Chapter 11
"Hunter Lescante's First Girl in College" That is the title of the top most viewed article in the official website of the Stallion University.
I still can't believe what I just read. Kailan pa naging kami ni Hunter? But there's a lot of pictures noong magkasama kaming nag-dinner kagabi. That was before Prince appeared.
"Stallion's Prince is Single Again" And that's the title of the second most viewed article. Hindi ko alam kung bakit sila nag-break. Three months pa lang sila ang for the record, sya ang pinakamabilis na naging girlfriend ni Prince.
"Ang haba ng hair mo!" Sigaw ni Carla na may kasamang irap. I think mas gustong sabihin niya ay "Ang kapal ng mukha mo!" Pero hindi nya masabi dahil magkaibigan pa din kami.
"Wag ka na magselos, Carla. Hindi yan totoo. Si Hunter lang ang tumulong sa changes ko ngayon. See?" Nag-model ako sa harap nya kahit na unoform lang ang suot ko.
Mayroon na akong light make up ngayon at maayos ang buhok.
"Pero walang halong biro, gumanda ka talaga, Reese! Hindi ko alam kung dahil ba dyan sa kilay mo or sa lips mo. Sana dati mo pa iyan ginawa para napansin ka ng prinsipe mo." Umismid ako sa sinabi nya.
"Para kay Prince lang ko ba dpat to gawin? Hindi ba pwedeng sa sarili ko din? At pwede ba, let's not talk about him." I rolled my eyes at tumawa naman ang baliw kong kaibigan.
"Wow! May rolled eyes na din syang nalalaman."
"Calling the attention of all the contestants for the Photography Contest. Please proceed to the ground floor of Exhibit Hall. Waiting time is ten minutes. Any participant who will not be there in the given time will be automatically disqualified."
Tumayo na ako para pumunta sa ground floor. Ang theme para sa taon na iyon ay ang 30th anniversary ng Stallion University. Hapon na kaya siguradong makakadagdag ang magagandang ilaw.
"Saan kita hihitayin?" Tanong ni Carla nang nasa elevator na kami.
"You don't have to wait for me. Let's see each other tomorrow." I answered at ngumisi.
"You're being hunted by Hunter's admirers, so take care. Don't cause fight when your brother is not around." She was giving me reminders as if I am a highschool student.
"Hindi ko na naman kailangan si kuya. Sakit lang ako ng ulo sa kanya kaya nga sinusubukan ko ng wag gumawa ng gulo." Hindi pa din kami nag-uusap ni kuya hanggang ngayon.
"Kausapin mo na ang kuya mo kung ayaw mong mas lumaki pa ang alitan sa pagitan nyo. Talaga bang dahil lang kay Prince ay masisira din ang relasyon mo sa gwapo mong kuya? Wag naman ganon, bestfriend! Sasabunutan kita." Sadista din talaga ang isang ito. Sana nag-training na lang sya kaysa nagbabanta sya sa akin ngayon.
"Sino bang mali sa amin ni kuya?" Bumukas na ang elevator at nakikita ko na ang ibang mga participants.
"Kuya mo.." She answered.
"Kaya nga. So I just see you tomorrow?" I asked at nagbeso na sa kanya.
"Ewan ko sayo! Pero kausapin mo na ang kuya mo ha. Good luck!" Sabi nya at nag-wave na.
Naglakad ako papunta sa gitnang bahagi ng ground floor para sumama sa ibang participants. I looked around and my eyes saw someone I don't want to see. Prince was wearing a uniform pero wala na ang coat at hawak nya ang SLR nya. Nakatingin sya sa way ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ako naga-assume na nakatingin sya sa akin pero parang meron syang tinitingnan sa way kung saan ako nakatayo.
"Attention! Everyone!" The host gave the instructions and how the pictures will be assessed.
Nagsimula na akong maglakad-lakad para maghanap ng magandang view. This school can be romantic too. Sana mas gumanda pa ito several years from now. Pwede na din itong dating place kung walang D.O.

BINABASA MO ANG
The Chase
Teen Fiction[COMPLETED] "I despise you for cheering for me while doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly."