Chapter 8
I spent the whole Sunday and Monday studying for the midterm examination. Tuesday ng hapon ang una naming eschedule ng exam kaya tanghali na akong nagising. Wala na sina mom, dad at kuya sa bahay nang umalis ako.
"Pagaya na lang." Naglolokong sabi ni Carla.
Mabuti na lang at hindi kami pinaupo alphabetically. For the time being, sa papers ko lang ako nakatingin at walang ibang naiisip.
Mas nauna akong natapos kay Carla kaya hinintay ko sya sa labas ng classroom. Ten minutes na ata akong naghihintay doon nang lumabas sya.
"Out of this world naman ang mga tanong." Sabi nya agad pagkalabas.
"Hindi pa ako nagla-lunch." Sabi ko na lang. Siguradong wala lang sa kanya ang exam. Lagi na lang syang ganyan tapos ang taas naman ng nakukuhang score.
"Sa Blue Sapphire na tayo kumain. Gusto ko ng tempura ngayon!" Kahit ano naman ata ang ibigay sa babaeng iyon ay kakainin nya.
Hindi na lang ako nagsalita dahil malamang ay wala naman doon ang barkada nina Kuya Yves at Prince dahil maga-alas tres na. Kadalasang lunchtime lang naman sila nandodoon.
"Hi, Reese." Napatingin ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Napatayo ako when I saw Hunter.
"Hello, Hunter. Wala ka bang exam?" Umupo sya sa tabi ni Carla. I saw her blushing at hindi makagalaw.
"OJT na lang kami ngayon." Graduating nga din pala sya. He's a year older than Kuya Yves pero pareho silang graduating kasi five year course ang kinuha nya.
"Aww great." Mabuti na lang at merong lumapit na waiter sa amin para hingiin ang order ni Hunter na kadarating lang.
"Hunter, ito nga pala si Carla, bestfriend ko. Carla, this is Hunter, a family friend." Naunang mag-abot ng kamay si Hunter at tinanggap iyon ni Carla.
"Nice to meet you." Nakangiting sabi ni Hunter.
It wasn't so awkward because Hunter is nice guy at nag-oopen ng mga topic para hindi tahimik sa mesa habang kumakain kami.
Pagkatapos ng huling exam sa araw na iyon ay dumeretso ako sa library para manghiram ng book. Kahit exam week ay madami pa ding requirements na ginagawa dahil one week from now ang deadline.
"Bakit po hindi pwedeng hiramin?" Grabe naman si Ateng Librarian.
"Hindi pwedeng maglabas ng book kapag exam week. Sorry, miss." Hala pano yun?
"Pwede pong magpa-photocopy lang? Iiwan ko na lang ang ID ko." Nagpapanic na talaga ako. Kailangan ko pa kasing mag-review about sa lesson ng prof namin sa History para magawa ang requirement nya. Okay lang din naman sa internet pero merong binigay na paroticular name ng book ang professor para daw mas madaling maghanap ng information.
"Ganoon din iyon e. Ilalabas mo ang book," sabi naman ng librarian.
"Ibabalik ko din po..." Sabay kaming napatingin sa bastos na lalaking nagsalita sa likod ko.
"Can't you understand those simple words? Baka lang nakakalimutan mo na nasa library ka, wala sa palengke." I snorted with what Prince said. Sya na na ata ang pinakamataray na prinsipe!
Pero bakit nandito sya? At ano ba ang pakeelam nya? Nasasaktan pa din ako dahil pina-ban nya ako sa panonood sa play.
"Wala kang pakeelam." Napa-woah ako sa utak after what I said. Nagawa kong tarayan si Prince doon. Pero failed akong iwasan ang mapangisi. Para tuloy akong baliw doon.
"Meron akong pakeelam. You're disturbing us," he said as he looked at the nearby table. Nakaupo roon sina Kuya Yves at ang mga kaibigan pa nila. Magkakasama na naman sila.
BINABASA MO ANG
The Chase
Novela Juvenil[COMPLETED] "I despise you for cheering for me while doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly."