Chapter nine"new best friend"

71 3 0
                                    

The next day

Wala ngang nakakakilala sakin noh? Ilang ng mga ka school mates ko na nadaan ko ay ni hindi manlang ako tinignan. Ganito ba talaga ka discriminated ang mga taong walang alam sa style? Mas masarap pala ang buhay na ganito. Naka T-shirt lang ako tas naka short at may salamin at naka bonnet na blue. Inipitan ko nalang yung buhok ko. Walang make up , bare face.

Umupo na ako sa may upuan doon at umorder ng isang cup ng caffe latte na inumin. Ang sabi nya mga around 10 siya darating pero 10:30 na. Baka naman pinaglololoko na ako nito ah. Kailangan ko pang imiss ang klase ko kay Hee Joon para makilala lang siya tas hindi pa siya sisipot?

“Kawaiisecret09?”

Narinig ko ang username ko at agad akong lumingon.

Naka T-shirt lang siya at naka pants, nakasuot ng blue na rubbershoes at medyo basa pa ang buhok. Inabot nya ang kamay nya sakin at nagshakehands kami. Teka parang kilala ko to ah.

*flashback*

“Red, sino ba yung varsity player na yun?”

“Ah si Jaymie ba? Magaling yan mag basketball, nung elem kami, yan yung team captain ng team nila.”

“talaga? Ang galing nga nya noh.”

Pinapanuod ko siya dati maglaro nung 1st year palang ako at hindi pa ako gaanong sikat at wala pang balak magpasikat. Nakakatuwa kasi siya maglaro e. Isang araw, pumasok ako sa court at nakita kong naglalaro siya. Biglang gumulong ang bola sa paa ko at kinuha ko, binigay ko sa kanya.

“Ito oh.”

“salamat.”

“Ang galing mong maglaro”

“hindi naman. Gusto ko lang talaga mapunta sa championship ng HS basketball.”

“kaya mo yan, magaling ka kaya.!”nagngitian kaming dalawa.

Simula ng sumikat ako ni hindi ko na siya nakita noon.lumipat na yata siya ng school.

*end of flashback*

“ah! Jaym--“

Tinakpan ko ang bibig ko.

“wag kang magalala, ok lang. Alam ko naman at makikilala mo ako e. Nakilala din naman kita.... Hana.”

Pano nya nalaman na ako nga ito? May alam ba siya?

“p-pano?”

“satingin mo ba hindi kita makikilala?”nginitian nya ako, ang cute na ngiti nya.

“p-pano ka naging si Jayhayrulez? At pano mo nalaman ang totoong ako?”

“Nung una wala talaga akong alam na ganyan ka at ang tunay mong personality nung kelan ko lang nalaman. Nasa library ka nung 3rd year tayo at naglog in ka sa Yahoo account mo. Nakalimutan mo naglog out at accidentally nakita ko ang account mo. Kaya indadd ko na sarili ko.”

“kaya pala nag mysteriously lumabas ang account mo sa contacts ko. Teka, akala ko ba lumipat ka?”

“Hana, hindi ako lumipat, nakalimutan mo lang talaga ako. Kaya ngayon ipapaalala ko sayo.” Tumayo siya at nilapit ang mukha nya sa akin.

“umm” wala akong masabi

“diba ako nga ang best friend mo?”

“teka, hindi pa kita pinapatawad dun sa ‘will you go out with me’ ha!”

“chill. Hahaha. Alam ko naman na magugulat ka nun ea. Testing testing lang ha.wag kang magisip ng iba. Kahit na nakalimutan mo na ako, pinapanuod parin kita mula sa malayong distansya. Kaya Okay lang ba kung si Jaymie na yung bestfriend mo kesa si Jayhayrulez?”

Tumango nalang ako.

“wag kang magalala, mas masarap maging bestfriend si Jaymie kesa kay Jayhayrulez. your secrets safe with me.”

So that’s it, the first time i find out that i was already caught.

Blue FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon