If I remember correctly, Jace tried to own me three consecutive times. Kung may pahinga man kami, it is only a matter of minutes. Di ko na rin namalayan na nakatulog na ko sa pagod.
"Shit, anong oras na?" tanong ko kay Jace nang makita ko sa window niya na madilim na.
"9PM pa lang, why?" naguguluhan niyang tanong sabay yakap sa akin.
"Jace, I need to go. May curfew yung dorm namin. Hahanapin ako ng room mate ko," sabi ko sa kanya sabay bihis ng damit. Gusto ko man matulog sa tabi niya, pagagalitan ako ng may-ari ng dorm.
"Ihahatid na kita," sabi ni Jace sabay bangon at kuha ng t-shirt sa cabinet.
"No, wag na. Gabi na din. Ako na bahala. Di naman gaano kalayo."
"Wag matigas ang ulo, ihahatid na kita."
Hindi na ko nakipagtalo at tumango lang ako sa kanya. Para kasi akong tanga na lahat ng sabihin ni Jace gagawin ko.
Well, ang tanga ko talaga dahil hindi lang isang beses ko sinuko sa kanya ang lahat ngunit tatlong beses pa. Sinuko ko ang virginity ko sa isang stranger.
Kulang na lang sabihin niya sit or rollover at willing akong susunod sa kanya.
"San ka nagdodorm?" tanong niya sa akin nang nasa kotse kami.
"Dun lang malapit sa university, kaya ok lang ako mag pagabi sa library."
"Bed spacer?"
"Yep, maliit lang yung dorm. Apat nga kaming babae sa room na may dalawang double deck. Maayos naman."
"Malayo ba bahay niyo? Saan ka nakatira?"
"Nasa probinsya ang mama at papa ko. Kapag sembreak lang ako umuuwi."
"Scholar ka di ba?"
"Yep, obvious naman dahil lahat ng classmates natin mayayaman. May allowance naman ako nakukuha sa scholarship ko. Sakto naman, tipid tipid lang. Walking distance lang ang dorm ko sa university. Medyo mainit, kasi isang electric fan lang. Pag papasok, kailangan gumising ng maaga dahil unahan sa bathroom. Ay sorry, ang daldal ko."
"That's fine."
"Jace, tigil mo na yung sasakyan dito. Yung dorm ko yung bahay sa kanto. Maglalakad na lang ako."
"Dorm yun? Mukhang makalumang bahay. At sabi mo walking distance, ang layo nito sa university ah?" inis na tanong niya sa akin sabay tigil ng kotse.
"Malapit lang. Sanay na ako. Pag masyado ko ginabi, may bus naman."
"I will call you later. Sige na, bumaba ka na."
Obvious naman na naiinis siya at di ko alam kung bakit.
Di ko ba siya na satisfy? Di ba ko impressive? Boring ba ko?
Pagkatapos niya magpakaligaya kanina, tapos ngayon maiinis siya? Kaloka!
"Okay, good night, Jace."
Tumango lang siya at wala man lang pabaon na goodnight kiss.
Lumabas ako ng mabilis sa kotse niya pero hindi pa din siya umaalis. Nang makapasok na ko loob ng dorm, doon lang umalis si Jace...
BINABASA MO ANG
F1 - The Official F Buddy | Jace and Julianna
RomanceWARNING: R-18 [COMPLETED] Jace Gomez is a campus heartthrob. Mysterious at walang known girlfriend sa campus. Sabi ng iba, Jace is probably gay, but I don't think so. I can attest that Jace is indeed a man as he became my Official F Buddy.. The Off...