Chapter 7

4.1K 119 2
                                    

Kyra's POV

2 weeks na rin ang nakakalipas simula ng magkaroon ng groupings di pa tapos yung script namin kaya hindi pa kami nakakapagpractice.

Almost 2 months na rin ng makilala namin tong mga mokong na to.

"Hay naku! Hindi ko inexpect na makakakilala tayo ng mga ganyang klase ng tao." pagrereklamo ni Yrbua

"Lalo naman yung akin noh!" sigaw ni Nichole

"Pero bat ang bilis mong mapasagot?" tanong ni Kimberly

Umoo naman kaming tatlo para sagutin niya.

"Ahh. Wag kayong maingay ah. ang totoo kasi niyan nagpapanggap lang kaming dalawa na kami." sabi niya

"What?! Bat ka naman pumayag?!" sigaw namin. Nakakagulat naman kasi talaga

"Ha? Eh kasi yun yung hiningi niyang favor eh. Yun yung time na nagsorry ako sakanya. Para hindi niya raw ako ipakulong magpanggap ako." pag-eexplain niya

Nasa mall pala kami ngayong apat. Bonding lang. Napansin kasi namin na medyo nawawalan na kami ng bonding sa isa't isa eh. Naging busy na rin kasi kami. Idagdag mo pa yung apat na mga mokong.

"Hay naku! Basta wag ka mainlove sa mokong na yan!" pagbanta ko sakanya

"Oo naman, bat naman ako maiinlove dun?" tanong niya kaya nagtawanan naman kami

Syempre gwapo yun baka mamaya paasahin lang siya kaya dapat pigilan niya sarili niya.

"Mukang ang saya niyo ah."

Inirapan lang namin sila. Mangungulit lang yang mga yan! Sa dami ng mall bat dito rin sila nagpunta?

"Tara na alis na tayo." pagyaya ko

"Eh di umalis ka. Walang pumipigil!" sigaw ni Yuri

Talaga tong lalaking to! Waaaahhh! Sinamaan ko siya ng tingin!

"Oh? Baka mamatay ako sa tingin mo." sabi niya sabay tawa

 "Oo, talagang papatayin kita!" sigaw ko

"Masama yun! Ipapakulong kita!" sigaw niya sabay dila. Isip bata talaga!

"Manahimik nga kayo." awat ni Yrbua saming dalawa kaya napatahimik naman kami

"Ano bang kailangan niyo?" tanong ni Kimberly

"Wala naman kaming kailangan. Nagkataon lang na nagkita tayo." sagot naman ni Ace

"What a good reason." sagot naman ni Kimberly

"At ikaw, miss Yrbua. Diba't nagpapatulong ako sayo? Hindi ko pa siya nababalik sakin." sabi naman ni Adrian

------

Yrbua's POV

Uggggh! Ang saya ko na kanina eh! Tas dumating pa tong isang to. Ayoko na! Ayoko na talaga! Alam niyo ba yung hirap na dinanas ko nung tinulungan ko siya ha?

Unang beses na tinulungan ko siya...

*flashback

"Tara na!" sigaw niya

"Saglit lang naman!" sigaw ko naman sakanya

"Ang bagal mo naman eh!" sabi niya

"Eh ikaw kaya ang magcostume rito at magdala ng mga cardboard at chocolates na to." sagot ko naman

"Daming arte. Tandaan mo dahil sayo kaya nagkahiwalay kami ni Mikaella, kaya dapat panindigan mo." daming alam. Kasalanan ko bang nambabae siya?!

The Secret HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon