Chapter eight "fool"

70 2 0
                                    

Nagonline nanaman ako sa yahoo, may balak kausapin si jay. Hindi ko siya dapat iwasan. Kailangan kong maging matapang. Hindi padin nag oonline si Jay at tinry ko siyang I text.

“Jay, kelan ka mag oonline?”

Hanggang ngayon hindi padin siya nag rereply, ang text kong iyon ay history. Satingin ko sobra sobrang kahihiyan ang dinanas niya at napilitan hindi mag online. Ang sama ko talaga at biruin mo sa best friend ko pa nagawa iyon. OO siguro nga at takot akong mawalan ng best friend at kaya iniwasan ko siya pero tuluyan nga akong mawawalan kung ipagpapatuloy ko ito. Mabait naman si jay sakin pero ni minsan hindi ko pa siya nakikita sa personal. Mga 6 na ata nun nung natapos ako mag practice ng kendo nung blink umilaw ang cellphone ko at tumunog ang ringtone na “hanu ma chua”, hindi lang pala blink ,furiously blinking pala.

Jayhayrulez line said:

“Sorry at hindi ako nagparamdam these last few days. Siguro sabihin nalang nating naging busy ako. Please wag mo namang seryosohin yung sinabi ko sayo. Binibiro lang kita ikaw naman,hahaha. Kala ko matol ka e may kahinaan Karin pala. >:D text?”

Buti naman at hindi siya nagging seryoso sa sinabi nya dahil satingin ko madadagdagan pa yung mga iniisip ko.kinlick ko yung reply tas nag compose ako ng message.

“April fools ba nung isang araw at kailangan mong lokohin ako ng ganun? Hahaha”

Hit send.

Binitawan ko ang phone ko at humilata nalang sa kama. Hindi ko maisip kung pano ko ba matutulungan si Hee Joon at kung sino so Lee Seong Jae? Teka, iniisip ko nanaman yung ungas nay un! Haayyy. Bakit ko nga pala siya kelangan tulungan? E siya nga ang dahilan kung bakit unti unting bumabagsak ang 4 na taong pinaghirapan kong buuin na popularity habang siya 5 minutes lang niya nabuo at kasing taas pa o higit pa sa taas ng empire state building. Bwisit! Bigla nalang nagblink ulit yung phone ko at agad ko itong kinuha.

Jayhayrulez line:

“Hindi naman, testing lang. :D”

Pano pag nalaman niyang ang matol at pinupuring babae na katext nya ngayon ay 4 na taon ng nagkukunwari na isang kawaii Goddess ng school nila? Hindi kaya lalayuan na ako nito? Hindi naman siguro, lahat naman sila parepareho ea. Gusto nila yung mga cute at may dating di katulad ng mga tulad naming.. sinasantabi nalang na parang basura. Ang buhay ko ay hindi nalalayo sa buhay ni Hannah Montana, half life isang sikat at minamahal ng lahat na rockstar at ang isang kalahati naman ay ang binabaliwala na normal na teenager. Kung ang buhay ko ang paguusapan half of my life ay ang pagiging sikat na kawaii Goddess ng school namin at ang kalahati ay ang lalaking lalaking pagdadamit at nakakairitang personality. OO cute ako, sa school pero ni minsan hindi ko sinusuot ang mga pambabaeng damit na yan sa bahay. Lagi nalang akong naka t-shirt ,shorts (minsan baggy pants),sweatshirt at step-in. Mas comportable ang buhay ko nito. Kung sisikat lang ako sa pagsusuot ko ng ganito malamang at hindi ko na kailangan magpacute. Malabo din ang mata ko kaya kailangan kong maglagay ng contact lens, yung GEO pa pampalaki ng mata na parang anime! At dahil wala namang nakakakita saakin na ibang tao sa bahay, nag sasalamin nalang ako. Ibang iba ang ugali ko sa bahay at sa school.

Nagtext sakin si Jay ulit ng mga around 9 at ang sabi nya..

“magkita tayo sa cafe malapit sa may the French baker sa trinoma bukas, see you there!”

Hala, So willing na talaga siyang magpakita sakin after all this time? Ano ang susuotin ko? Kailangan ko bang maging si Aoi Hana ng School O si Aoi Hana na ako? Natural at kilala nya ako as in yung tunay na ako, pero mahirap na at baka may makakilala sakin diba?

Blue FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon