Chapter 10
Saturday morning and everything that needs to be passed had been passed.
Hunter: Breakfast with me? Hindi ako sinipot ng date ko.
Natawa ako sa message nya. Nag-reply ako kaagad.
"Sure. Where are you?" Tumawag sya bigla.
"Good morning!" Maaga pa lang pero nasa labas na kaagad sya.
"Good morning, Hunter."
"Kagigising mo lang? Susunduin na lang kita sa bahay nyo ngayon. Take your time in dressing up." Napangiti ako. Kung sa kanya siguro ako nagkagusto noon ay hindi ako nasaktan ng ganito.
"Magkita na lang tayo kung nasaan ka. Nakakahiya namang sunduin mo pa ako."
"It's okay. May sasabihin din ako kay Tito Michael." Heto na naman sya sa may gagawin sa bahay namin pero palusot nya lang talaga.
"Kung ganoon, sige. Hihintayin na lang kita."
"Okay. See you then." In-end ko na ang call. Ang sakit ng katawan ko. Ilang araw din iyong paspasan ng paggawa ng mga requirements. Finally, makakapahinga na din ako!
I chose a black V-Neck shirt at white pants. Humugot ako ng isang rubber shoes mula sa wardrobe na si mom pa ang nag-aalaga. Minsan nanghihinayang na lang ako kapag nakikita ko iyon. Puno iyon ng magagandang dress na kahit kailan ay hindi ko naman maisusuot.
Nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na ang boses ni dad at Hunter.
"Reese is here." Tumayo si dad at humalik ako sa pisngi nya. Mukhang mags-stay lang sya sa bahay ngayong Saturday. Hindi sya naka-corporate attire.
"Good morning.. again." He smiled.
"Good morning." Pero napadako ang mata ko sa red rose na nakapatong sa mesa.
"I haven't seen you for more than a week."
"Pareho ata tayong busy. Diba nago-OJT ka na?" He nodded at tumingin kay dad.
"Tito, magb-breakfast sana kami ni Reese. Okay lang po ba?" Breakfast lang pero ipinagpaalam nya pa kay dad.
"Make sure to take her home again, Hunter." Napatawa na lang ako kay dad. Ganito pala sya ka-strict. Lalo na siguro kapag merong nangligaw sa akin. Pero meron pa kayang magkakagusto sa akin?
"Sige po, tito." Nagpaalam na din ako kay dad.
Pinagbuksan ako ni Hunter ng pinto ng Passenger's Seat. Nag-thank you ako kasi napaka-gentleman nya talaga. Noong bata pa ako ay crush ko ang daddy nya kasi sobrang gwapo at sobrang bait. Ngayon ay sya na ata ang crush ko dahil manang mana nya ang ugali ni Tito Kevin.
Pumasok na din sya sa Driver's Seat.
Dinala nya ako sa restaurant na pag-aari ng family nila.
"Mom was here a while ago. Sayang at hindi natin naabutan." Oh my gosh. The ever gorgeous Kimberly Panganiban Lescante. After mom, sya ang pinakamagandang babaeng nakita ko.
"Malapit na magkaibagan ang pamilya natin pero ngayon lang kita nakilala. At the fact na dito ka pa sa Pilipinas nag-aaral." Tapos na kaming kumain at hindi pa mapag-desisyunan kung saan sunod na pupunta.
"I stayed in America when I was ten. I was there for five years with my cousins, but I decided to go back here. My parents wanted me to finish my school here para na din meron silang makasama. Alam mo naman siguro na nagma-Masteral na sa ibang bansa ang iba kong kapatid." I nodded.
"Masarap maging bunso?" I asked as if I am not the youngest in the family.
"What do you think?" Wwe both laugh.
BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction[COMPLETED] "I despise you for cheering for me while doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly."