Chapter 5

5.3K 142 4
                                    

Yrbua's POV

Nandito ako ngayon, nakaupo ako sa bench sa may park. Nakasaksak lang ang earphones sa mga tenga ko.

Biglang may tumabing babae sakin, kaya tinanggal ko naman ang earphones sa tenga ko. Umiiyak siya, parang naawa naman ako sakanya. Ano kayang ginawa sakanya?

"Hi, umm. Bakit ka umiiyak miss?" tanong ko. Sana hindi masungit, sana hindi masungit. Gusto ko lang tumulong.

"Kasi.... kasi yung boyfriend ko eh. Ang landi landi niya talaga. Nagsinungaling siya sabi niya marami siyang ginagawa sa school then nakita ko siya sa mall may kasamang babae. Hindi ko na alam ang gagawin ko eh." pagke-kwento naman niya

Isinandal ko siya sa balikat ko.

"Alam mo, ibreak mo na yan. Wala kang mapapala diyan. Paulit ulit ka lang niyang sasaktan. Paulit ulit ka lang paiiyakin. Kung ako sayo ibreak mo na iyan." sabi ko then iniangat naman niya ang ulo niya

"Mikaella!" sigaw ng isang lalaki. Teka! Kilala ko tong lalaking to ah! Nasa school siya eh! Ahh yung kahapon na lalaki. Yung nakipagkilala. Adrian!

"Layuan mo ako Adrian, tama siya!" sabay turo sakin "Makikipaghiwalay na ako sayo. Pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ako!" sigaw niya sabay sampal kay Adrian then tumakbo na siya palayo

Tinignan naman ako ng masama bigla ni Adrian. Anong ginawa ko?!

"Ikaw! Bakit mo sinabing makipagbreak na siya ha?!" sigaw niya. Kasalanan ko pa ngayon?!

"Malay ko bang ikaw yun? At bakit nagagalit ka? Ikaw nga may kasalanan eh tas nagagalit ka? Sus! Kakaiba ka! Ako ba nambabae?" sigaw ko rin sakanya. Tahimik ng buhay ko rito ginugulo ako eh.

"Hindi mo kasi alam ang kwento. Lumapit lang sayo mag-susuggest ka na ng ganun!" sigaw niya

"So ano naman? Ayusin mo problema mo!" sigaw ko

"Hindi ko problema to. Ikaw din tutulungan mo ako." sabi niya sabay alis

Ano raw? Tutulungan ko siya? No way! No way! No way!

------------

"Yrbua! Yrbua!" tinignan ko naman yung tumawag sakin pero agad din akong tumingin sa harap at naglakad ng mabilis. Si Adrian. Hindi ko siya tutulungan. Ayoko, ayoko, ayoko!

"Hoy! Yrbua! Tumigil ka!" sigaw niya at automatic naman akong napatigil

"Ano?" inis kong tanong

"Anong ano? Nakakalimutan mo na ba? Tutulungan mo ako. Kailangan mo kaming pagbatiin ng girlfriend ko." sabi niya

"Ayoko nga eh! Ikaw ang may problema dinadamay mo pa ako!" hindi ko naman kasi talaga problema yun eh! Nakakainis siya!

"Kung hindi ka nagsuggest na hiwalayan ako eh di sana wala akong problema!" ako pa ang may kasalanan ah

Hindi ko na siya pinansin at tumalikod na ako. Siya maghirap! Wag ako!

"Hindi ka talaga tutulong? Sige! Sasabihin ko sa buong campus na mang-aagaw ka ng boyfriend. Sasabihin ko na kaya kami nagbreak ni Mikaella ay dahil sayo."

Hindi dito nag-aaral si Mikaella, taga ibang school siya pero kapag sinabi niya yun masisira ang pangalan ko sa school na to! Wag! Ayoko!

Tinignan ko muna siya ng matagal.

"Ayaw mo? Madali lang naman akong kausap."

"OO na! Gagawin ko na!" sigaw ko sakanya. Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko

"Ano?!" sigaw ko ulit sakanya! Nakakainis kasi eh!

"Pirmahan mo muna tong kontrata na to!"

Kainis! Ang daming alam! Hindi naman ako masamang tao para takbuhan siya.

The Secret HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon