Chapter three "Confronted"

80 3 0
                                    

Music class.

Wala naman talaga akong interest sa subject na yan kasi wala akong kayang iplay na instrument at hindi ako marunong kumanta. As usual, Si Hee Joon ang pinaplay ng piano, at ang tinugtog niya ay ang walang kasawaang Plachedels Canon in D. Sana marunong din akong mag piano. Ever since first year namin, crush na crush ko na talaga yung instructor naming sa Music, marunong din siyang mag piano at violin. Si sir Delos Reyes, Tim, sa unang tingin mapapagkamalan mo siyang nerd. Naka glasses at mahaba ng konti ang buhok. Pero ang cool nya.

PE.

Buong Taon, ang pagaaralan namin ay ang sport na track and field at natural si Hee Joon nanaman ang Bida sa klaseng ito, Buong period nag susulk lang ako sa isang tabi. Okay, ikaw na talaga. Ikaw na. Inagaw mo na lahat sakin.

 Ng lahat ay papunta sa canteen nahuli akong lumabas ng may biglang humatak sakin papunta sa field.  Si Hee Joon! Ano ba problema niya? Gusto ba nya ng away?

Para magmukhang natural ang reaction ko sinabi ko nalang...

“Hee-kun?” ang pa cute kong boses at ang ulo ko ay naka tilt ng 45 degrees.

“Hindi mo na kailangan magkunwari sa harapan ko.” Sabi niya.

“Eh? Anong ibig mong sabihin Hee-kun?” sugoiii. Alam pala niya. Pero pinagpatuloy ko ang act ko.

“Alam ko ang lahat ng pagkukunwari mo.”

Tama nga ang hinala ko na masyado talaga siyang matalino. Nalaman niya ang secret ko.

“hindi ko na kailangan magtaka kung bakit mo nalaman.” Normal na boses ko. “Hindi ko akalain na may makakabuko sakin. Satingin ko alam mo narin na ayaw ko sayo.” Sabi ko sa parang harsh na tone.

“Parang ganun na nga.lahat ng nakaharang sa daanan mo ay ayaw mo.” Sabi niya.

“Isa lang ang masasabi ko sayo, Teretoryo ko to at ayaw kong may mangaagaw sakin.”

“pano pag maagaw ko na talaga sayo?”

“Hindi ako madaling talunin”

“we’ll see.”

Gahh. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. “Ja ne, Hee-Kun” At tumakbo na ang paalis ng Field at iniwan siyang nakatayo sa labas

Blue FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon