Chapter 15
Simula ng araw na nagtapat si Prince, palagi na kaming magka-text. He will talk to Kuya Yves tomorrow, Saturday, dahil nasa OJT si kuya simula kahapon.
Nagkita kami ni Prince sa Theater Hall dahil ibibigay ko sa kanya ang niluto kong sinigang. Nagpatulong ako kay Ate Hazel na gumawa noon.
"Masarap ba?" Tanong ko kasi hindi sya nag-react. Sumusubo lang sya habang nakatingin sa akin. He nodded at ngumiti. Ngumiti na din ako.
"Sure ka bang hindi tayo pagagalitan dahil dito tayo kumakain?" Tumingin ulit ako sa likod. Baka biglang may pumasok doong school personnel.
"Walang maggalit kung walang makakakita." Pasaway din pala ang isang to.
"Bakit nga pala mga BS Bio students ang kasama mo lagi?"
"They're cool. My blockmates are boring." Wow.
Pero maiiwan na sya ng mga friends nya dahil graduating na ang mga iyon.
"SO next year sa mga boring mo ng blockmates ka sasama kasi ga-graduate na ang mga cool mong friends?" Tumigil sya sa pagkain at uminom sa bottled water. Ang saya palang panoodin syang kainin ang pagkaing ako ang naghanda.
"Ikaw na ang kasama ko next year. Your brother won't have time anymore to look after you. Magmamasteral na sya." Tumawa pa sya at umiling iling. Ipinagpatuloy nya ang pagkain habang ako ay nakatingin lang sa kanya.
"Ahhh.." Sabi nya nang susubuan nya sana ako.
"I want fries now." Ibinaba nya bigla ang kutsarang hawak at tumayo.
"Where are you going?" Tumayo na din ako. Naartehan ba sya sa request ko? Okay wag na. Ayoko na ng fries.
"Ibibili kitang fries. Dito ka lang." Aalis na sana sya pero hinawakan ko sya sa braso. Ako ang nawala sa sarili dahil sa ginawa ko.
"W-wag na. Mamaya na lang." He smiled at tinap ang ulo ko na parang bata.
"Mabilis lang ako. Five minutes. Kapag wala pa ako ng limang minuto at wag mo na akong kausapin kahit kailan," ang yabang nagpagkakasabi nya. I smirked at binitawan ko ang braso nya.
"Baka pagsisihan mo, Prince? Ilang minuto ba bago maluto ang fries? Maglalakad ka pa at maghihintay ng elevator." Tumawa sya at ibinalik ang kamay ko sa braso nya.
"Sige. Magkasabay na lang tayong bumili. Doon ko na din tatapusin ang pagkain ng sinigang na niluto mo."
"Mamaya na lang tayo mag-fries. Mas masarap kumain dito kasi walang ibang matang nakatingin sayo. Kung pwede nga lang na dito na lang tayo palagi ay mas maganda." Umupo na ako ulit at ganoon din sya.
"I will buy you a fries later after your class, and I will drive you home like a real boyfriend." Ang sarap pakinggan in fairness.
"Nanliligaw ka ba? Hindi ko matandaang sinagot na kita, Xalverio. Ayusin mo ang pag-refer sa relasyon natin." Ipinagpatuloy nya ang pagkain.
"Hindi pa kita pwedeng ligawan hanggang hindi ko pa nakakausap si Yves and your parents. I will be a gentleman to you from now on." Itinago ko na lang ang kilig ko dahil sa sinabi nya.
"What if kuya did not approve of your plan to court me?" Tumingin ulit sya sa akin.
"I told you I'm willing to do the wrong thing just to get you." Nakakabaliw pala ang ngisi nyang mala-demonyo. Sana nga ay makumbinsi nya si kyua na tama na ang panahon para sa amin. I am already twenty years old!
"Mom likes Hunter for me because you were so rude to me before."
"I will bring flowers to your house everyday with letters on it and I will join to your dinner atleast four times a week." Ibinaba nya ang tinidor. Nakakatawa sya.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction[COMPLETED] "I despise you for cheering for me while doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly."