Tatlong araw na ang nakalipas simula nang dalhin ako ni Prince sa clinic. Hindi ko pa din maintindihan ang sinabi nyang good in impressing guys daw. Kailan ako nagpa-impress sa mga lalaki?
Pero sobra ang paghingin ko ng sorry kay Hunter ng araw na iyon kasi ibinilin ni Prince sa nurse na wag daw akong paaalisin hanggang wala si kuya. May pagka-OA din pala ang lalaking iyon.
"Saan mo balak pumunta? Tapos na ang klase, baka lang hindi mo alam." Nagde-daydream pa ako nang pumitik sa harap ko si Carla. Panira talaga sya ng moment.
"Sama ka? Theater Hall. Final Rehearsal ng play directed by my prince." Walanghiya syang ngumiti sa akin na parang nananaginip pa din ako.
"Kelan ka ba titigil sa paghabol kay Prince?! Open your eyes, girl! Madami pang isda sa malaking dagat na ito!"
Nag-wave na ako sa kanya after nyang sabihin iyon. Ibig nyang sabihin ay hindi nya gustong makita ang panonood ko kay Prince. I can just watch him perform all my life and clap in al of his achievements.
"Manong naman, papasukin nyo na ako. Hindi naman ako manggugulo." Halos lumuhod na ako sa harap ni manong para lang maawa sya sa akin. Kanina pang nagsisimula ang rehearsal sa loob at gusto ko nang makita si Prince.
"Hindi po pwedeng magpapasok ng hindi cast o officer." Wala na akong ibang choice. Lumuhod ako sa harap ng manong at pinagdikit ang kamay.
"Manong, papasukin mo na ako please?! Gusto ko lang panoodin ang boyfriend ko! Kilala mo ba si Prince Xalverio? Sya ang director ng play na yun, boyfriend ko yun manong!" Tumingin si manong sa paligid na parang naawa sa ginagawa ko. Hahamakin ko talaga ang lahat mapanood lang si Prince.
"Wag ka namang magsinungaling, miss. Maganda ang girlfriend ni Prince e. Pero sige na nga. Para hindi ka na mangulit ay papapasukin na kita pero wag kang magulo sa loob ha. Ako ang pagagalitan kapag nanggulo ka."
"Thank you manong! Thank you so much! Ililibre kita bukas promise!" Sabi ko at ako na ang nagtulak ng pinto para makapasok. Nasa unahan ang lahat ng tao pero kuntento akong naupo sa likod.
Sa dinami-daming taong iyon ay kay Prince ako unang napatingin. Nakatalikod sya akin dahil nakaharap sya sa stage. Maririnig sa speakers sa likod ang lahat ng sinasabi nya gamit ang microphone na hawak.
"Make sure you are facing infront without blocking the person behind you. Jerrick, you make adjustments when you think Andrew is blocking you." He is really passionate in what he is doing. I closed my eyes as I listen to Prince's commands to his actors.
"Support her back when she makes the stunt. Let's make sure there will be no accident. Zey, make sure you will show up with the beat okay? Bumilang ka para hindi ka mahuli." Iminulat ko ang mata at pinanood sya.
Nakapamulsa syang umakyat ng stage at nag-demo sa isang lalaki. Sobrang lawak ng ngisi ko habang ginagawa nya iyon. Siguradong manonood sina Kuya Yves sa play na ito. Last week pa akong nakabili ng ticket para dito.
"Let's proceed to the Scene 21. Where is Troy?" Inayos ni Prince ang buhok nya habang hinihintay ang Tory na iyon. Galing pa sya sa backstage at halatang kumakain. Kung ako siguro ang nasa pwesto nya ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Let's skip Scene 21. Tapusin mo muna ang pagkain. Scene 22. Where is Jean?" Kasali pala sa play na ito ang girlfriend nya. I looked at her when she made her way to the center stage.
Unti unti ding naglabasan ang iba pang characters and they start acting. Jean was an extra character pero medyo mahaba din ang exposure nya. I will be a btch when I say that she's not that good. Sa itsura nya ay masasabi kong hindi nya din gusto ang ginagawa nya. He's only trying to impress Prince.

BINABASA MO ANG
The Chase
Novela Juvenil[COMPLETED] "I despise you for cheering for me while doing little things. I never liked it when you give me so much attention. Bvllshit! I am so tired of you adoring me childishly."