Chapter 41 - Flashback

132K 1.8K 63
                                    

Flashback - Three years ago...

Graduation Day.


Jace was one of the top students of the university. I am also included sa mga honor students kaya tuwang tuwa si mama at papa.

"Asan na nga pala si Jace anak?" tanong ni papa ko after ng graduation. Yung ibang students, nagpipicture picture na.

"Uhmmm, baka kasama po ang parents niya. Hanapin ko po, nasa top ten siya. I will congratulate him."

Sinubukan ko hanapin si Jace at nakita ko siya kasama ang dalawang rich looking fellow. Malamang mommy at daddy niya. Lumapit ako nang bahagya sa kanya para mapansin niya ko. I want to talk to him at batiin na din siya.

"Jace!" kaway ko sa kanya habang nakangiti.

Kaso bigla ko napansin na may kasama siyang isang pang babae na parang ka-edad lang namin. Hindi sila mukhang magkapatid, pero magkahawak sila ng kamay.

Is she the girlfriend? She looks rich and stunning. Wala akong match, mukha akong PA niya.

"Jace, tawag ka ng classmate mo," sabi ng babae kay Jace.

"Don't mind her," mahinang sabi ni Jace sabay talikod sa akin.

"Sino siya?"

"Someone unimportant, malamang isa sa mga fans ko na gusto bumati sa akin. Let's go Cleo," marahas na sabi ni Jace sabay hila sa mga kamay ni Cleo.

Para kong binuhusan ng malamig na tubig. Someone unimportant huh? 

Ganun pala ko sa kanya. Insignificant ang existense ko. I should have known na ganto magiging treatment niya sa akin after our agreement ended.

I turned my back on him and I promised to myself that I will forget him. But for almost three years, I was unsuccessful...

F1 - The Official F Buddy | Jace and JuliannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon