Kyra's POV
"Okay na ba si Yrbua?" tanong ni Kim
"Hindi ko alam eh. Hindi ko pa siya tinatawagan."
Nasa starbucks kaming tatlo ngayon. Hindi namin kasama si Yrbua kasi mukang nag e-emo nanaman. Panu ba naman eh pinaalala nanaman sakanya yung pagbe-break nila ni Brix.
Sensitive siya sa ganun eh kaya yun, umiiyak nanaman siya.
"Tawagan na natin." suggest naman ni Nichole
"Wag na muna, baka hindi pa siya ready." sagot ko naman
======
Pagkatapos ng pangyayaring yun 3 araw ng hindi pumapasok si Yrbua. Tinatawagan namin siya pero hindi niya sinasagot.
Nagtetext lang siya ng 'Okay lang ako. Hayaan niyo muna ako.'
Pumasok naman ang apat na lalaki. Si Ace, Yuri, Adrian, at Lance.
"Ikaw ah! Alam mo ba na dahil sayo hindi pumapasok si Yrbua?!" sigaw ni Kim sabay palo kay Adrian
"What did I do?" tanong niya
"Oo nga, anong ginawa niya?!" sabat naman ni Yuri
"Manahimik ka munang bakla ka! Wag kang sumabat kung wala kang alam." sigaw ko at napatikom naman ang bibig niya
"Hindi mo alam kwento ng lovelife ni Yrbua! Alam mo ba pinagdaanan niya? Hindi naman diba? Marami siyang alam sa relasyon pero yung naka-----"
"Tama na Kim." si Yrbua pumasok! Sa wakas!
"Yrbua, okay ka lang?" tanong ko agad at niyakap siya
"Oo okay lang ako." sagot niya naman pero walang buhay yung sagot niya
Tinignan naman ng masama ni Nichole si Adrian. So wala talaga siyang balak na magsorry?! Psh!
----
Kimberly's POV
Pumasok nga si Yrbua pero ayun hindi lumalabas ng room. Nandun lang lagi.
Pumunta muna ako ng library. Tumitingin tingin ako ng libro na magandang basahin habang lunch time pa.
Hinawakan ko ang isang libro na mukang maganda naman. Kukunin ko na sana ng biglang may isa pang kamay na kumuha nito.
Tinignan ko kung sino siya.
dug.dug.dug
Umayos kang heartbeat ka! Ayos! Ayos!
"Thanks." sabi niya at umalis kasama yung libro
The ef! Napatulala ako kaya hindi ko napansin na nabitawan ko yung libro. Kainis naman oh!
Teka! Bat ba kinakabahan ako pag nandiyan siya? Ano ba meron? Kailangan ko na ba magpa check-up?
"Huy."
"Ayy kabayong tumalon!"
"Ano ba yang reaksyon na iyan? Gulat na gulat ka. At bakit namumula ka?" tanong ni Kyra
"What? Ako namumula? Hahahaha! Loko ka pala eh! Bat naman ako mamumula?" tanong ko
"Eh di tanungin mo sarili mo. Bat ka nga ba mamumula diba?" tanong niya ulit sakin
"Namumula ako kasi..."
"Kasi?"
"Kasi mainit." tuloy tuloy kong sagot
"Ahh. Mainit nga ngayon sa Pilipinas eh." buti naman at kumagat siya aa excuse kong walang kwenta
"Nandito ka pala?" biglang sulpot ni Yuri
BINABASA MO ANG
The Secret Heirs
Teen FictionApat na lalaking mayayaman nagpanggap na ordinaryong tao. Hanggang sa nameet nila ang apat na babaeng ubod ng kulit. Ano kayang mangyayari sakanilang walo? Will love conquer them?