Chapter eleven"Her Flaws"

81 3 0
                                    

So ayun, pasalamat ako at ang Papa ni Jaymie pala ay realestate consultant may nirerent pala silang apartment for college students at tamang tama.Naghahanap ako ng Apartment. Isang buong building ang Apartment nila , wala pang nagrerent dito. Ibig sabihin masosolo ko pa ang place. Sa Baba dalawang units at pagtaas mo sa 2nd floor 2 units ulit. Sabi ko sa taas nalang ako para pag gising ko sa umaga sasalubong sakin yung malamig na simoy ng hangin. Tinawagan ko na agad si Papa para masabihan na nakakita na ako ng apartment.

“So kelan mo balak lumipat?” tanong sakin ni Jaymie na naka upo sa sofa nila.

“Mga next week siguro..alam na naman ni Papa na lilipat ako ASAP.”

“E di lagi na pala kitang mabibisita nyan?” nginitian nya ako.

“hahaha. Wag naman lagi, wala ako mapapakain sayo.”

“Yakisoba ok na!”

Nagtawanan kaming dalawa. Siguro ang swerte swerte ko lang talaga ngayong araw na ito. Bukas, sabi ni sir makakabalik na daw ata siya at siya na magtuturo sakin. YESSS

The next day,

“Bakit ikaw padin?! Akala ko ba si Sir Tim na!!!!” grabe akala ko retired na si Hee Joon sa pagtuturo sakin e di pala!

“Wala siya.”

“Anong wala?!”

“maternity leave.”

“anong maternity leave ka dyan. Wag mo nga akong lokohin!” maternity leave, ano si sir tim BUNTIS???

Lumapit siya sakin at binangga ang kamay sa pader, kinorner nya ako.

“Bakit ayaw mo ata akong makasama?” nginingitian nya nanaman ako.

“b-bakit ano pakealam mo?”

“Siguro, crush mo.....

...Si sir Tim?

“HA?! HINDI KAYA!” tinutulak ko sya pero ang lakas nya.. 1 inch nalang ata lapit ng mukha nya sakin. Naamoy ko yung perfume nya.

“denial, nakikita ko sa mga mata mo.”

Hindi ako sumagot.

“Nakikita ko din sa mga mata mo na kinikilig ka na sa ginagawa ko ngayon.”

AMP! SIRA ULO. £&*^$£&*()!£&&*!!!!! Tinulak ko siya at sumama nanaman ako sa kanya kasi hindi nya ako binitawan. Bumagsak kami sa may sahig, hindi na siya nawalan ng malay ngayon. Nagkatitigan kami, nakikita ko na ang sarili kong reflection sa mata nya.

“Tignan mo... kinikilig nga sya. Nagbublush ka na nga e.”

Breakfree. Hindi ako makaalis. Hinahawakan parin nya ako.

“ano ba kasi problema mo ha?! Bat ayaw mo akong bitawan?!”sigaw ko.

“masama ba yung ginagawa natin? E diba lalaki ka?”

Hindi ko na kaya ito,kelangan ko ng makaalis sa hawak nya. Bago pa may dumating na ibang tao. Binitawan narin nya ako atlast at pagod na pagod ako.

“Akala ko ba matapang ka?” tinanong nya ako.

Tumakbo nalang ako palabas ng room.

Akala ko ba matapang ka?

E diba lalaki ka?

Paikot ikot ang mga salitang yan sa utak ko. Hindi ko parin pala siya matatalo agad agad. Kahit gano ka galing ako sa kendo at Judo mas malakas parin siya sakin. Parang gusto ko na sumuko.

Sa klase hindi ko siya iniimik buong linggo, para lang siyang hangin para sakin. Walang buhay, wala akong pakealam kung ano pa ang panginis na gagawin nya para sumuko ako. Siguro at pinlano nanaman nya ang ginawa nya sakin para sumuko na ako. Hindi ako susuko. Wala na akong balak tulungan ang gunggong na iyon, lalo nya at parang binastos na nya ako nung isang araw. Satingin ko ang iniisip nilang gentleman na si Hee Joon ay faker dahil mali ang inaakala niya. Hindi lang pala ako ang nagbabalat kayo dito, dalawa pala kami.

Blue FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon