Chapter 3

1K 17 0
                                    

Chapter 3

Maaga akong gumising para makasabay mag-breakfast si Kuya Yves pero hindi ko inasahan ang madadatnan ko sa dining area. Akala ko ay natutulog pa ako pero ilang beses ko ding kinusot ang mata ko at napatunayang tunay ang lahat.

The three guys sitting there were equally gorgeous. Dad, Kuya Yves and the very unexpected visitor this morning, Prince. Minsang minsan lang sya magpunta sa bahay namin.

Ngumiti si dad sa akin pero parang hindi ako nakita ni Prince kahit nakaharap sya sa way ko.

"Hve a breakfast with us." Tumabi ako kay Kuya Yves na noon ay seryosong seryoso ang mukha. Naka-formal attire sya. Hindi naman corporate attire day ngayon.

"Hi, Prince," malawak ang ngisi kong bati sa kanya. Tumikhim si dad nang alam nyang hindi ako papansinin ni Prince. Sana man lang supportive ang family ko sa lalaking gusto ko pero hindi ako gusto. But they all seem to take Prince's part in ignoring me.

I snorted at him pero wala pa din syang pakeelam. Gusto ko pa namang sabihin na sobrang gwapo nya ngayon. Sa lahat ng pabango ng mga taong naroon ay ang kanya ang namamayani sa ilong ko.

"Kuya, di ka papasok?" Tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"OJT." Tumango na lang ako.

Walang nagsasalita sa mga taong naroroon. Wait, nakakasira ba ako ng usapan nila? Agad akong tumayo para magpaalam na. Kahit na gusto ko pang makasama si Prince sa isang table ay ayaw ko namang ma-awlward sya dahil sakin.

"Hindi ka pa kumakain. Sit down." Sanay na sanay na ako sa coldness ni kuya.

"Meron pa pala kaming gagawin ni...ACHOOO! OMG. Excuse me." Mabuti na lang at nakapagtakip agad ako ng ilong at tumalikod sa mesa bago mahatsing. Sa dinami dami naman ng pwedeng pagkakataon.

"May sakit ka ba, Reese?" Biglang tanong ni dad pero humarap ako sa kanya ng nakangiti.

"No, dad. Meron lang atang pusa." I was even shocked with what I said. Wala namang pet sa bahay namin bukod sa parrot ni kuya na laging nasa kwarto nya.

"What.." Magtatanong pa si kuya pero pinutol ko sya.

"I have to go ahead. Bye kuya, bye dad." Nag-kiss ako sa cheeks ni dad at inamoy ko si Prince nang dumaan ako sa kanya. Nag-iwas ng tingin si Kuya Yves at si dad naman ay nakatingin sa akin na parang pinagsasabihan ako. Hindi naman halata ni Prince kaya okay lang.

"Bye, Prince. See you later." Kinilig ako sa sarili kong salita. What the hell?! Sana araw-araw na lang syang nasa bahay namin.

"Your car keys!" Sigaw ni kuya nang paalis na ako sa dining area. Gosh! Bakit ko naman nakalimutan iyon? Grabee! Bumalik ako sa mesa at ngumiti kay Prince. Iniiwas nya ang mata nya in a cool way at ngumiti kay dad. Nagseselos ako kay dad!

"Ah bye!" Sabi ko na talaga at lumabas na. Nagtatalon pa ako habang bumababa sa hagdan.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang puting R8 ni Prince.

"Woah!" Ano kaya ang pakiramdam nang makasakay sa Passenger's Seat noon? Lumingon ako sa likod para tingnan kung merong tao doon pero wala. Tinakbo ko na ang hagdan pababa. Nilibot ko ang kotse nya at gusto ko na ngang itago pero hindi ko naman kayang buhatin. Susme fangirl problem.

Gusto ko pa din sanang magselfie with his car pero wala nga pala akong phone. Damn! Sayang ang chance.

"Bakit ka sinipon?! Ano ba ang pinaggagawa mo kagabi?!" Hapon na noon at nasa clinic ako. Nilalagnat ako at inuubo. Nang malaglag ako kagabi sa pool ay hindi ko inasahan na magkakasakit ako. Malakas ang immune system ko e.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon