Prologue
Nasa Senior Highschool pa lang kami, crush na crush ko na talaga sya. He sways every outfit, nails every moment, and hooks every girl with his tantalizing appearance. At isa lang ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.
Baliw na kung baliw, at tanga na kung tanga, gagawin ko ang lahat para lang makuha ang atensyon niya. Hindi man ako kasing ganda ng mga babaeng nagugustuhan niya, o kasing talino ng babaeng dumaan sa kanya, kaya ko naman siyang mahalin ng walang katulad. Masaya na talaga ako kapag napapatingin sya, o kapag nagagalit sya sa sobrang kulit ko, ang mahalaga ay napapansin nya ako.
Limang taon akong nagwawala sa ngisi niya, sa mata nyang laging nakatingin sa iba at sa puso nyang hindi ko naman makuha. Ipinagdadasal ko gabi-gabi na sana ay pagbigyan naman niya ang puso kong durog na durog na sa lahat ng ginagawa niya.
"Pwede bang sa ibang lalaki mo na lang ibuhos ang obsession mo? It's already frustrating receiving loveletters and stupid things from a third year college student who I supposed would never grow up." I smiled when he blunted that to me.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction[COMPLETED] "I despise you for cheering for me while doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly."