“so yung tinutukoy mo pala talaga na papatayin mo ay si Hee Joon?” tanong nya.
“Oo.”
“Sabi ko na nga ba e.” Tumawa nalang siya.
Hindi ko aakalain na si Jayhayrulez pala ay si Jaymie, ngayon ko lang talaga siya ulit naalala since nung 1st year pa kami. Ang laki na ng pinagbago nya, dati totoy na totoy pa siya ngayon binatang binata na. Pinagpatuloy parin niya ang pagbabasketball sa school namin at head na siya ng team (ngayon ko lang nalaman).
“Simula nung nagsalita ka ng ‘Hoy inadd mo ba ako?’ sa wall ko. Nagtaka ako nung una... at ang inisip ko hinack ka lang.pero nung mga ilang beses na kita chinat alam ko na ikaw na yan. At dun ko nalaman ang tunay na Hana. Akala ko talaga lalaki yung kausap ko e. Pero ikaw pala talaga yun.”
Hindi ko talaga aakalain na dahil sa yahoo nalaman nya ang tunay na ako.
2 down! Yikes ang dami nang nakakaalam >.<
Bigla nalang nag ring ang cellphone ko, sinagot ko agad.
“HOY!!! ASAN KA NA BA??? BAKIT HINDI KA PUMASOK???? PINAGHINTAY MO AKO AYYY.” Kahit gaano ka gentleman si Hee Joon ngayon ko lang na experience nag pag bubunganga nya sakin.
“ABA, E AYAW KO PUMASOK E.”
“BAT DI MO SINABI NA HINDI KA PAPASOK? TEKA ALAM MO BA TUGTUGIN YUNG LALALA AT KELANGAN IPAGMALAKI MO SAKIN NA HINDI MO NA KELANGAN MAG PRACTICE?”
“HAY EWAN KO SAYO!”
Binabaan ko siya ng telepono.
“Sino yun?”
“kaibigan ko.”
“ah.”
Tumunog ulit yung cellphone ko at sinagot ko!
“LANGYA NAMAN KELAN KA BA SUSUKO?!”
“ah...Hana..anak?” ay potek si Papa pala.
“Ay, Otousan, gomen ne. Sorry, bakit po kayo napatawag?”
“Nakakita ka na ba ng apartment na pwede mong tuluyan?”
“Apartment po ba? Hindi pa nga po e. Mahirap maghanap.”
“AH osige. Ok bbye na.”
“bye. Sumimasen desuka” >.< biniruin mo sinigawan ko pa si papa.
Pinatay ko ang CP at ayun na nga..baka kasi tumawag pa si Hee Joon Ulol.
“Apartment ba kamo?” tanong sakin ni Jaymie.

BINABASA MO ANG
Blue Flower
RomanceAoi Hana is considered as the most popular girl in school because of her intelligence and cuteness. Her life changed when a rich and popular Korean Heir entered their school and tries to dethrone her. Can she hide her real identity? Is she strong en...