Chapter 46 - Brothers

132K 2K 135
                                    

Tumigil kami sa isang Greek style restaurant ni Jace. Natanaw ko ang isang lalake na kumaway kay Jace.

"Jace, kinakabahan ako..." bulong ko sa kanya bago pumasok ng restaurant.

"Hindi ka dapat kabahan. Mababait ang kuya ko unlike me," natatawa niyang sagot sabay hawak sa kamay ko.


Pagpasok namin sa loob, I noticed na may isa pang babae na kasama. Girlfriend siguro ng kuya niya.


"This is Julianna Castro, my girlfriend. This old guy here is my eldest brother Johannes and this is his wife Chantel."

"Old guy? What the fuck Jace? Mukha ba kong matanda? Two years lang ang tanda ko sayo ah."

"Daddy, ten years ang tanda mo kay Jace. May dementia ka na ba?" natatawang sabi ng asawa niya.

"Pleasure to meet you Julianna. Welcome to our family," sabay handshake ni Johannes sa akin at ni Chantel.

"And this is Father Jethro, he is a parish priest. Sa Italy siya naka assign pero he was recently transferred to a parish church in Bohol."

"Nice to meet you, Father," matamis kong bati sa kanya.


Nakakaloka ang personality ng magkakapatid. Johannes, the eldest among the three of them ay parang isang clown sa comedy bar. Napaka daming kwento sa buhay. Kahit medyo chubby, he is still good looking.

Si Father Jethro naman ay seryoso, bihira magsalita pero napagbiro din. Ang dami sigurong umiyak na babae nang maging pari siya. Mukha siyang model, hindi pari.


"So Jace, saan mo nakilala si Julianna?" tanong ni Johannes na medyo napadami na ata ng inom.

"Classmate ko since first year college."

"Since first year college? Julianna, natagalan mo si Jace? Alam mo ba na matalino yang kapatid ko na yan, pero moody. In other words may sumpong."

"Sumpong? Strong words coming from an old man."

"Akala ko nga magpapari siya parang si Jethro eh. Wala kasing girlfriends, puro fling flings lang. Ayaw ng attachment. Gwapo eh noh?"

"Sa ating lahat, ako ang pinaka gwapo. Di ba Kuya Jethro? Bawal ka magsinungaling di ba?" tanong ni Jace kay Father Jethro.

"Si Jace ang pinaka habulin ng chicks, pero siya din ang pinaka matigas ang ulo. Bugnutin yan at kailangan ng anger management. Kaya Julianna, ikaw na bahala magpasensya sa bunso namin. Pabebe yan."

"Speaking of pabebe, si Julianna lang ang babaeng pinakilala mo sa amin ni Jethro. May baby na ba kayo and are you planning to get married soon?"

"Po? Hindi po. Hindi po ko buntis."

"Sayang naman. Gusto na ng kalaro ng anak ko. Wala ako aasahan kay Jethro eh. Unless..."


Yung ngiti ni Johannes, abot tenga sa pang-aasar kay Father Jethro.


"Johannes, stop it. Hindi ko nabuntis yung dati kong girlfriend okay?"

"Who knows? Bigla siyang nag disappear. Malay mo nabuntis mo na pala bago kay mag pari."

"Kuya, tigil mo na yan. Baka buhusan ka ng holy water ni Kuya Jethro."

"That's fine. He's right. Kahit ako, minsan hindi ko din sigurado kung meron o wala. But that will not change a thing. Hindi ko tatalikuran ang responsibility ko sa simbahan. Kung naanakan mo man siya noon, I will also take responsibility."

"Kung si Jace ang pinaka black sheep sa amin, si Jethro naman ang pinaka anghel. Balik sa inyong dalawa, are you getting married? Babalik ako sa New York next month at matatagalan pa ko bago bumalik," sabi ni Johannes.

"I will let you know, Kuya Johannes. You and Kuya Jethro will be the first to know," seryosong sagot ni Jace sabay inom ng wine

F1 - The Official F Buddy | Jace and JuliannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon