Chapter 27

2.5K 80 0
                                    

Yuri's POV

Binuksan ko na yung USB. May isang folder lang naman ang laman nito.

'For Yuri <3'

I clicked the folder and select the video in it.

"Hi Yuri! Syempre pag pinanood mo to alam kong nasa amerika na ako. Galit ka ba? Sorry kung di ko sinabi na aalis ako ahhh. Ito na tinutupad ko na yung pangako ko sayo. Magpapaopera ako para matagal na tayo magsama. Hindi ko alam kung magiging successful o hindi. Pag naging successful namin malaki ang posibilidad na magka-amnesia ako." she smiled after saying those words. Pero mahahalata mo na isa iyong weak smile.

"Naiiyak ako! Ano ba yun. Basta Yuri kahit na makalimutan kita intayin mo ko ahh. Babalikan kita. Gagawa tayo ng masasayang ala-ala together. Diba sabi mo yan? Kaya wag mo ko kalimutan. Intayin mo ko bumalik. Mahalin mo pa rin ako ahh." pagtutuloy niya at dun na tuluyang bumagsak ang luha niya pati na rin ang akin

"I Love you my Yuri."

"I love you too." sagot ko naman

Ayaw na tumigil ng mga luha ko sa pagpatak. Nakakainis naman oh! Naiiyak ako! Nasasaktan ako.

----

Ace's POV

Busy ako sa pagcocomputer ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Come in."

Hindi ako tumingin kahit narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto.

"Hey!" para akong napako sa inuupuan ko. Bat nandito siya? Nananaginip ba ako? Parang ayoko lumingon. Pero wala lumingon pa rin ang katawan ko.

"Bat nandito ka Ash?" cold kong tanong

"Ano ba namang pagwewelcome sakin yan Ace? Hindi ka ba masaya na nandito na ako?" she asked

"I'm asking why are you here?" tanong ko sakanya ulit

"Napagdesisyunan ko Ace na dito na sa Pilipinas ulit tumira. Nakakapagod at nakakabored kasi sa Paris. So now I'm back." sabi niya and then lumapit sakin tsaka ako hinalikan sa pisngi

WTF?!

-----

Kimberly's POV

Nandito na ako sa bahay nila Ace. Surprise visit syempre. Sabi ni Ate Mel, yung ate niya. Remember? (Nasa chapter 15) Sabi niya feel free lang daw ako kung kailan ko gusto bumisita. Sinabihan din ako ng Papa ni Ace.

"Hello po Manang. Si Ace po?" tanong ko

"Nasa kwarto po niya Maam Kim." sagot naman ni Manang

"Naku Manang naman. Wag na pong Maam." sabi ko kaya natawa naman si Manang sakin

"Sige." sagot niya at umalis na

Dahan dahan naman akong umakyat papunta sa kwarto niya. Ang laki talaga ng bahay nila. Hindi ata to bahay eh, mansion ata to.

May dala dala akong cake. Chocolate cake, favorite ko.

May narinig naman akong babaeng nagsasalita kaya nacurious ako at naglakad pa ng mas malapit. Sino kaya yun?

"Napagdesisyunan ko Ace na dito na sa Pilipinas ulit tumira. Nakakapagod at nakakabored kasi sa Paris. So now I'm back." sabi nung babae and then lumapit kay Ace tsaka hinalikan sa pisngi. WTF!

Nabitawan ko yung cake na dala ko. Dahilan para mapatingin sila sakin.

Sino siya? Bat hinalikan niya si Ace? Anong meron sakanilang dalawa? Ha?

O.O ------> ito pa rin ang reaksyon ng muka ko. Ayaw gumalaw ng mga paa ko. Gusto ko ng umalis pero di ko pa rin magawa.

The next thing I know is that umiiyak na ako at nasa harap ko na si Ace caressing may cheeks.

"It's not what you think. Kim, pakinggan mo ko." sabi niya

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Hindi niya alam ang ginagawa niya. Hindi ko yun ginusto." pag-eexplain niya pero ni isa sa explanation niya walang pumasok sa isip ko. Hindi ko madigest ang nangyayari. Oo, alam kong sa pisngi lang naman siya hinalikan pero damn kahit na! Masakit parin yun!

"Layuan mo muna ako Ace. Nasasaktan ako." sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak sakin tsaka ako umalis.

"Kim! Let me explain. Please! Pakinggan mo ang explanation ko. Believe me."

"JUST LET GO! JUST LET GO! AYOKO NA!" hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kung sana kami eh di sana may lakas ako ng loob sampalin siya pero tae hindi kami eh. Anong karapatan ko?

Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na boyfriend ko siya kasi hindi naman talaga. Sasabihin ko ba na 'Layuan mo ang manliligaw ko?!' That's absurd! Wala akong karapatan sabihan ang babaeng yun.

Pagtatawanan lang niya ako dahil unang una palang pag tinanong niya ko kung ano ko ba si Ace, wala na akong maisasagot.

Pero ang tanong lang din naman ay kung sino ba ang babaeng yun eh. Bat niya hinalikan si Ace? May sikreto ba sila? May hindi ba ako alam?

Pumunta agad ako sa bahay ni Nichole. Naiiyak talaga ako. Muka na nga siguro akong ewan kasi nung papunta ako sa bahay ni Nichole tulo ng tulo ang luha ko. Ayaw tumigil.

"Oh! Anong ginagawa mo rito? Bat umiiyak ka?" nagpapanic niyang tanong

"S-si Ace." sabi ko naman

"Anong meron kay Ace?" she asked

"Nakita ko siya kanina, hinalikan siya nung babae sa pisngi. Ang sakit Nichole."

"Teka nga! Pumasok muna tayo." sabi niya then pumasok na kaming dalawa. Umupo na kami sa sala.

Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako.

"Yung babae hinalikan siya. Hindi naman ako pwedeng magselos. Hindi naman kami eh. I have no rights." sabi ko sabay iyak

"Ano?! Susugurin ko yang babaeng yan eh. Hindi niya ba alam na ikaw ang mahal ni Ace?!" sigaw ni Nichole na halatang naiinis na

"Wag na. Wala naman akong karapatan. Kung sana sinagot ko na siya eh di sana may karapatan akong gyerahin ang babaeng yun." umiiyak pa rin ako ng sabihin ko yun

"Tama na nga! Wag ka na umiyak. Ang mahalaga ay mag-usap kayo. Okay? Walang mangyayari kung di mo siya hahayaan mag explain." sabi niya at niyakap ako

------------------

Plug: Koreania (follow niyo yan ah)

Hanggang dito muna. Okay ba update ko? Hahaha!

Ginagawa ko na ang lahat para maging mabilis ang pag-uupdate ko. Hahahahahaha! Sorry kasi medyo busy talaga ako ehhh. Marami kasi akong ginagawa so talagang ganun.

Sana maintindihan niyo kung bakit :)

So yan! Sana nagustuhan niyo ang update ko. Hahahaha! Yun lang xD

The Secret HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon