Chapter 9

1.3K 26 0
                                    

Chapter 9

Tapos na ang midterm exam week and everyone is busy doing the requirements na naiwan sa midterm. Hindi ko na halos ma-stalk si Prince dahil sa daming ginagawa. Kinalimutan ko na ang halikang naganap sa harap ko.

Nasa isang bakanteng classroom kami ngayon ni Carla habang naghihintay sa mga groupmates namin.

"Matutulog lang ako saglit. Wake me up when they arrive." She just nodded. Halos tatlong oras lang ang naitulog ko kaninang madaling araw dahil sa pagtapos sa requirement sa isang minor subject.

"Prince?" I heard the magic word. Nanlaki ang mata ko nang makita si Prince na nakatayo sa labas ng classroom. Bukas ang aircon pero binuksan nya ang pinto. Glass door iyon kaya kahit naman hindi nya buksan ay kita pa din sya. Malamang ay meron syang sasabihin.

"What are you doing here?" Tumayo ako at agad na kinuha ang bag. Baka gagamitin nila ang room. Hindi namin pina-reserve iyon e.

"Pwede bang sa ibang lalaki mo na lang ibuhos ang obsession mo? It's already frustrating receiving loveletters and stupid things from a third year college student who I supposed would never grow up." I smiled when he blunted that to me.

"Reese, you crossed the line already. Hindi ko na ito mapapalampas." Nasa likod ni Prince si Kuya na nagsalita. Mayroon pa doong isang kaklase ni kuya. Anong ginagawa ni kuya dito? Akala ko ba ay nasa OJT sya?

"What do you mean? Wala naman akong ginagawa." I looked at Carla na tumabi sa akin.

"You made these letters and put to his locker! His wrist watch is missing!" Itinapo ni kuya ang ilang letters sa sahig. Kahit kailan naman ay hindi ako nagbigay ng letter kay Prince. At mas lalong never kong nabuksan ang locker nya.

"Hindi ako ang.."

"Let me talk to her personally, Yves." Prince cut me. Kitang kita ko ang galit sa mata ni Kuya Yves.

"Allow me to talk to her too!" Hindi na kayang kumalma ni kuya.

Sana man lang nagtatanong si kuya bago sya mambintang. Lagi na lang syang naka-backup sa kaibigan nya.

"Please excuse us first. Hindi ito matagal." Carla looked at me na parang nagtatanong sa akin. I just nodded.

Lumabas si Carla at si Prince and Kyua Yves naman ang pumasok. Umupo sila sa gitnang bahagi ng room at sumunod ako. Hindi iyon kita kung sisilipin mula sa labas.

"Hindi ka ganitong pinalaki. Nakakahiya." I looked at Kuya Yves.

"Hindi ako ang naglagay ng mga letters na yan, kuya. At hindi din ako ang kumuha ng relo nya!"

"No one else would do that. Noon ko pa gustong sabihin sayo to. Nakakainis na ang paghabol mo sa akin at pagtingin mula sa malayo. I also hate it when you cheer for me for doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly. I wanted to do more than ignoring you but I respected you still because you are my friend's sister, but you went too far this time."

"You didn't respect me and my feelings for you, Prince. You never did. Hindi ata babae ang tingin mo sa akin kaya iba ang pakikitungo mo sa akin compare to other girls. Pero tiniis ko pa din kasi totoong gusto kita noon---"

"Stop it, Reese. Give back the watch while I'm asking you nicely!" Kuya shouted. Unang pagkakataon iyon na nagalit sya ng ganoon. And he's not asking me nicely right now.

"But damn you for tormenting my heart like this. And even you, kuya, I hate you." Nagawa ko pang ngumiti para lang hindi mahulog ang luha ko. Ngayong ako naman ang naghahamon ng tingin sa kanya ay hindi nya magawang tumingin ng deretso sa mata ko.

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon