Chapter one "Secret Identity"

204 5 0
                                    

“Aoi Hana, Ang tinatawag nilang Pure bred Japanese Heiress ng School na ito. Not only does she excel sa studies pati narin sa kanyang sweetness at cuteness ay umaangat siya. Tinitingala siya lahat ng mga etsudyante dito. Lahat ng lalaki gusto siyang makadate at lahat naman ng babae ay gusto maging katulad niya. Siya na ata ang Top ng buong School at walang makakatalo sa kanya.” Ang article na iyan ay ang Headline sa daily School paper namin. Tinititigan ko ang aking picture sa papel na naka pose ng crowd favourite na cute neko sign ko ^_^v . Bilib na bilib talaga ako sa sarili ko na nagagawa ko ang mga bagay na ito na parang nature ko na talaga yon. Purket ba Japanese kailangan nang cute? Satingin ba nila iyon ang totoong ako?

Ang totoong Hana ay Boyish at Nag excel sa Japanese Judo at Kendo. Magaling humawak ng bamboo stick at hindi mo aakalaing tinatawag na kawaii o cute ng ibang estudyante. Totoo at nageexcel ako sa Studies ko, pero hindi pa sapat ang katalinuhan para makuha ang popularity na natatamo ko ngayon. Maaring masira ang pangalan ko kung malalaman nila ang totoo. Straight 4 years na akong Top sa buong School since nag tatake kami ng School Exams na may ranking ang labanan. Lagi akong pinupuri ng School Board at Staff, pati na ata ang mga tao sa cafeteria nirerespeto ako. Nag migrate na kami dito sa manila since nandito ang work ng Papa ko last 3 years. Nung kailan lang ako natuto ng Tagalog pero minsan nahihirapan parin ako. Satingin ko ang fame at popularity ko dito ay parang Paradise.

“Hajinimaste, Watashi wa Aoi Hana desu, Yoroshiku onegai shimasu” ang unang pagbati ko sa mga confuse na face ng mga bago kong kaklase nung nag transfer ako sa school na ito. Hindi pa ako marunong mag tagalong nun pero parang naastigan na saking yung mga kaklase ko. Ang mga ibang otaku na nagaaral sa school, sinasabing kamuka ko daw si kyary pamyu pamyu, isang sikat na Jpop artist sa Japan. Pero kung alam lang nila ang totoo, satingin ko ang cute na face ni kyary ay hindi kailanman masasabing kamukha ko. Sa Japan tinutukso nila akong marimo dahil sa bilog kong mukha sa hugis marimo ball. Lagi nila akong binubully dahil sobrang taba ko talaga dati at sa pagiging nerd tas nahihirapan pa akong makipagkaibigan sa ibang mga bata. Nung simulan akong turuan ng Judo at Kendo ni Papa, nagbago na ang pananaw ko sa buhay na dapat ay maging competitive ako. Since si papa ang nagpalaki sakin, naging boyish narin ang mga kilos ko. Kahit na pumayat na ang mukha ko, patuloy padin nilang tinutukso ako ng marimo kaya naging violente ako sa mga kaklase ko. Pero nung lumipat kami dito sa pilipinas, ninais ko nalang na itago ang identity ko at kunin ang tiwala ng mga estudyante. Sa 4 na taon ay nagawa ko naman kunin ang tiwala nila pati narin ang respeto. I LOVE THIS LIFE. Pano ko nga ba natutunan na maging kawaii? Hindi madali pag aralan, matagal ko talagang pinag isipan ang lahat na ito. Pinakulayan ko ang buhok ko ng light brown, straight bangs, kulay Blue na Circle Lenses, Pink lipstick, Heavy eyeliner, fake lashes, Blush On at cute na mga pins at bows. Iyan ang araw araw na pinagtitiisan ko na ilagay at pag laanan ng oras na ayusin. Pati narin ang mga gamit ko ay chinange ko sa mga cute na cute na strawberry printed na notebooks, pens, rabbit shape na bag at kung ano ano pa. Torture sa boyish na tulad ko, pero kung ito lang ang paraan, why not diba?

Blue FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon