Chapter twenty "fireworks"

63 1 0
                                    

1 week kaming nagstay na ni papa sa Japan, mga 29 at dun na ako uuwi. Lagi kong katawag si Hee Joon dhil may roaming number siya na ginagamit.

“Oh, ayos na ba ang kwarto ko?”

“Hoy, dito ka parin matutulog sa kwarto ko kahit pag uwi mo!”

“ano ka?! Lagi mo nalang akong binubully dyan, tsaka ang kulit mo.Hindi mo ako pinapatulog.”

“Pasalamat ka at napipigilan ko pa ang sarili ko,” ano hindi ko narining.

“Ha?”

“wala.sabi ko ang ganda mo.”

“Paki sabi kay Jaymie pag dumaan sa apartment paki sundo kamo ako ha sa airport bukas ok?”

“oo, oo.”

“Sige na, bbye na. Bhala ka na dyan ah.”

Tas binabaan ko na siya. Tignan mo ang difference ng pag uusap naming ngayun? Kahit may bangayan parin, mas lalong tumahimik ang usapan namin. Ganito yata nagagawa ng friendship.

Uuwi na ako bukas sa pilipinas. Hanggang ngayon iniisip ko parin na mas naging close na kami ni Hee Joon ngayon, medto bumabait na nga kami sa isat isa, bawas na ang bangayan namin. Si Jaymie naman, nandun umuwi ng province kasama si Papa nya.pero nagpasundo ako sa kanya ngayon.

Pagbaba ko sa Ninoy Aquino international airport naramdaman ko na ang init ng pilipinas ULIT!malamig sa Japan e. Doon sa may lobby may natanaw akong lalaking nakatayo sa may harapan.

HEE JOON?!

Tumakbo ako papunta sa kanya. Anong ginagawa nya dito?

“bakit ikaw sumudo sakin?”

“bakit, masama? Sasabihin ko lang sayo dapat ngayon na wala na yung piano lessons natin.”

“ANO?”

“bat nagagalit ka, as if like mo na ako ang teacher mo diba?”

“oo tama lang pala, kaw kasi teacher ko e, kaya hindi ako matuto tuto.”

“Ako pa ngayon, e ayaw mo magpaturo e.”

“Pano Bossy ka.”

Lumabas na kami ng airport at sumakay ng taxi.

Today ay disperas ng new year, welcome 2013!!!!

Wala naman akong balak gawin ngayon kungdi matulog at matulog, wala naman sigurong program sa school e. Nakahilata nalang ako sa Kama nang biglang kumatok si Hee Joon sa pinto.

“Hana, tara labas ka.”

Ano nanaman balak nito? Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita siya na nakaupo sa may hagdanan ng apartment.may hawak siyang isang box ng lusis at bnigyan ako ng isa. Sinindihan nya yung sa kanya at umilaw ito ng mga halos 5 minutes.

“Ang sarap talaga magpalusis no.” Sinabi nya sakin habang paubos na yung lusis nya.

“Ang gaganda ng mga kulay.” Sabi ko.

“gusto mo bang malaman ung tungkol samin ni Seong Jae?”

Tumango nalang ako.

“Sa itsura ni Seong Jae, hindi sya pwede na kababatang kapatid ko dahil halos magka age lang kami.. mga nauna lang ako sa kanya ng ilang buwan. Ang totoo nyan.. ex girlfriend ko talaga si Seong Jae.”

Ex? Pano..kala ko ba kapatid nya?

“siguro, naguguluhan ka ngayon sa mga pinagsasasabi ko. Siguro nga at napakamalas kong tao, ang katangi tangi kong mahal na tao ng mga panahong iyon ay kapatid ko pala. Mahirap talaga tanggapin,

Blue FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon