Ring ring ring
Bigla nalang akong nagising sa tunog ng cellphone ko. Inabot ko mula sa dresser yung phone ko at sinagot.
“Moshi Moshi”
“Hana anata.” (my dear)
“ah. Otousan.” (Father)
“Odanjoubi Omedetou” (Happy Birthday)
“Arigato Otousan.” (Thank you Father)
“ ano... ogenki desu ka?” (How are you/are you fine?)
“Ogenki desu otousan. Watashi, daijoubu desu.” ( I’m good father. I’m fine)
“honto ni?” (really?)
“Honto. Nande?” (Really, why?)
“Ano..ido... Hana?” (ummm..Hana?)
“ nande otousan?” (why Father?)
“ Hiro-kun...” medyo natagalan din ang pag ka tahimik nya.
“Wakata” (I know.)
“gomen ne..” (I’m sorry)
“ah daijoubu..otousan..Ja ne. Sayonara” (ah its okay..father..I’ll see you..bye.)
Alam ko talaga kung bakit tumawag si Papa ngayon..at ang dahilan ay ang malapit na mangyari ang napagkasunduan. Hindi ko alam kung alam nya ang tungkol samin ni Hee Joon. Kailangan ko na bang iend ang lahat ng ito? Umiwas? Magpakalayo? Ni hindi ko nga alam kung seryoso talaga si Hee Joon sakin eh.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam.
Pano kung seryoso nga siya? E di nasaktan ko siya?
Ako kaya, Masasaktan?
Oo?
Hindi?
Ang gulo,Pano ba kasi ako napasok dito?
Ang alam ko, lets try lang naman. Pwede kaya mag back out?
Isa lang ang dapat kong gawin.
Tanungin siya.
Medyo natagalan din ako makapag construct ng tamang sasabihin sa kanya, pero napakahirap kaya ng kalagayan ko ngayon.Pano kung sinabi niya na mahal na niya ako? Ano gagawin ko? Hindi ako nakatulog masyado nun at maraming gumugulo sa isipan ko. Lalo na kung paano ko sasabihin kay Hee Joon? Mahal ko na nga ba siya?
Man, hell no.
Bakit pa kailangan ipagpatuloy to kung alam naman natin kung ano ang ending?
Nag exchange kami ng kisses at lumalabas, mahigit pa sa pagkakaibigan ang turingan namin. Pero lahat ba iyon sapat para mapatunayan lahat? Pano kung nag lolokohan lang naman kami? Pano kung isa lang naman ako ulit sa mga flings nya?
Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko?!!!!
Satingin ko...
Friend.
Napaaga ang labas ni Hee Joon sa apartment niya at nakita nya ako na nakapwesto sa may harapan ng pintuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, o sasabihin sa kanya. Sasabihin ko na kaya? Hindi naman ako masasaktan dahil hindi ko naman ata siya mahal eh.
Hindi naman siguro,
Ngumiti siya nung nakita nya ako at binati ako ng “Happy Birthday”, may mga konting bagay siyang nabanggit kung saan kami pupunta pero hindi man lang ako nakikinig dahil sa dami ng umiikot sa utak ko. Mga tanong, Possibleng sagot , Plano.
Kaibigan lang naman ang turing ko sa kanya.
Isang matalik na kaibigan.
May sinabi siya na pupunta daw kaming amusement park. Ililibre ko daw siya at kung ano ano pa. Hindi ko na namalayan na nandun na pala kami sa park, nung biglang nag snap ako sa reality. Oo, alam ko mahirap iexplain ang pagka space out ko ngayon. Pero ako din, nabilib sa biglang pag transport naming dito.
“Alam mo, medyo na wiweirdohan na ako sayo.” Sinabi nya sakin habang naglalakad kami patungo sa mga rides.
“Ha? Hindi..may iniisip lang ako.” Ano dapat i excuse ko? College application?
“Ako ba iniisip mo? Hindi na kailangan oh. Nandito naman ako sa tabi mo di ba?”
“Sira ka talaga” hinampas ko siya sa may balikat.
“Nanakit nanaman po oh ” hinawakan nya ang kamay ko. “Na miss ko yon.” Binulong nya sa may tenga ko at tumawa ng malakas.
“Medyo bumait na nga ako sayo eh.” Sabi ko habang natatawa sa ginagawa nya sa mga daliri ko habang naglalakad kami.
“Kailan?”
“Ngayon.”
“Pshh. Hindi mo kasi ako mahal,kaya mo ako sinasaktan.”
Nagulat nalang ako nung bigla nyang sinabi yon, Hindi ko alam kung biro nya iyon o seryoso siya pero lahat naman ata sa kanya biro lang. Wala akong sinabi, hindi nalang din siya kumibo pero nagulat nalang ako nang nakita ko paparating saaming direction si Jaymie at si Seong Jae. Binati ako nilang dalawa ng Happy Birthday at hindi ko alam kung pano napilit ni Hee Joon sa sarili nya na makasama si Seong Jae? Gusto ko itanong pero medyo confidential yun.
“Alam nyo ba? May bagong bukas na Haunted house dito. Gusto nyo ba sumama?” sabi ni Jaymie
“Ha?! “ napatingin ako kay Hee Joon pero natatawa nalang siya sa expression ko. Kung nandito lang si Mason, malamang dalawa na sila nagtatatawa sa harapan ko ngayon. Lumunok nalang ako ang hinawakan si Hee Joon.
“Bakit? Takot ka ba Hana?”
“Uyy, hindi ah. Tara na.” Nahirapan din ako sabihin yang tara na. 6 na letra, 2 salita. Parang isang paragraph nung binasa ko sa sobrang bigat sa pakiramdam.
Hinawakan ko nalang ng mas mahigpit ang kamay ni Hee Joon at pumasok na kami sa isang madilim na kwarto.
BINABASA MO ANG
Blue Flower
RomanceAoi Hana is considered as the most popular girl in school because of her intelligence and cuteness. Her life changed when a rich and popular Korean Heir entered their school and tries to dethrone her. Can she hide her real identity? Is she strong en...
