas madali kong maubos.
"Nagpapasubo pa. Hindi porket may sakit ka lumalandi ka na." tumawa pa silang dalawa after sabihin yun
"Shut up Nikka." nagtitimping sagot ni Yuri at sinubo na ang last bite ng pagkain sakin
"Hindi ako titigil hangga't may malalanding tulad ng babaeng yan!" she's really making a scene!
"Tara na Kyra." sabi ni Yuri at hinila na ako paalis
Tahimik kaming bumalik sa room.
"Wag mong isipin yung sinabi na yun ni Nikka ah." sabi niya at umupo na sa pwesto niya
-----
Yuri's POV
Nandito na kami sa ospital.
"Pwede nating tanggalin ang tumor niya sa ulo pero may possibility na mawala ang ala-ala niya at hindi maging successful ang operation."
"Okay lang po yun." sagot ko naman. Ang mahalaga para sakin mabuhay siya!
"Ayoko! Hindi ako magpapaopera!" pagtanggi niya
"Magpaopera ka!" pilit ko sakanya
"Ayoko. Magkaka amnesia ako tas may possibility pang di maging successful!"
Wala nanaman akong nagawa. Kasi syempre malaki talaga ang possibility na mawalan siya ng ala-ala.
Tumakbo siya palabas kaya no choice ako para habulin siya.
"Wag ka na umiyak. Kung anong desisyon mo susuportahan ko." sabi ko naman at niyakap siya
"Desisyon kong wag magpaopera." sabi niya
Kahit labag sa kalooban ko ay tumango ako bilang sign na pumapayag ako sa desisyon niya.
--------
Nichole's POV
Nandito nanaman tong babaeng to! Napaka talaga nito! Bat ba to sulpot ng sulpot?!
"Oppa!" aba! Anong oppa?! Ako yung girlfriend diba?!
Sinama pa kasi nitong si Lance to sa lakad namin. Bonding kasi namin ngayon eh!!
"You lose! Mukang malapit ko na siya maagaw." bulong sakin ni Wendy
Gustong gusto ko na siyang sapakin!
"Lance, just call me when you get home. Uuwi na ako." walang gana kong pagpapaalam
"Bakit?" tanong niya
"Basta. Nawalan na ako ng gana. Bye!" sabi ko at umalis na pero hinabol ako ni Lance
"Anong problema?" tanong niya
"Just please let go. Masama ang pakiramdam ko ngayon." sabi ko naman at tinabig ang kamay niya
--------
Okay!! Hahahaha. Iniisip ko kung mag papart 2 ba ako eh. Hahaha!
Anyways! Please vote for my story. Sana nagandahan kayo! Yun lang. Hahaha!
Don't forget to leave comment. Yun lang. Salamat!
BINABASA MO ANG
The Secret Heirs
Teen FictionApat na lalaking mayayaman nagpanggap na ordinaryong tao. Hanggang sa nameet nila ang apat na babaeng ubod ng kulit. Ano kayang mangyayari sakanilang walo? Will love conquer them?