Chapter 1

2K 23 0
                                    

Chapter 1

Nagmulat ako nang mata para makita kung anong oras na. Alas otso ng umaga. Muntik na akong mahulog sa kama sa pagmamadaling makaalis doon. 7:30 ang simula ng klase ko pero anong oras na?

Halos hindi na ako nakapag-shower ng maayos sa pagmamadali. Bumaba na ako ng hagdan ng bahay namin para lang makita si Kuya Yves na nakaupo nang maayos sa harap ng dining area. He has all the time samantalang ako ay gusto nang liparin ang Stallion University para lang makaabot sa una kong klase.

"Have a breakfast first." Kahit hindi pa sya tumitingin sa akin ay alam na nya na ako ang bumaba. Wala na namang ibang laging natataranta sa umaga kundi ako. Bakit nga ba ako kumuha ng 7:30 AM na klase kahit hindi ako sanay gumising ng maaga?

Kasi si Prince Xalverio na mahal ko na simula pa noong Grade 11 ako ay meron ding 7:30 AM na klase. Isang taon ang tanda niya sa akin pero ang kadalasang kasama niya ay mga graduating students katulad ni Kuya Yves.

"I need to go ahead, kuya!" I shouted from the living room. Hinanap ko ang car keys ko sa harap ng television kung saan ko iniwan kagabi. Kapag nga naman minamalas.

"You can't catch up with your first class, so what's the point of hurrying up?" Naglakad ako papunta sa dining area kung nasaan si kuya.

"Nasayo ang car keys ko, kuya?" Pinaningkitan ko pa sya mata pero ipinagpatuloy pa din nya ang pagbabasa ng dyaryo.

"What time did you go home last night? Dad happened to see your car parking at the garage and you even left your keys at the living room. Ano sa tingin mo ang nangyari?" What the hell! Grounded ba ako? Twenty years old na ako for goodness sake!

"Dad has my keys?" He nodded as he gaze at me.

"Nakakainis naman, kuya e! Nagpa-gas pa naman ako kagabi bago umuwi! Sayang lang pala. Isasabay mo na lang ako sa kotse mo?" Ngumisi ako at parang nagpa-cute habang sinasabi iyon.

Hindi nagbago ang expression ng mukha nya pero alam kong payag na iyan. Pwede kong gamitin ang ibang kotse na naroroon pero alam kong mas gugustuhin nyang isabay na lang ako kaysa magmaneho ako.

I am Reese Ferrer, isa sa dalawang anak nina Michael Angelo Ferrer at Dovelyn Ferrer. Sa Stallion University din ako nag-aaral katulad ni kuya. Simple ako at hindi tulad ng mga babaeng makikita sa prestihiyosong unibersidad na iyon. Ako ang babaeng hindi pinapansin ng mga lalaki at geek naman kung tawagin ng mga kaklase. I am tall at 5'7 pero tamang tama lang kung ang makakatuluyan ko ay ang lalaking matagal ko ng pangarap.

The prominent Prince Xalverio of Engineering Department possessed my heart for five years now. Malayo ang distansya namin sa lahat ng aspeto pero sya lang ang lagi kong nakikita. Model siya ng isang sikat na clothing company at top student sa batch nila. Madaming siyang talento at hindi siya nahihiyang ipakita iyong lahat. He has the confidence, influence and ability para makuha ang puso ng Stallion University. Hindi ako magtatakang iwasan nya ang isang katulad ko na wala namang maibibigay sa kanya kundi ang kahihiyan. I am not even as hot as those girls running after him.

"Dad will talk to you this afternoon, so don't go anywhere else after your class if you want your car back." Ipinagbukas ako ni kuya ng Driver's Seat kahit gamit nya ang istriktong boses na iyon.

Manang mana talaga sya kay dad sa kasungunitan at kagwapuhan na rin. He also loves photography and art pero pinili nyang sundin ang curiosity nya sa Science kaya BS Biology ang course nya ngayon. At balak pa nyang mag-doktor pagkatapos makakuha ng degree. Hindi ko alam kung kailan ako magsisimulang mag-isip ng kasingtaas ni kuya.

Hindi ko pinansin ang mga gwapo at magagandang indibidwal na nakakasalamuha ko habang naglalakad papunta sa library. Hindi ko na rin naman aabutan ang first class kaya mas mabuting magbasa na lang ako ng advance lessons for the next subject. Nag-text ako kay Carla kung nasaan ako para doon na lamang kami magkikita kapag natapos ang klase.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon