Chapter 13

1.7K 17 0
                                    

Chapter 13

Na-flat ang gulong sa likod ng kotse ko. Nang hapong iyon, nagpasundo na lang ako kay mom dahil along the way lang naman ang university from her office pero si dad na daw ang susundo sa akin dahil merong pupuntahan si mom.

"Are you waiting for someone?" Muntik ko nang mabitawan ang celphone ko dahil sa biglang pagsulpot ni kuya. Nakasandal ako sa sarili kong kotse at nasa tabi ko na sya. Ngayon na lang ulit kami nagkita sa school. Hindi din kami nag-uusap sa bahay.

"I'm waiting for dad dahil na-flat ang gulong ng kotse ko." Sinilip pa ni kuya ang gulong sa harap pero nasa likod naman ang na-flat.

"Sa akin ka na sumabay." Nagulat ako sa sinabi nya pero mas nagulat ako sa isa pang lalaking sumulpot sa harap namin.

Bumaba ang tingin ko para hindi ko makita ang mukha nya. I should look for another man kung ayaw kong mas mahulog pa sa gwapong lalaking ito.

"O-on the way na si dad." Magkasama na naman silang magkaibigan.

"I will text dad na ako na ang kasama mo." Wala na akong nagawa dahil naglakad na si kuya papunta sa pinagparkan ng kotse nya. Hindi gumagalaw sa harap ko si Prince kaya sumunod na ako kay kuya.

"Hindi mo pa rin kinakausap si Yves?" What a damn question from Prince. Hindi ba nya narinig kanina na nag-usap na kami?

Nagpanggap akong hindi narinig ang tanong nya.

"Dude, pasabay ako hanggang sa unit ko ha." Makakasabay ko pa pala sya sa kotse. Sya pa ba ang tatanggihan ni kuya e mas pinili nga ni kuya ang frienship nila kesa sa akin. I will never forget.

Hindi naman ako makikipagkompetensya pa kay Prince sa Passenger's Seat. Alam ko kung gaano nila kamahal ni Kuya Yves ang isa't isa kaya sa likod na ako umupo.

Napatingin ako sa kabilang bahagi ng backseat nang umupo din doon si Prince. Nang-aasar ba talaga sya? Kung kailan naman ako na ang umiiwas ay sya pa ang nanunukdo at lapit ng lapit.

"Am I your driver?" Even Kuya Yves said that in a harsh tone, alam kong kalmado pa din sya. Sino ba sa amin ang sinasabihan nya niyan?

Nakatingin sa amin si kuya pero hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Maybe Prince is testing me kung kaya ko talagang umiwas sa kanya.

Mabuti na lang at in-start na ni kuya ang kotse. Inilagay ko ang bag ko sa pagitan namin ni Prince. Tinext ko si dad na si kuya na ang kasabay ko.

"I wanted a dinner date with you, Reese. Let's just do that next time." Dapat talaga kay dad na lang ako sumabay. Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan.

Kahit nasa tabi ko lang si Prince ay para pa din akong nilalagnat dahil sa pabango nya.

"Let's eat first, Reese." Kuya said out of the blue.

Hindi ko pa natatanggap ang sorry nya. Pero kapag nilibre nya ako ng dinner ay baka tanggapin ko na nga. Si Prince lang naman ang nakakainis hanggang ngayon.

"What about me? You're not gonna invite me? How rude." He can speak to my brother informally. Wag naman sanang bakla ang isa sa kanila dahil hindi ko talaga matatanggap.

"Talk to your mom." Sa apgkakasabi ni kuya ay parang hindi mabuti ang relasyon ni Prince sa mom nya. Or baka meron lang silang tampuhan.

"I won't." My heart skipped a beat when he added a childish tone in his voice. Everything about him is sexy.

"That's the right thing to do." Sabi ni Kuya Yves na kalamado pa din.

"I'm starving. Saan tayo kakain?" Tanong ko kay kuya. I saw from the peripheral view the head turn of Prince. Hindi ko pa din sya nililingon.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon