Ok pinalibutan namin ni Mason ng bulb wire yung gate within 2 hours. Nakatulog narin ako. Well kailangan ko din ng break e. Pagdating ng mga 4 pm nakauwi narin si Hee Joon sa apartment niya. Hindi siya nangulo ngayon. Alam nya siguro na galit ako dahil sa nangyari kagabi.
Lumabas muna ako ng apartment at nagpahangin, lumabas din siya at tinabihan ako.
“Sorry dahil sa perwisyo ng fans club ko ah.”
“Hindi,ok lang.”
“Sigurado ka? Nakatulog ka na ba?”
“oo”
“umm. Para malaman mo na sincere ako sa sorry ko. Ito.” Binigyan nya ako ng isang maliit na box na kulay pink.
“ano to?”
“buksan mo nalang.”
Pagbukas ko ng pambalot isang cake ang nakalagay sa loob. Nagalagay, “gomen ne” wala ako masabi.
“gomawo” sabi ko tas ngumiti.
“Eh? Korean?! Marunong ka?”
“akala mo sakin Tanga? Basics lang...”
Sinindihan niya yung candle tas sabay naming binlow ito. Ang maliwanag na terrace ay biglang dumilim.
Hindi ko alam kung ano ang nanyari saming dalawa bat ganun kami? Siguro at pagod na kaming dalawa magbangayan. Well pagod narin ako.
The next day
“Asan na si Mason?” tinanong ko.
“umuwi, hinahanap ni mama. Pansin mo kagabi? Wala siya.”
“Ah kaya pala.” Kaya pala matapang kang magbigay ng regalo sakin kagabi!!!
“Nagustuhan mo ba yung cake?”
“ok lang...” nginitian ko siya. Kahit bite size yung cake medyo naenjoy ko naman.
Nagtitigan lang kami tas bigla nalang akong umalis.
Hindi pwede to. Hindi pwede to. >.<
JUST BE FRIENDS!!! JUST BE FREAKING FRIENDS!!!
Pumasok na ako sa kwarto at agad humiga sa kama. Tinalukbungan ko ang sarili ko ng comforter at pumikit. Ano ba talaga ang tunay na ugali niya.
“Akala ko ba lalaki ka?!”
“Nagustuhan mo ba ang cake?”
“Sorry dahil sa perwisyo ng fans club ko ah.”
“Help me...Hana”
Naguguluhan na talaga ako. Sino ba talaga ang tunay na Hee Joon? At bakit kailangan na isipin ko pa siya bago ako matulog? GAH! Ano na bang nangyayari sakin?! Putik! Kailangan ko makabawi ng tulog dahil baka may test pa kami bukas. Hindi ko na matiis, kailangan ko ng iwasan si Hee Joon.
The next day.
Mga 5:00 palang gising na ako at naligo at nagbihis na ng school uniform. Pumilas ako ng isang pirasong papel sa notebook ko at sumulat.
“Hee Joon, nauna na ako sa school ah. May gagawin pa kasi ako e. Wag mo na akong sabayan tsaka magbukas ka nalang ng cup noodles mamayang gabi pakainin mo narin si Mason J “
- Hana
Siguro magwoworkout na to. Sabagay, pack naman ang week na ito sa preparations sa founding anniversary ng school kaya hindi kami masyado magkikita, at wala akong balak na mikapag kita sa kanya. Iisip naman ako ng panibagong dahilan para makaiwas sa kanya bukas at si iba pang mga araw. Pag pasok ko ng school nakita ko siya agad na nakatambay sa may harap ng prefect office. Kukuha na ata siya ng card for college applications. Gumilid ako at tinakpan ko ang mukha ko ng folder na dala ko. Buti nalang at hindi nya ako pinansin. Nakatakip padin ang mukha ko ng bigla akong nabunggo at tumumba sa sahig.
“Hana, ano bang ginagawa mo?” si Red yan na naka PE uniform.
“Wala. Hihihi. Masarap talagang maglaro ng Hide and Seek ^_~” pa cute effect. Sana naman at hindi ako nakita ni Hee Joon. Pag tingin ko sa may prefect office wala na siya doon, siguro naka pasok na siya sa loob. “ Red-chan. I gotta go. Ja ne” at tumakbo na ako paalis.
Buong araw ko siyang iniwasan, tago dito, tago doon, kung saan ako magpunta tyempo naman na andun din siya. Pinapagod yata ako nun ea. Lumipas na ang mga ilang araw at na nagsucceed ako sa plano ko na Hide and seek ko kay Hee Joon. Mga 9 na ako umuuwi at kadalasang nasa loob na si Hee Joon at baka natutulog na. Dahan dahan akong pumasok ng pintuan,
“Hanggang kailan mo ba ako balak iwasan?”
Andun pala siya. Ano nga bang ieexcuse ko? Buset wala akong maisip.
“Diba sabi ko sayo na...nag aayos ako ng mga gagawin sa foundation week?” tumawa ako.
“tumingin ka nga sakin”
Ah..hindi...ayoko tumingin.
“bakit ayaw mo tumingin? Ibig ba sabihin mo na tama ako at iniiwasan mo ako.”
“Hindi.titingin na po.”
Yiee. Ayoko talaga. Sinarado ko ang pinto at tumingin ako sa kanya. Teka? Nagpagupit ba siya ng buhok? Nakasuot siya ng glasses at nakacoat. Kamukha siya ni kim bum, teka mas gwapo pa sya kay kimbum! Tinitigan ko siya. O_o wala akong masabe at tinitigan ko nalang siya.
“Huminga ka naman.” At nginitian nya ako.
“Ha! Hahahahaha!” so talagang nahalata niyang nagulat ako dun.
“Nagwapuhan ka nanaman sakin e”
“ANO?!” Hinampas ko siya sa may braso at napatingin siya sakin.oops. napalakas ata masyado yung pagkakahampas ko ah.
“S-sorry” Yumuko ako.
“Ang cute mo pala pag tumatawa...”
ANO????????????
“AH eh... sige papasok na ako sa loob ah..see you..” hindi ko na inintay ang response nya at kinalabog ko na ang pinto. Fail ang plano ko na pagtaguan siya, mas lalo pa atang napalala >.<
Gomen ne Seong Jae-san.. nagkakagusto na yata ako kay Hee Joon, kung sino ka man.

BINABASA MO ANG
Blue Flower
RomanceAoi Hana is considered as the most popular girl in school because of her intelligence and cuteness. Her life changed when a rich and popular Korean Heir entered their school and tries to dethrone her. Can she hide her real identity? Is she strong en...