"My names is little Red and I am from a far away kingdom named the kingdom of Shimla.Shimla is ruled by the king and queen and their son prince Joon. I was an orphan but the local baker of our town took care of me. When i turned sixteen last summer, he gave me a quest. A quest about delivering the cookies to an old woman living to the far away town of woods... And... Hay, ang hirap naman ng english pwedeng tagalog nalang?" sabi ko.
"Huy, sabi english daw" biglang pumunta sa tabi ko si Hana.
"eh ang hirap naman mag english eh! sabi, gagawa daw ng story tas ikikwento ko sa mga bata." actually, nasa harapan na namin sila. Nakatunganga na naka harap samin. Mga kindergarden sila sa sister school ng university namin. kasama to sa campaign na sinalihan namin ni Hana.
"I want ate Hana to tell us the story! You suck!" sabay bato sakin ng batang kanina pa ako iritang irita dahil bukod tangi sya lang ang ngisi ng ngisi sa likod habang makapagdamdamin kong kinukwento ang little red riding hood na hindi ko naman talaga alam ang story at ginawa gawa ko nalang. imbento kumbaga, in english pa!
"Pagbigyan mo na.. you can do it! sige, ikwento mo sa tagalog pero ewan ko nalang kung mas makikinig sila sa kwento mo ah." sabi sakin ng hana.
"ako bahala."
bumalik na sa may upuan si hana at pinagpatuloy ang pag babasa nya ng isang japanese na magazine.
"Ehem! As i was saying...' Ganun ba iha? sabi ng lalaking nakasalubong ko sa daan' tinignan ako ng mabuti ng lalaki at ibinulong saakin. 'wag kang masyadong magtitiwala kung kani kanino Little Red at baka ikaw ay mapahamak.' bigla nalang siyang naglakad papalayo saakin."
(Red's imagination)
Muling naglakad si Little Red papunta kung saan nakalagay ang sign board na "THE TOWN OF WOODS: 2 km away" medyo sumigla si Little Red dahil alam nyang malapit na siya sa kanyang paroroonan. mahigit 2 araw narin siyang naglalakad mula sa kanilang kaharian. Buhat ng nasira ang karwahe ng kanyang ama dahil nadaganan ito ng kanilang kabayo na si Donnie. Mahal na mahal nya si Donnie, ngunit medyo nairita sya sa mga panahon na iyon dahil sinira ni Donnie ang kanilang karwahe ng nalaman niyang aalis pala siya. sa totoo lang 2 oras lang ang biyahe papunta sa Woods pero umabot siya ng 2 araw dahil sa ibat ibang rason.
May nakita si Little Red na isang malaking puno na may mga bunga na kulay dilaw na mansanas. kahit tatatlong piraso lamang ay parang nakakabighani ito. nilapitan ni Little Red ang puno at itoy nagsalita.
"Ano ang iyong nais?"
biglang napasigaw at napatalon si Little Red dahil sa kanyang pagkagulat. Tinakpan niya ang kanyang tenga at nagkakakanta.
"Hindi ako dapat makinig. Baka makatulog ako! Andyan ang Ibong adarna!"
"Hindi ako ibong adarna, tanga! Ako ang mahiwagang puno na nagbubunga ng dilaw na mansanas"
"diba obvious?"
"Ano ang iyong nais?"
"Ulet ulet?"
"Hindi naman.. baka kasi hindi mo narinig kanina eh."
"ah.. wala naman."
"Weh? pustahan tayo gusto mo pumitas dilaw na mansanas."
"Pano mo nalaman?."
"lahat naman eh."
"Bibigyan mo ba ako, oh mahiwagang puno na may dilaw na mansanas?"
"hindi."
" Nyek.Bakit?"
"eh ayaw ko eh."
Aba may attitude din tong puno na to ah. biglang isip ni Little Red.
"ibibigay ko ito sayo, sa isang kondisyon."
"ano?"
"ibigay mo sakin ang laman ng iyong basket na dala. Diba cookies yan?"
"ayoko nga! saksak mo sa baga mo yang mansanas mo!"
"Hindi mo ba nais ang napaka sarap at matamis na mansanas na bunga ko? wag kang mag alala, alaga ng fertlizer yan na organic. Hindi ako tumatanggap na in-organic noh."
"Sabi ni Ama, Ito raw ay napakamakapangyarihang mga cookies. Dapat ko lamang i abot ito sa nararapat. inorder pa 'to."
"Ako! ako ang nararapat!"
"taga..woods yung umorder. Hindi pa to woods eh."
"Ngunit..ngunit..."
"wala!"
"Hindi mo ba alam na... ang dala dala mong mga cookies ay gawa sa fertilizer na matagal ko nang hinahanap."
"wala akong pake-alam kung san pa ito gawa o kung fertilizer ba ito o hinde."
biglang kumaripas ng takbo si Little Red.
dumaan pa ang ilang mga minuto at narating narin ni Little Red ang Woods.
dadalawa lamang ang bahay na nakatayo sa lugar na ito.
'MAMILI KA, BUHAY O PATAY?' sang sign board na nakalagay pag pasok mo palang. ano kaya ang ibig sabihin nito?
"saan ba kaya nakatira ang matandang babae?" sabi niya.
pumasok si Little Red sa bahay na nakalagay ay Buhay.
"special delivery!" sigaw niya
madilim ang lugar at tahimik. Nagulat nalang si Little Red ng may humablot sa kanyang malaking babaeng may hawak na kutsilyo.
"nandito na pala ang special delivery ko!" sigaw ng babae.
"Ito na po...pero teka bitawan nyo po ako."
"sinong nagsabing iyan ang special delivery ko? diba dapat sa malaking puno yan? fertilizer. yuck! Ikaw! ikaw ang inorder ko!"
"ako po? hindi pwede. si ama po.."
"Ibinenta ka na niya saakin! sabi nya malaki kang pasakit sa buhay nya! lumaki ka daw na bilmoko! (bilan mo ako) magastos! kaya ibinenta ka nya ng 20 ginto saakin. kaya wag ka nang magulo at kakainin pa kita!"
bigla nalang bumukas ang pinto at lumitaw si prince Joon.
tumakbo ang mangkukulam at naglaho sa dilim.
"ayos ka lang ba?"
"oo, ayos lang ako. pano?"
"hindi ko rin alam. napunta lang ako dito."
"hiling ko lang, isang autograph o kaunting pictures pero higit pa ang pinagkaloob!"
"so gusto mo umalis ako?"
"hindi! masaya lang ako!"
"bakit?"
"Kasi prince charming kita sa kwentong to."
"Sino may sabi?"
"bakit?"
"hala. lagot ka kay hana..inaagaw mo ako!"
"hoy, dito lang naman to. pagbigyan mo na ako."
"sige na nga!"
bumalik na sa kaharian ng far away si Prince Joon at Red. at namuhay sila ng masaya.
Wakas.
RED:"Pagod na ako mag kwento! Hana! ang hirap naman ng role mo!!!!!"
HANA:hehe :3
wakas na talaga =)))
BINABASA MO ANG
Blue Flower
RomanceAoi Hana is considered as the most popular girl in school because of her intelligence and cuteness. Her life changed when a rich and popular Korean Heir entered their school and tries to dethrone her. Can she hide her real identity? Is she strong en...