Kyra's POV
"Tara na. Ihahatid pa kita sa bahay mo." sabi ni Yuri at binuhat ako sa likod niya
"Ano ba! Bubuhatin mo nanaman ako? Wag mo ko pilitin! Kaya ko na ang sarili ko."
Lagi nalang niya kasi akong binubuhat. Nakakahiya rin naman noh kung magpapabuhat nanaman ako.
And sa tingin ko unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa lalaking to. Lagi nalang may dug dug dug akong naririnig sa puso ko tuwing kasama ko siya. Alam niyo yun?! It's a wild heartbeat!
"Dali na!" sabi niya naman
"Ayoko. Hindi ako sasakay sa likod mo. Uuwi nalang ako ng mag-isa."
Nagsimula na akong maglakad pero hinabol niya ako at binuhat. Yung parang pang bagong kasal yung style.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko naman at nagpupumiglas
"Hindi kita bibitawan!" sigaw niya naman
"Bahala ka nga diyan! Magagalit ako sayo!" sigaw ko
"Bahala ng magalit ka wag ka lang mapagod." waahhh! KInikilig ako! Please naman Yuri, wag ganun. Nakakakilig eh!
"Sasakay na ako sa likod mo." sabi ko naman kaya napangiti naman siya at binaba na niya ako
Sumampa naman ako sa likod niya, para wala ng away.
dug.dug.dug
Waahh! Oo na, inlove na ako sakanya! Kailangan paulit ulit heart?
"Alam mo Kyra, natatakot ako na baka isang araw pag gising ko wala ka na."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Does that mean na gusto niya rin ako? Ha?
"Ba-bakit naman?"
"Syempre isa kang kaibigan. Mahalagang kaibigan."
BOOM VANESS! Sabi ko nga, kaibigan niya ako.
Kumirot naman si heart. Assuming kasi eh! Yan ang napapala!
Nang makarating kami sa bahay ay agad naman akong bumaba sa pagkakaangkas sakanya.
"Sige, papasok na ako. Salamat." sabi ko naman at agad na tumalikod sakanya
Nasasaktan ako. Bakit ganun? Bakit parang gusto ko na sabihan din niya ako na mahal niya ako?! Bat ganun? Ang hirap pala na mainlove sa lalaking di ka naman gusto.
*****
"Talagang di mo nilulubayan si Yuri ah?" naiinis na tanong ni Nikka sakin
Nasa restroom kami ngayon and magkasama sila ni Sandra.
"Bakit ako? Wala naman akong ginagawa eh."
"Wala kang ginagawa? May sakit ka na nga malandi ka pa rin! Hindi mo ba napapansin na nahihirapan ng dahil sayo si Yuri? Nang dahil sayo! Naaawa kasi siya sayo pero hindi ka naman talaga mahalaga sakanya! It's just that naaawa siyang makita kang nasa kalagayan mo. Ngayon na alam niya na gusto mo rin siya. Pinapaasa ka lang niya."
"Alam niya na gusto ko siya?" naiiyak kong tanong
"Yep! Alam niya. That's why pinipilit niyang maging sweet sayo. Kahit na ang totoo ako naman talaga ang gusto niya. Bakit akala mo ba papatol sa isang weak ang tulad ni Yuri? No! Hindi siya papatol sa taong mamamatay! Awa lang kaya ganun! So please tama na ang landi ah!"
Hindi ako makapaniwala! Naiiyak na ako. Unti unti ko ng naramdaman ang pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Ang sakit!
BINABASA MO ANG
The Secret Heirs
Teen FictionApat na lalaking mayayaman nagpanggap na ordinaryong tao. Hanggang sa nameet nila ang apat na babaeng ubod ng kulit. Ano kayang mangyayari sakanilang walo? Will love conquer them?