Chapter 5

1K 19 1
                                    

Chapter 5

Naiwan ako sa Chemistry Laboratory para tingnan kung wala bang nabasag na kahit ano. The professor left me in-charge kahit hindi naman ako pumayag. Takot pa naman akong mag-isa sa classroom ng Stallion University. Baka mamaya, meron na palang nanonood sa akin. Wahh! Mas lalo ko lang tinatakot ang sarili ko.

"What are you doing here?" Nagulantang ang buong sistema ko nang marinig ang boses na iyon. Bakit ba basta basta na lang sumusulpot ang gwapong nilala na ito?

"Ano kasi..." Pinutol ni Prince ang sasabihin ko. Mabuti na lang at ginawa nya dahil wala akong masasabi bukod sa ang gwapo nya ngayon.

"I haven't seen you for days, I was grateful until a while ago." Hindi nya ako nakikita pero nakikita ko sya araw-araw. Inaabangan ko sya sa parking lot at sinusundan kapag pupunta na sya sa 7:30 AM class nya. Hindi na ako kumakain sa Blue Sapphire Restaurant dahil doon sila lagi kumakain. Kapag nasa practice sya ng play ay nasa pinakadulo akong seat para hindi nya ako mapansin. Pero kapag ginagawa ko yun, sya langang napapansin ko.

"I'm sorry kasi nakita mo ulit ako." Naglakad na ako papunta sa pinto pero naka-lock ang sa front door mula sa labas. Sira ata iyon.

Napalunok ako dahil kailangan kong dumaan sa kanya para makapunta sa back door. Sobrang tahimik ng footsteps ko para lang wala syang masabi.

Itinulak ko din ang glass door sa likod ng lab pero ayaw ding bumukas. What the hell?! Bakit naka-lock from the outside?

"What?!" Inis nyang tanong nang lingunin nya ako.

"I-it's locked from the out.." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang unti-unti syang lumapit sa akin. Nakatingin sya sa mga mata ko habang nakapamulsa at sinubukan ding itulak ang pinto. Para akong binubuhusan ng kumukulong tubig dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"What happened?" Kinakabahan nyang tanong. I've never seen him panic.

"Anong nangyari? Diba nabuksan mo pa kanina? Ni-lock mo ba?" Tumingin sya sa akin ng sobrang sama.

"Bakit ko gagawin iyon?" Oo nga. Ayaw nya pala sa akin. Ouch naman.

I tried to push it pero wala talaga. Kinuha ko ang celphone mula sa bag ko pero walang signal. Nasa pinakadulong bahagi ng Science Department.

"Walang signal dito." Pagalit nyang sabi.

Lumapit sya sa isang table at kumuha ng dalawang beaker. Kaya pala sya naririto ay para doon. Hindi ko alam na nagkaklase pala sila sa lab malapit dito!

Nanatili akong nakaabang sa glass door thinking na anytime ay merong dadaan doon. Sino namang walanghiya ang nag-lock noon? Hindi ba nya alam na mamatay matay na ako kasama si Prince?

Matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. Hindi na normal ang paghinga ko at hindi ko alam kung masama ba iyon.

"Do you have a mineral water there?" Dehydrated na ba sya kaagad? Teka. Wala naman akong tubig dito e! Kung alam ko lang sana na mangyayari ito, edi sana bumili ako ng mga lima kanina.

"W-wala sorry." Huminga naman sya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. Malakas ang aircon sa lab pero wala naman sa itsura nya ang nilalamig. Meron syang coat ngayon e.

"You caught a cold because of what happened in the pool? Should I be sorry?" Inis na sabi nya. I stood up para magtama ang mata namin.

"Hindi ko alam kung bakit inis na inis ka sakin, Prince.." Hindi pa nga kumpleto ang thought nang sinabi ko pero meron na agad syang comment.

"Sinong hindi maiinis sa isang babaeng sunod nang sunod kahit saan ako magpunta? It's creepy." Alam pala nya. Hindi ko magawang magsalita dahil doon.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon