Chapter 36 - Sundae

132K 1.9K 23
                                    

Mabilis akong pumasok sa suite. Nagpapanic ang buo kong katawan sa aming muling pagkikita. Ang puso ko, naririnig ko ang tibok sa sobrang kaba.


"Zac, I am just going to buy some desserts downstairs, babalik din ako," bulong ko kay Zac habang natutulog siya.

"Sure Yana," sagot niya habang nakapikit.


Para akong may Claustrophobia. Feeling ko di ako makahinga at napaka liit ng kwarto. Hindi ko gusto isipin kung ano ang ginagawa ni Jace kasama ang foreigner niyang girlfriend.


Nakahinga lang ako ng maluwag nang makakita ko ng ice cream parlor. I need this. Kaya ko ata kumain ng isang galon na ice cream sa mga oras na to. I ordered one grand big banana split. My hands are literally shaking when I ate the ice cream.


Shit shit Jace. Bakit pa kita nakita dito?


Nakakalahati ko na ang banana split ng may marinig akong familiar na boses...


"One large chocolate sundae please?"


Pagtingin ko sa tabi ko, andun si Jace na nakaupo sa katabi kong stool. May shirt na siya ngayon and he looks more gorgeous.


Bakit andito siya? Kaya nga ko bumaba dito dahil di ko gusto na malapit sa presence niya at sa mestisang jowa niya.


"Julianna... " mahinang sabi ni Jace pagdating ng order niya na ice cream.

"Jace..." formal kong sagot as if saying - Good to see you, but please don't talk to me.

"May kasama ka?" curious na tanong niya habang tinitignan ako. 


Mas mabilis pa ata ang pagkatunaw ko kaysa sa banana split ice cream. Hindi ako prepared na magtatagpo ulit ang landas namin.


"Yep..." maikli kong sagot.


I want to sound professional as if naka move-on na ako sa kanya, pero alam ko na kakabahan lang ako kaya dapat mga one word lang ang sagot ko sa kanya.


"Boyfriend?" tanong niya uli sa akin at di tinatanggal ang pagkakatitig sa akin.

"Yeah..."

"You look good Julianna, and you look beautiful..."


Of course, I look better now. Kahit ilang taon ako nalungkot sa pagkawala niya, I see to it that I will improve myself. Hindi na ako ang probinsyanang naive na nakilala niya three years ago.


"You too..." sagot ko sa kanya habang kinakain ang ice cream ko.

"Julianna, you are shaking. Are you are okay?" nag-aalalang tanong ni Jace sabay hawak sa kamay ko.

"I am fine, mainit lang."


Of course I am not fine. My hands are literally shaking because you are here!


"Ok ka lang ba? Gusto mo samahan kita sa clinic?"

"I am okay. Nice to see you again, Jace," mabilis kong sabi sabay labas ng ice cream parlor. Di ko na hinintay na sumagot pa siya.

F1 - The Official F Buddy | Jace and JuliannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon