Chapter 21 - Aya Cruz

151K 2.4K 170
                                    

"Saan mo gusto kumain?" tanong ni Jace pagkatapos namin bumili ng phone at laptop.

"Jollibee na lang."

"What are you, seven?"

"Nagtatanong ka di ba? Gusto ko Jollibee eh!"

Well, gusto ko naman talaga kumain sa Jollibee pero gusto ko din yung mura kasi I am sure, lilibre na naman ako ni Jace at medyo mahaba na ang listahan ng utang ko sa kanya.

"Sa iba na lang, may alam ako pizza restaurant na magugustuhan mo," sabi ni Jace sabay hila sa kamay ko papasok sa Italian restaurant.

"Since mapilit ka, gusto ko ng pizza, saka dalawang pasta. Samahan mo pa ng chicken."

"Ako bahala. Kawawa ka naman kasi, puro siomai ang dinner mo dati."

"Kaya nga utak siomai na ako eh. Sino ba naman na matinong babae na papayag sa offer mo?" bulong ko sa kanya pag-upo namin sa restaurant.

"You can't back out now, Julianna."

"May sinabi ba ko?"

"Saka utang to lahat, baka isipin mo, bigay ko sayo yung laptop at smartphone for free."

"Ilang ulit mo kailangan sabihin sa akin yan ha?"

"Pero no pressure kung kailan ka magbabayad. Sabi ko nga, kapag nagka trabaho ka na, saka mo ko bayaran," natatawa niyang sabi habang nakatingin sa menu.


"Jace! OMG, is that really you?"


Isang sophisticated na babae ang lumapit sa amin. College student lang siguro at ka-edad namin. Based sa damit at bags niya, anak mayaman. Socialite in other words.

"Aya, it is good to see you! You look... different..." sabi ni Jace sabay halik sa pisngi ng babae.

Teka, sino to? Bakit may mala artistang babae na lumalapit kay Jace?

"Bawal mag transform from rakista to a gorgeous lady?"

"Bagay sayo, mukha kang tao. By the way, this is Julianna, my girlfriend," pakilala ni Jace at kulang na lang lumawa ang mata ko sa sinabi niya.

What the F! Girlfriend daw ako?

"Hi Julianna, pleasure to meet you. I am Aya Cruz, pinsan ako ni Jace. Mailap kasi si Jace kaya hindi kami madalas magkita. Hindi sumasama sa mga social gathering, pa misteryoso effect," malambing na sabi ni Aya sabay beso sa akin.

"Nice to meet you too," naka ngiti kong sabi sa kanya.

"Alam mo, walang pinapa kilala na girlfriend sa amin yang si Jace. Akala ko nga isa siyang... gay," bulong ni Aya sa akin.

"Aya, I can hear you."

"Oh paano, aalis na ako? Nag take out lang ako ng pizza namin ni mommy. Bye Julianna! Alagaan mo si Jace ah? He's kinda difficult to deal with pero mabait yang pinsan ko na yan," sabi ni Aya na yumakap naman sa akin.

Hindi naman pala suplada at matapobre kahit mukhang mayaman. Akala ko naman, isa sa mga ex-girlfriends niya.

"Akala niya gay ka daw," natatawa kong sabi pagkaalis ni Aya.

"You know full well that I am not."

"Malay ko ba?"

"Shut up, Julianna. Baka gusto mong hindi makapasok at makalakad bukas sa pagod?" inis niyang sagot sa akin.

F1 - The Official F Buddy | Jace and JuliannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon