Chapter 2
Maga-alas syete pa lang pero nakaabang na ako sa locker ni Prince. Alam kong araw-araw syang dumadaan dito para sa mga gamit nya. Wala pa akong nakikitang estudyante dahil sobrang aga pa pero hindi na mapigil sa pagwawala ang puso ko. Thinking that Prince would take a bite, balewala ang pagod at puyat para sa pinagdaanan ng cookies na ito.
Nanlaki ang mata ko nang makitang papalapit nya sya. Mag-isa nga sya pero meron syang kausap sa celphone. Kahit na ang suot nya ngayon ay school uniform, hindi pa din maitatago ang magandang katawan nya. His hair is fixed as it is always.
"Prince..." Nilampasan nya ako pero ngumiti lang ako at sinundan sya ng tingin.
"This is for you!" Iniabot ko sa kanya ang color pink na box na naglalaman ng cookies.
"You don't have to. I'll be the one to pick you up at your building after your class." Hindi nya ata ako napansin. Hinintay ko sya ng ilang minuto bago putulin ang tawag.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang itago na niya ang celphone sa pocket ng coat nya. Nang buksan nya ang locker nya ay iniharang ko ang box sa harap nya pero hindi ko sinasadyang mabangga noon ang ilong nya.
"What the heck?!" Napangisi ako dahil sa reaksyon nya. Ang gwapo nya lalo kapag nagagalit.
"I made this for you. Alas dos na ako..." Pinutol nya ang sasabihin ko.
"I don't eat goodies." Padabog nyang isinarado ang pinto ng locker nya at gumawa iyon ng ingay na nag-echoe sa buong floor. Natulala lang ako sa kanya saglit pero natauhan na din nang maglakad sya palayo.
"What about lunch? Ano ang gusto mo? Lulutuin ko kahit ano?!!" Sigurado akong malakas ang pagkakatanong ko noon pero naglakad sya nang nakapamulsa at palayo sa akin.
Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang nakikita ko pa sya dahil baka bigla syang tumingin ulit sa akin pero hindi nangyari. Naiwan ako doong tulala.
"Sayang naman..." I whispered pero nakangisi pa din. Kinikilig talaga ako sa mata nya! Kahit galit ay sobrang ganda pa din! Bakit kaya sya biniyayaan ng mahabang lashes? Isa iyon sa mga asset niya e!
Pumasok ako sa classroom namin nang dala pa din ang box ng cookies. Sayang naman kasi kung itatapon ko lang kaya ibibgay ko na lang kay Carla.
"Hindi talaga ako nag-breakfast kasi alam kong meron akong matatanggap na ganito!" Tuwang tuwa pa ang luka habang binuksan ang box. Pinanood ko lang syang kumain ng cookies. Inaalok pa nya ang lahat ng dumadaan sa seat namin.
"I was awake until 2 AM for those cookies!" Naiwan sa ere ang bibig nya na kanina ay ngumunguya.
"May gayuma ba itong kasama? Bakit naman hanggang alas dos ng umaga mo ginawa?!" Nagalit sya e hindi naman sya ang napuyat kundi ako.
"Inulit ko hanggang sa ma-perfect." Atleast hindi naman nasayang kasi kinakain naman ng bestfriend ko.
"Such a fool! Hinayaan ka lang ng mga tao sa bahay ninyo?!" Ibinaba ko ang kilay nyang nakataas at ngumisi lang.
"I was thinking of him while making those cookies pero ikaw ang kumakain ngayon. Kulang na nga lang ay tatakan ko iyan ng pangalan nya. Damn. Dapat pala alamin ko muna ang gusto nya bago ako kumilos." Ngayon ko lang napagtanto. Napa-iling na lang kami pareho.
Dumating na ang professor namin ng umagang iyon pero hindi pa rin napigil si Carla sa pagkain. Mabuti na lang talaga at varsity sya kaya hindi sya lumalaki sa daming kinakain.
When the last subject in the afternoon finished, nagmamadali akong nagpaalam kay Carla para pumunta sa swimming pool. Siguradong naroon si Prince ngayon.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction[COMPLETED] "I despise you for cheering for me while doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly."